Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at halos araw araw kami nagkikita ni Inay Lilia dahil sa order sa bibingka.
Very positive ang naging respond ng guests at madaming nagpost sa f*******: at i********: ng "Bibingka ni Inay Lilia sa Pine Vines". Talaga naman kasing napakasarap at purong makan ang ginamit, sagana sa itlog at may toppings na itlog na pula at murang niyog.
Thursday at araw ng bisita ni Blake, hinde dahil sa kami pa nun kundi talagang weekly sila halos bumibisita sa Pine Vines.
Nagulat ako at kasama si Chairman Sebastian at ang misis nito, bigla akong kinabahan dahil alam ko ng ako ang punterya.
Iha, good morning.
Good morning po Chairman, Mrs. Sebastian, Sir Blake.
Sir Blake? Napakunot ang noo ng Chairman. Drop the formality iha.
Habang ang misis naman nito ay nakasibangot. Nuon pa ma'y alam kong hinde ito boto sa akin.
Tama lang po Chairman kasi po nasa trabaho tayo.
Iha, sa office tayo.
Pinili ko na lamang na sumunod ng tahimik kahit sobrang kaba ang nararamdaman ko.
Iha, I want to talk to you regarding what happened and I want to make it short and direct.
Nanatili akong tahimik dahil hinde ako makapag-isip kung ano ba ang dapat kong isagot.
Blake, what? Baling na tanong nito sa anak. What's your decision? Di ka ba magsasalita o ako ng magsasabi ng dapat mong sabihin? Sabi ni chairman.
Ahhh Pa. Utal na sagot ni Blake.
Vladimir bakit ba pinipilit mo ang ang anak mo sa babaeng ito? Singit ni Mrs. Sebastian.
Tumahimik ka, hinde mo alam ang sinasabi mo. Madiin na sagot nito sa asawa, samahan pa ng nagbabantang tingin.
Blake? Gigil na sabi nito sa anak.
Papa sya na lang kausapin nyo kasi kung di naman nakipag break so Andrea di ko din naman yan iiwanan. Sya naman ang umayaw. Sagot ni Blake.
Wait, teka, napatayo ako sa pagkabigla, parang kasalanan ko pa. Pagkatapos ng ginawa mong kalokohan, wala kang modo.
Tigilan nyo na yan, madiing sabi ng chairman. Iha, gusto sanang makasal kayo sa madaling panahon.
Po? No? I will not marry Blake, for God sake.
Iha, listen. Ang gusto ko lang ay mapabuti kayong dalawa.
Si Blake naman ay tahimik lang na nakayuko.
No chairman, madiin kong sagot. I already made my decision and it's final, my answer is a big no. How can I marry a man whom I don't trust. I don't want to be in a situation na pagsisihan ko sa bandang huli.
Aba, ang babaeng to, anong ibig mong sabihin? Ikaw pa umaayaw sa anak ko? Napatayong sagot ni Mrs. Sebastian.
Excuse me po, with all due to respect, hinde ko po pinipilit ang sarili ko sa anak ninyo dahil kung mahal po ako nyan, di po ako lolokohin.
That's enough. Singit ng chairman.
Chairman, sir, ito po ba ang kapalit ng promotion ko? Pede ko po iyon ibalik sa inyo kung buhay ko po at kinabukasan ko ang kapalit. Naluluha kong sabi.
Hinde iha, you deserve that pero ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko kay Blake at sa kumpanya. I hope you understand. Isa pa matagal na kayo ni Blake and I guarantee you na hinde na uulitin ni Blake ang nangyari, right Blake?
Yes pa, nakayukong sagot ni Blake.
Iha, pag-isipan mo.
Si Mrs. Sebastian naman ay nanatiling nakaismid.
I already made up my mind po at hinde po ako magpapakasal kay Blake. I don't love him anymore. Ilang beses nya na po ito ginawa sa akin. I hate all those excuses. Sorry po. Napapahikbi kong sagot.
Nanghihina ako sa sitwasyon at halos hilahin ko ang oras na sana ay matapos na pag-uusap na yon.
Sige iha, ikaw ang bahala. Blake let's go. Sabay tayo at nagmamadali ng umalis.
Sumunod na din ako sa paglabas at dumiretso sa likod.
Iha, anak, ano ba ang nangyari?
Napatingin ako sa kung sino ang nagsalita sa likod ko at si Inay Lilia pala.