20

1551 Words
“Tito, gising!” Pucha! Nagkalintikan na! Hindi nakaregister ang numero ni Tita Agnes kay Tito Titus! Kaya nagulat ako pagkarinig ng boses na yon. Kilalang-kilala ko si Tita kaya hindi ako maaaring magkamali. Kahit nakapikit ako e malalaman ko talaga. Idinilat lang nito ang isang mata kaya pinanlakihan ko at doon lang ito nagising nang tuluyan saka inabot sa’kin ang cellphone. Dali-dali akong bumaba ng kama kahit nanginginig pa rin. Kunot naman ang noo nito habang nakasunod sa’kin na paroon at parito. “Okay, I’ll call you back...” iyon ang naging sagot ni Tito pagkatapos ng ilang tango. “Lumapit ka rito, Roana...” pagpag nito sa kama. Ngumiwi ako bago gumapang at lumapit nga sa kanya. “Why are you agitated?” Gagap nito sa ulo ko. Alam naman niya eh. Bakit ba tinatanong niya pa ako noon? Hindi pa halata? Pakiramdam ko pinapanood kami ngayon ni Tita. Pakiramdam ko ang kakatok diyan sa pintuan ay si Tita ni. Kung ganoon kailangan ko na naman ba ulit lumayo? “She’s just asking about my whereabouts. Hindi ka na nabanggit, so stop being nervous.” Haplos nito sa ulo ko. Tumango ako, sige maniniwala muna ako ngayon. Siguro hindi muna mag-iisip ng kung ano si Tita. Nasa puder naman ako ni Tito eh. Na kumakanti sa akin. Kainis lang! Sinamaan ko nga ito ng titig na tinawanan lang nito. “Bumaba na tayo, let’s have an early breakfast.” Pampalubag nito. Alam din siguro nito kung ano ang kasalanan nito. Walang duda. Alam talaga nito. Kaya nag-ayos muna ako bago sumunod dito. Bumaba muna kami at kumain ng breakfast. Sinabi pa nitong may katatagpuin itong prospect client. At sabi pa ay isasama ako dahil baka mabagot. “Ano naman ang gagawin ko doon, Tito?” Kunot noong sabi ko rito, aburido ulit. Katatapos ko lang ng heavy breakfast... kaya ngayon ay humihigop ng sopas. Pagod na pagod ako! Oo hindi exaggerated talagang pagod na pagod ko. Muntik pang naubos ang sampung condom! Useless din naman pala kasi sa huli mas gusto nito iyong buraot na paraan. Mabuti napakiusapan kong wag sa loob. “May-ari ng isang palaruan iyong client, kaya pwede ka munang magliwaliw doon.” Nabilaukan tuloy ako. Ito nama’y tawang-tawa sa reaksyon ko. “Ginawa mo pa akong bata! Mabuti pa iwan niyo na lang ako dito. Ako na ang bahala sa sarili ko.” Tanggi ko rito. Nagdadalawang isip pa ito bago ibinuka ang bibig para sumang-ayon na lang din. Sinabi pa niyang baka tulad kahapon ay gagabihin na naman ito. Walang problema. Saka okay na iyon para makapagpahinga ako. Alas diez nang umalis si Tito. Ako nama’y paligo pa lang. Saka lang ako nagblow dry noong nagdesisyon na bababa. Wala naman kasi akong gagawin sa itaas kundi manood ng tv. At saka gusto kong maranasan ulit na maglakad sa syudad. Tatlong Linggo pa nga lang ako nawawala, e parang gusto ko nang bumalik. Inikot ko lang ang corner malapit sa hotel bago muling bumalik at tumungo sa dining. Nag-order lang ako ng lunch at ninamnam iyon. Kaso halos mahulog ako sa inuupuan nang may tumabi sa akin at napagsino iyon. “T-t-tita...” Ngumisi ito at ibinaba ang sout na salamin. Saka idinantay ang braso sa mesa. “Got you, Roana...” Halos gusto kong takbuhin ang pintuan para lang makatakas dito. Hindi ko inaasahan na dadatnan ko si Tita, dito pa talaga. Hindi ko man lang naramdaman. Kaya halos atakehin ako sa puso habang nakatitig dito na naniningkit ang matang nakadapo sa akin. “Stop playing games, Roana. Okay na si Mama... and I have a job to find you. Ewan ko ba at anong pinakain mo kay Titus kung bakit pumayag iyon na itago ka. Pinahirapan mo pa’ko.” Mahinang bulong nito takot din yatang makagawa ng gulo. Nanginginig naman ang daliri ko sa inis. Hindi naman ako natatakot kay Tita. Kaya lang naghahalo ang sama ng loob ko dahil bumabalik na naman sa akin ang alaalang yon. “Bakit niyo po ba ako hinanap pa?” Hindi na natiis na itanong iyon. Bahagya itong natigilan, nanigas ang katawan. Bago tuluyang nauwi sa pagkakunot noo saka nanggigil na ngumisi sa akin. “Why would I not? Sinong makakatiis, Roana? Hahayaan ba kita?” Sabi ko na nga ba. Nasalisihan nito si Tito. At hindi ko na rin alam kung ano pa ang gagawin ko ngayon. Nahuli niya na ako. Gustuhin ko mang tumakas e hindi ko rin magagawa. Lalo na nakamasid lang sa paligid iyong mga tauhan nito. “Tita, please stop! Hindi niyo naman ako kailangang hanapin. You’re not my Mom nor your sister’s daughter!” Napalis ang ngiti nito at unti-unti na ring naging seryoso. Pansin ko ang bahagya nitong pagkakagitla. In fact, she