At exactly 8 in the evening ay nakaprepare na ang dinner. Nakaligo na din ako at mga staff na di nakaduty ay naghihintay na.
All right guys, I want to thank each and everyone of you for all your love, respect and support. Rest assured that I will not let you down and let's continue to treat each other as a family. May I ask Tatay Jaime to lead the prayer.
Sure anak. Nakangiting sabi nito habang papunta sa mga nakahaing food.
After the prayer and food blessing, nagsimula na pumila ang lahat. Ako naman ay patungo sa Nanay Lilia na nagsisimula na sa pagluluto ng bibingka.
Nanay kamusta po kayo? Buti po at pinagbigyan nyo kami kahit ang dami nyong parokyano.
Naku Andeng nag-iwan na kami ng luto duon at pinakisuyo ko sa pamangkin ko na magbantay. Hinde ko naman matanggihan si Mrs. Aguilar dahil para sayo ang party na ito.
Naku Nay hinde naman po ito party, pa thank ko lang po sa mga staff at parang padespedida nila Tatay James. Halika po kain po tayo!
Naku hinde na ang dami ko pa lulutuin.
Mamaya napo yan, kumain muna po tayo ng kasama ninyo. Tara na po.
Ay oo nga pala sya si Sonya, pamangkin ko din.
Hi po ate, kain muna po tayo. Sabay hatak ko sa kamay nila.
Naku baka masunog ang nakasalang, si Tyang na muna ang kumain, salitan nalang kami.
Ate lalamig po ang pagkain, gusto mo po dalhan kita. Wait lang habang nagmamadali ko na hinila si Nanay Lilia.
Nay dito napo tayo makitable ha kasama sila, turo ko sa mag-asawang Tatay James.
Ate ito po magpakabusog ka ha. Pinapahatid ko po drinks mo dito. Salamat po sa pagsama sa Inay Lilia. Tawagin mo lng itong si Joey kapag may kailangan ka ha.
Joey ikaw na bahala. Kumain ka na din.
Yes ma'am. Sabay saludo.
Andeng, kongratsulesyon pala balita ko nataas na posisyon mo. Bati ng Inay.
Opo, kaso nga lang po iiwanan na ako ng Tatay at Nanay ko. Pabiro kong tugon habang nakatingin sa mag-asawa.
Sya nga pla Lilia, ihabilin ko sayo itong dalaga namin ha, bisita bisitahin mo. Sabi ni Tatay James.
O sya sige kapag may orders ng bibingka ay ako ng personal na paparine para mabisita ko lalo't wala ka na palang nobyo. Sagot ng Inay.
Ayos, updated ah. Ang bilis naman po nakarating sa inyo.
Ay kasi nakwento ko kahapon kay Lilia, sabad ni Nanay Luisa.
Nay! Napanguso ako habang nangingiting nakatingin sa dalawa. Okey lang po ako. Kaya ko po yan. Masakit oo pero po, kaya ko.
Guys, makisuyo naman po pag tapos na kayo kumain pakitawag po at paswap muna sa nakaduty khit 30 to 40 minutes para makakain sila then pagbalik nila pede napo kayo magpahinga. Salamat girls and boys. I love you all. Mahaba ko litanya.
Congrats ulit ma'am, I love you ma'am, thank you sa masarap na dinner, ma'am bukas ulit. Kanya kanyang sabi ng mga staff sa paligid habang naglalabasan sa canteen.
Ma'am recieved 2 orders po sa 3rd flr kare kare daw po.
Wala naman sa menu ang kare-kare ah.
Sinabi ko nga mam kaso napanuod daw nila sa Live na nagluto ka ng Kare-kare eh gusto daw nila matikman. Magkano daw po.
Sige bigyan nyo, same price ng Lengua sa menu. Madami pa naman yan, make sure na makakain muna ang staff ha.
Isa kasi sa feature ng Hotel ang live broadcast ng niluluto sa Kitchen para makita nila ang kalinisan sa pagprepare ng food. May channel sa TV ng bawat room kung saan ito pede makita.
Ma'am, may iba dn po room na nag-order ng niluto nyo tsaka po bibingka.
Sige go. Nay madami po ba kayo extra at baka po dumugin kayo?
Naku oo anak madami dami naman.
Ilang sandali pa at mabilis na nga kumalat sa hotel guest na may bibingkang niluluto sa canteen kaya dinumog ito.
Natapos ang gabi na ang lahat ay may extra ngiti dahil ang kinita sa handa ay equally divided sa staff.