bc

Midnight Rendezvous. (SPG)

book_age18+
66
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
forbidden
sex
time-travel
submissive
bxg
small town
secrets
supernatural
like
intro-logo
Blurb

She wants to move on, she wants another chance in life, to become better and be okay again.

Wanting someone...

COMPLETE NOVELETTE

Pagkatapos ng hindi nagtagumpay na pagsasama ay nagpasiya si Daisy na magbakasyon sa isla na walang nakakakilala sa kanya.

#Romance #Steamy #Love #Findingyou #SoB

chap-preview
Free preview
One
Part 1 SA isang maliit na isla ako nag pasyang mag bakasyon. Nag vacation leave ako sa aking trabaho bilang manunulat upang mapahinga ang aking utak. Pahinga sa gulo, lalo na sa mga tao sa paligid ko. Hindi na ako makahinga, at tingin ko ang pag punta sa isang lugar na walang nakakakilala sa akin ang solusyon sa mga 'yon. Kasama ang malaki kong bagpack sa 'king likuran ay nakasakay na ako papuntang Bates Island. Humahampas sa akin ang malamig na hangin na my kasamang maliliit na tubig. May iilan rin akong kasabay na turista sa bangka. Kung sa pito ay mayroon kami. "Namimiss ko na si Lolo," rinig kong sabi nung bata sa kasama niyang lalaki. Mula rito ay natatanaw ko na ang mga mangingisda na may hawak hawak na lambat. Kalat kalat na ang mga tao doon. May mga bata pa akong natatanaw na lumalangaw sa mababang parte. "Maam, urong ka po kaunti, mababasa po ang bag niyo." sita sa akin nung lalaking medyo may katandaan na. Siya ang nag pasakay sa amin kanina. Local ata siya dito. "Salamat po." sabi ko at nilagay na alng sa harapan ko ang malaking bag. Iilan lang naman ang mga gamit ko doon. May iilang damit at mga noodles. Nakabalot din sa ziplock ang aking mga gadgets para kung sakali ay hindi mabasa. Kakaunti lang ang dinala ko dahil isang linggo lang naman ang balak ko na manatili dito. Ilang sandali lang ang nakatapak na ako sa Bates Island. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tumaas ang balahibo ko ng biglang humangin ng malamig. Wala sa sariling napatingin ako sa may malayong bahagi ng Isla. Mayroon doon na lalaking nakatayo, at nakatingin lamang sa akin. Hindi ko alam kung local ba siya o dayo rin na tulad ko. Kakaiba kasi ang suot niya sa mga nakikita kong suot ng mga tao sa lugar. Sa akik ba siya nakatingin? Nilingon ko pa ang aking likuran upang makasiguro na ako nga ang tinitignan niya. Nang ibalik ko ang tingin ko doon ay halos matumba ako sa gulat ng makitang nasa harap ko na siya. "Hatid na kita maam." sabi niya at ngumiti. Umiling ko at hindi nakapag salita. "Ayos ka lang maam?" tabong sa kin nung bangkero ng iaabot sa akin ang bag na dala ko. "Opo okay lang. Salamat po." sagot ko at nilingon saglit yung lalaki. Nakatingin pa rin sa akin. "Sigurado ka maam?" tanong ulit nung bangkero. Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita. Nakita ko naman na sumaludo ang lalaki sa bangkero at sinuklian lang ito ng kunot noo na tango ng bangkero. "May tutuluyan ka na maam?" tanong sa akin nung lalaki. Nakasunod pala sa akin. Tinignan ko siya. "Meron na. Nakapag book na ako." sagot ko. Bago kasi ako pumunta dito ay nakapag book na ako sa online. Walang hotel dito, kung hindi yung mga bahay lang na willing ipa-rent sa mga turista. Bahay kubo ang style ng mga 'yon sa picture