looks so pale. Natatakot ba siya? Kasi alam ko na? Sarkastikong napangisi na lamang ako. Ang tagal nilang niloko ako. Inintindi ko noon kung bakit ganoon ang pagiging strikta nito. Kaso ngayon, ngayon na alam ko na ang totoo... wala nang dahilan para pigilan nila ako sa desisyon ko na ‘to. “Akala mo kasi matatago mo lahat-lahat. You forgot to lock your office drawer, Tita! Nakita ko roon, adoption paper? Pagkatapos totoong pangalan ko pa? Hindi mo naman ako dinisplina para maging boba at hindi maintindihan iyon.” Naiiyak na saad ko halos hindi ko ito matitigan kaya umiwas ako. Ayaw kong titigan iyong salamin ng nararamdaman ko mula sa mukha nito. Pareho kaming nagulat, ako nga lang ang higit sa lahat. Gusto kong magrebelde, gusto kong magwala! Kasi hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang itago iyon. Pakiramdam ko noon, nakakulong ako hawla... at ngayon ay naiintindihan ko na. May dahilan. At alam din ni Tita iyon. “K-kaya ka ba umalis?” Mahinahong tanong nito. Rinig iyong panginginig sa boses nito. Kahit nag-aalangan ay napilitan akong lingunin ito. Baliktad itong pinapakita nito kesa noong huling sabunot nito sa akin. Para siyang hinang-hina. Na sa halip kaawaan ko e mas lalong nanigas ang mukha ko. “What’s the point of staying, Tita? Matagal ko ng dapat na sinunod ang sarili... di sana’y alam ko iyong kalayaan na gusto kong mangyari.” Iiling-iling sagot ko rito. Suminghap ito at para noon lang naisip na huminga. She looks so tense. Parang di nito alam ang gagawin. Napalingon pa nga ito sa likod. Siguro hinahanap ang mga tauhan. At dahil doon para akong alumpihit at kabang-kaba. Ano ba ang balak nito? “Maybe this is the right time to tell you something,” kinakabahang sabi nito, “My secret, Roana.” Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwalang nakatitig lang dito. Anong drama na naman kaya ito? May panibagong kasinungalingan na naman ba? “You’re not adopted...” Sabi nito na ikinalaki na lang ng mga mata ko. Hanggang sa unti-unti nang sumilay ang ngiti ko at nauwi sa tawa. Naloko na! Nabubuang na siguro ito at kung ano-ano ang pinagsasabi. Paano ba maloloko ng selyadong papel na iyon ang katauhan ko? I should be mad right, I have the right though. Oo na sila ang nagpalaki sa akin, nagpakain, nagbihis at nagpalaki. Kaso, para lang sa isang kasinungalingan? “No... No! You listen to me.” Gagap ni Tita sa kamay ko. Natigilan ako sa pagtawa. Seryosong-seryoso ito at nangingilid ang mga luha. Parang anytime ay iiyak na lang ito bigla. “Total naman, tagilid na ang negosyo... I can tell everything to you now.” Humigpit lalo ang hawak nito sa kamay ko. Para bang natatakot itong baka takasan ko na lang. Kung kanina malakas ang loob nito, ngayon... parang basang sisiw at hindi maintindihan ang pinapakita sa’king mukha. Para bang nagmamakaawa at nagsusumamo na pakinggan ko. “You promise not to tell anyone, lalo na si Mama at si Titus.” Halatang nakikiusap ito sa tono pa lang ng boses. Hindi ko naman alam kung tatango ba ako at hayaan na lang ito sa sariling kabaliwan. “You promise,” nagsituluan ang mga luha nito. Ako nama’y nagulat at nagtataka sa kinikilos nito. Kilala ko si Tita! Dragon kung dragon! Lalo na kapag galit. At sa hinagap hindi ko ito nakitang umiyak kaya alam kong hindi lang ito nag-iinarte ngayon. Parang sa isang iglap nag-iba ang ihip ng hangin at ganoon na lang din ang pag-iba ng ugali nito. “Magagalit si Mama kapag sinabi ko... pero, Roana... this time you deserve the truth.” Humihikbing sabi nito. At doon na tumibok ng mabilis ang puso ko. Parang aatakehin yata ako. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko may matutuklasan akong higit pa sa nalaman ko. Parang ito yong pagkakataon na hindi ko na siguro kakayanin pa. “You’re my daughter, Roana. I-I was a teenage mom...” garalgal na sabi nito na ikinalaglag na nga ng tuluyan ng panga ko. Teka! Teka lang! Panaginip lang yata ito... hindi pwede! s**t! Hindi talaga pwede! Hindi! Ayaw kong maniwala! Bluff lang siguro ito! Prankster lang siguro si Tita kaya sinasabi niya iyan! Umiiling-iling ako habang nakatitig sa mukha nitong napuno na ng luha. Ako nama’y panay ang singhap at halos hindi makahinga. Gusto kong matawa. Kaso napipilan na ako. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi makahinga. No... hindi dapat! Hindi ako papayag! Kaso, bakit ako nandidiri? I just... f**k! This isn’t a joke. Incest! f**k! f**k!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD