Chapter 3: Mistress

1208 Words
Life hasn't been kind to me. Mula pa man pagkabata ay ipinagkait na sa akin ng tadhana ang pagiging masaya. I grew up miserable and Raver was the only one who made me feel kung gaano kasarap mabuhay. We met at a perfect time. He made me special and the only one. He was there when I was at my lowest. He has always been there not until that happened. Hindi ko lubos inisip na sa isang kisap mata ay magbabago ang lahat ng akala ko ay planado na. The moment I gave myself to him was the day I promise to be his forever pero hindi pumasok sa isip ko na kabaligtaran ang lahat para sa kanya. He took my innocence away. Kasabay non ay ang lahat ng natitirang dignidad na mayroon ako. Itinakwil ako ni Mama matapos nyang malaman ang nangyari. She let me marry him para sa kahihiyan na gusto nyang burahin sa apelyido namin and I thought Raver saved me from hell but look at me now, drowning at the same hell from five years ago. Akala ko lang pala iniligtas nya ako, akala ko tinulungan nya akong makaahon pero ang ginawa nya lang ay itago ako sa pinakamadilim na parte ng kanyang impyerno. "Good morning," Andrea, Raver's fiancé greeted us cheerfully. Matipid akong gumanti ng ngiti nang gumawi sa akin ang kanyang atensyon. How can I be mad at this girl? She's innocent and pure, halatang walang kaalam-alam sa kung ano nga ba ang totoong estado ng buhay namin ng lalaking pakakasalan. "You look young to be a maid, how old are you?" Aniya na nasa akin ang atensyon. Subo nya ang isang slice ng apple pero napaka-elegante pa rin tignan. She's an angel. Bagay na bagay sa kanya iyong kulot at mahaba nyang buhok. Her small lips and pointed nose adds innocence on her face. I envied her natural eyebrows and eyelashes. "I'm 25," tugon ko. Agad kong nakita ang pag-aliwalas ng kanyang mukha. "Gosh! We're at the same age! Can we be friends?" Magiliw na tanong nya dahilan para bahagya akong matigilan na nakatitig sa kanyang inosenteng mukha. "Raver wouldn't mind naman if we became friends." But I do. Gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot akong bigla ay umiyak sya at tumakbo kay Raver at maging dahilan iyon para tuluyan nya akong walain sa buhay nya. I promised him that I'll stay quiet kapalit ng pananatili ko rito sa bahay nya. Kahit gaano kasakit. Kahit gaano katanga para sa iba, nangako akong hahayaan silang dalawa, na kahit masakit ay wala syang maririnig sa akin na salita dahil ganoon ako katanga para sa kanya. Ganoon ako kadesperada para sa pagmamahal nya. Nagpaalam ako para gawin ang trabaho ko. I left the broken hearted Andrea na ang gusto lang ay makipagkaibigan sa akin but will I be able to accept her offer? I accepted the fact that she's Raver's fiance. Kailangan ba pati ang pagkikipagkaibigan nya ay tanggapin ko na rin? Kung tatanggapin ko man, will she be able to handle the truth? Na ako ang asawa at isa lamang syang kirida? Na kasal ako sa lalaking pakakasalan nya? Kaya nya bang tanggapin na sa aming dalawa ay ako dapat ang reyna at isa lamang syang ekstra? "Napakasweet nila, ano?" Mabilis kong nilingon ang likuran nang marinig ang tinig. And standing behind me is a girl na halos kasing age ko lang yata. Pinanuod nya ang dalawa sa paglalampungan. Sweet? That's sweet for her? Raver looks irritated habang pinupunasan ni Andrea ang pawis nya. They're playing basketball and I don't see sweetness but annoyance on his face. O talagang ako lang ang nag-iisip na iyon nga ang nararamdaman ni Raver sa ngayon? Nagbuga ako ng malalim na hininga at muling itinuloy ang ginagawa. Halos trenta minutos na pala ako rito at hindi ko pa rin natatapos linisan ang isang side ng bintana. Masyado akong nalunod sa mga isipin. "Alam mo bang nagpropose si Sir Raver dyan kay Ms. Andrea noong nakaraang taon lang? Akala nga namin ay hindi mag-u-oo si Ms. Andrea." Pagkukwento nya. Nanatili lamang blanko ang paningin ko pero nakikinig ako sa bawat salitang binibitawan nya. I wish she never said yes. Magiging madali pa sana ang pagpasok ko sa buhay ni Raver kung humindi lang sya. I choose to not open my mouth. Wala naman kasi akong dapat sabihin tungkol sa ikinukwento nya. Akala ko ay aalis na sya pero nanatili sya roon sa tabi ko habang pinapanuod ang dalawa. "Nako," paulit-ulit syang umiling habang nakangiti at tila ba may isang nakakakilig na pangyayaring naalala, "abot-abot na pagmamakaawa nitong si Sir Raver dyan. Grabe yung effort na ginawa nya para lang suyuin si Ms. Andrea," pagpapatuloy nya, "akalain mo bang pinuntahan nya pa si Ms. Andrea sa Palawan para lang humingi ng tawad. Rinig ko ay si Ms. Andrea lang din ang kaisa-isang babae na iniyakan nyan ni Sir Raver." "Ano raw nangyari?" Pakikiusyoso ko. "E, paano may bumisita raw sa opisina ni Sir Raver at sinabing asawa sya nito. Ayon. Muntikan maghiwalay yung dalawa." Nakangiwing tugon nya. Ilang masasamang salita pa ang binitawan nya tungkol sa babaeng tinutukoy pero napako ang atensyon ko sa babae sa kwento nya. That was me. Last year binisita ko sya. Diretso sa kanyang kompanya kung saan ko sinabi ang relasyon naming dalawa. Everyone was shocked of course at lamang sa kanila ang hindi naniwala pero binaliwala ko lamang iyon. Umuwi ako sa condo nya and when he saw me, he became a beast ready to eat his prey. He was so mad at me that day. The reason behind his anger is because of her. Nasira ko ang samahan nila that's why he almost killed me. I almost lost my life for a girl I never knew existed. Madiin kong pinikit ang mga mata para pigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Humugot ako ng malalim na hininga bago muling nag-angat ng tingin sa dalawa. Ramdam ko nanaman ang maliliit na punyal na paulit-ulit sumasaksak sa wasak kong puso habang pinanunuod kung paanong hagkan ni Raver si Andrea na tila sila lamang ang nasa mundong binuo nila para sa kanila, na tila ba wala kami doon sa eksena. "Sya lang din ang nag-iisang babaeng nakarelasyon ni Sir Raver at ganoon din si Ms. Andrea! Ang galing, hindi ba?!" Muling saad nya sa aking tabi. Doon sya nagkakamali. Dahil bago pa man pumasok si Andrea sa buhay ni Raver, naroon na ako. I was his first love, his first kiss and first romance. "Ilang taon na silang may relasyon?" Malamig kong tanong at ilang ulit kong pinagsisihan iyon nang sumagot ang babae sa aking gilid. "Seven years." Napangiti ako nang mapakla. Sana pala ay nanahimik na lang ako. Kung sana wala na akong inalam tungkol sa relasyon nila, edi sana hindi na nadagdagan ang masakit sa dibdib ko dahil ngayon ramdam ko na parang unti-unti nanaman akong pinapatay habang kinukwestiyon kung ano nga ba ang naging papel ko noon sa buhay nya. Seven years. I was there. I was in the picture. Sa seven years na iyon, dalawang taon ang sa amin ni Raver and until now, I am in the picture. Ako nga ba ang legal? O ako ang tinatago nyang kirida?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD