I never thought that cleaning a room will be a torture for me. Bawat yata tapunan ko ng tingin ay parang mga punyal na sumasaksak sa puso kong hindi malaman kung paanong nakakaya ang ganito.
I waited for five years. I've been patient thinking na isang araw darating din ang pagkakataon na babalik ang minsang pagmamahal na ipinaramdaman nya sa akin. But what happened now? Mali nga ba na umasa ako? Kasalanan ko nga ba talagang mahalin sya at umasa na masusuklian nya ang pagmamahal ko?
Nanginginig ang mga kamay na dinampot ko ang isang picture frame. It was a photo of a man and obviously his woman. Sa ngiti pa lang at kung paano nya tignan ang babaeng kasama sa litratong iyon, I can feel his love for him.
Pero bakit hindi ko magawang maging masaya para sa kanila? Bakit pakiramdam ko ay para akong pinapatay habang tinitignan ang litratong iyon?
"I love you, Yza." Was that a lie?
Ramdam ko ang pamamasa ng aking mga pisngi nang isa-isang magbalik sa akin ang ala-ala naming dalawa. It's been five years since his feelings changed pero ang nararamdaman ko ay ganoon pa rin.
Looking at every photos, I can see how happy Raver is. The same happiness I used to own. The same smile I used to admire.
How can love be this painful?
How can someone love the same way I did?
Martir nga ba ako tulad ng sinabi ni Erika o sadyang tanga lang?
Pero katangahan nga ba ang magmahal? Kasalanan nga ba na sya ang piliin ng puso ko kahit hindi na ako ang tinitibok ng puso nya? At kasalanan nga bang umasa sa isang bagay na akala ko ay may patutunguhan pa?
Ilang ulit nya nang pinamukha sa akin na hanggang papel lang ang kung ano mang mayroon sa pagitan naming dalawa but I still choose to ignore. Red flags are all over me and yet there's only one thing I wanted to see for all those years. I was blinded by my love for him.
"Kamusta ang byahe nyo? Nag-enjoy ba kayo sa inyong bakasyon?" I heard Manang asked someone.
Mabilis kong pinahid ang luhang pumatak nang marinig ang pagbukas ng pinto. I should be happy right? Dahil nakauwi na ako tulad nang matagal ko nang gusto. I should be happy and.... contented because at last, makakasama ko na sya sa iisang bahay.
"Who are you?" A baritone voice asked. It was followed by a giggle and the sound of stilletos na humahalik sa malamig na sahig.
I stayed on my back while taking deepbreaths. Hindi ko alam kung paano syang haharapin sa ganitong kalagayan ko. It was supposed to be a fun and welcoming night, atleast I expected it to be.
"I said who are you?" Raver asked again. Malalim ang tinig nya kaya natitiyak kong kaunti na lang ay mawawalan na sya ng pasensya.
Because that's how he is. Gusto nya ay iyong mabilis ang maging sagot sa kanya. He wanted to always feel important and included kaya sa oras na ibuka nya ang kanyang bibig, the spotlight is supposed to be his. Walang aagaw o walang mambabalewala dahil sa isang kisap mata, his intentions might change into something scary.
I took the last deep breath bago marahang umikot paharap. Kinagat ko ang dila para lamang hindi maiyak nang sa magkahawak nilang kamay agad tumama ang aking paningin.
"Who is she, babe?" The lady beside him ask. Nakangiti ito sa akin habang si Raver ay walang emosyon na nakatitig sa kabuuan ko.
I felt a dagger stab my heart. Babe. Ako dapat ang tumatawag noon sa akin kanya, ako dapat ang kahawak nya ngayon at ako dapat ang naroon sa tabi. Ako dapat. Dahil ako ang asawa.
"Manang!" Raver shouted at the top of his lungs.
Doon ko lang napagtanto na umalis na pala si Manang. His fierce gaze are still fixated at me while I fix mine on their intertwined hands.
Masakit. Napakasakit na maski ang salitang masakit ay hindi na maipaliwanag ang nararamdamang paghihinagpis ng puso ko. Did he asked me to come home just to witness this? He should've sent me a photo para man lang kahit papaano ay hindi ako umasa na may pag-asa na kaming dalawa. He should've gave me a warning para naman hindi na ganito kasakit ang daratnan ko, hindi ba?
"Manang!" Raver called for the second time.
Ibinaba ko ang aking paningin sa kamay kong pinipilit na huwag ipakita ang panginginig.
"Hijo, bakit?" Tanong ni Manang nang makarating ito sa silid but Raver stayed silent.
"Who is she?" The lady asked habang nakalingon sa kinatatayuan ni Manang.
Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Is she the reason why Raver didn't want our marriage to work? Dahil kung oo, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. She's clearly my opposite and I can see why Raver like her.
"Ah si Yzabelle, sya ang ipinadala ng agency na bagong katulong na papalit doon sa isang umalis," walang kaalam-alam na saad ni Manang.
"Yzabelle?"
I took all my courage to speak. "Magandang araw ho, Mr. Montemayor." Yumuko ako nang maramdaman ang paglandas ng mga luha. No. This is not happening. Not now. I just.... No, hindi ako pwedeng umiyak sa harapan nya.
Raver. He will not like this. He will not. Not because he care for me but he care for her at hindi ko kayang sirain ang ngiti sa mga litrato nyang naroon. No. I will not let them see me shed a tear.
"What are you—"
"Do you know her, babe?" The last asked. Ramdam ko ang lalong paninikip ng aking dibdib.
"Stay here. You," aniya. Kahit hindi ako nakatingin alam kong matalim ang mga mata nya sa akin, "follow me."
"Pero, babe—"
"I'll be back, okay? Kakausapin ko lang si Yzabelle regarding sa sahod."
"Okay. Be quick ha? I'm tired. Gusto ko nang magpahinga."
"I'll be back before you know it," he gave her a peck on the lips saka ipinulupot ang kanyang kamay sa baywang ng babaeng kaharap. How I wish he'll do the same for me, "I love you." And that kills me.
Raver never told me he love me. Kahit noon pa man. He's sweet and caring but he never told me how he felt towards me. Ang parati nya lang sinasabi sa akin ay he respects me and I thought that was the important thing.
Respect.
Not until that day came. The day that changes everything and ruined our life—his life.
"I love you too!" The lady answered as she giggled. Halatang kinikilig ito lalo na nang gawaran ni Raver ng halik ang likod ng kanyang palad.
The scene is just too much for me but I can't bear to walk away without doing anything. Pero paano ko magagawang magalit at hadlangan ang bagay na nakakapagpasaya sa taong mahal ko? How can I not sacrifice when I can see how inlove he is with this girl?
May karapatan nga ba akong magalit?
May karapatan nga ba akong magwala at sabihin na sa akin sya when all of this is slapping me with the reality I choose to ignore?
Raver is not mine. His heart was never been mine.
"What are you doing here?" Tanong nya nang marating namin ang study room.
Hindi ko inaasahan na mas masakit pa pala ang makikita ko rito because on his table rests the magazines of wedding gowns and beaches. Mukhang talaga ngang totoo ang plano nilang magpakasal.
"You asked me to come home," mahinang tugon ko na hindi inaalis ang tingin sa mga magazine.
"I told you next week!" Sigaw dahilan para madiin akong mapapikit. Inihilamos nya ang kanyang palad sa mukha saka frustrated akong tinignan.
Gusto ko tuloy kwestyunin kung maski isang beses man lang ba ay nagawa nyang sigawan ang babaeng iyon. I stayed silent. Kahit sa dami ng tanong na gusto kong itanong ay mas pinili kong itikom ang aking bibig.
"Nevermind. Since you're here now, I wanted you to sign this," muling saad nya saka inilabas ang isang folder mula sa kanyang lamesa.
Naupo sya sa swivel chair at pinanuod na basahin ko ang nakapaloob sa folder.
"Annulment?" Papahinang tanong ko. Hindi makapaniwalang nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Yes. Annulment. Make it quick I need to go—"
"Raver." I called him. I don't want to beg pero kahit anong gawin ko ay taliwas ang gusto ng aking puso. "Can we just be happy for once? Do you really have to do this?" And I just found myself begging to stay.