nakita ko online. Kaya nagustuhan ko, isa pa, mataas ang ratings. "Sayang maam, sana ay sa amin ka na lang tumuloy." aniya ng sabihin ko kung saan ako nakapag book. "Meron din kayo?" tanong ko. Ang pagkakaalam ko kasi ay iisa lang ang nag eentertain ng mga dayo, iisa lang din ang pinapayagan na mag accomodate. Dahil nga sa maliit lang itong isla, limitado lang ang mga dayuhan. "Yes maam. Sa kabila lang po 'yon. Desdemona Inn." aniya. Nagtataka ako bakit hindi ko siya nakita sa online portal ng Bates Island? "Ah! Hindi ko kasi nakita yung inn niyo sa online," sabi ko na lang. At mas binilisan ang lakad. Natatanaw ko na kasi ang isang staff ng Inn na may hawak ng name ko. "Daisy Hidalgo." ---- Maaga ako nakatulog kagabi dahil na rin siguro sa pagod. Kaya ng tumama ang araw sa mukha ko ay mabilis akong nagising. Una kong kinuha ang cellphone para matignan ang oras. Tuesday feb, 23. 8:46 am. Hinawi ko ang buhok kong tumabon sa aking mukha bago nilingon ang salamin na bintana sa gilid. Ganda ng sikat ng araw ngayon. Ibig sabihin, magandang mamasyal ngayon. Binuklat ko sa cellphone ko ang iterinary ko for today. Pero ng tignan ko 'yon, ay nawala yung sinave ko. Blanko yung 'Notes' ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Inopen ko ulit yung portal ng Island Bates, nagulat ako sa nakita ko. Marami na ang mga pasyalan, hindi na tulad ng una kong binisita yung site nila, iilan lang ang kainan nila, ngayon ay parang nadagdagan ata siya ng tatlo kung hindi ako nagkakamali. Alam ko 'yon dahil nga nilista ko siya sa itenirary ko. Shivan Sunctuary, Kins Lomihan, at El caramelo island. Ang sabi dito, ang Caramelo Island daw ay bahagi pa rin ng Bates island. At doon matatagpuan ang mga nabanggit. Try ko kaya? Nakaka-amazed din itong Island na 'to dahil kahit maliit lang ang Bates Island ay parang ang sagana nila. Marami silang nalilikha na mga kabuhayan. Pagkatapos kong mag almusal na galing sa Inn ay naligo na ako. Natagalan nga ako dahil naka idlip ako, dala na rin siguro ng pagod. Nagpasya akong puntahan yung Kins Lomihan. Tutal naman, ay naisip kong masarap ang lomi bilang pananghalian. "Magandang umaga maam!" salubong sa akin nung isa sa mga staff ng inn. "Hi, goodmorning din!" bati dahil alas onse pa lang naman. Inayos ko ang crop top kong kulay Apricot at tinernuhan ko lang iyon ng itim na bikini short. "Saan po ang lakad ninyo maam? May availabale po tayong tour guide," alok niya. "Hindi na po, salamat sa alok." "Okay maam, enjoy your day po!" Nginitian ko lang siya at lumakad na. Kaya nga ako pumunta dito sa island mag isa ay para..mapag isa. Tingin ko naman sa liut ng isaland na ito ay kaya ko 'tong mag isa. Hindi naman ito ang unang nakapag travel ako mag isa. Kinuha ko sa aking maliit na bag ang aking cellphone. Titignan ko ulit kung paabo makapunta sa sa Kins lomihan. At ang sabi dito ay kailangan pa na sumakay sa bangka para makatawid sa k- "Aray!" daing ko ng mag nabangga ako dahilan para bumagsak ako sa lupa. Hinigod ko ang beywang ko dahil sa pagbagsak. Tiningala ko kung anoman ang nabangga ko. Yung lalaki kahapon. "Ayos ka lang maam?" tanong niya at hinawakan ako sa beywang para maalalayan makatayo. "O..okay lang ako." sagot ko. "Pasensya ka na maam, hindi ko po kasi kayo napansin." aniya at kinuha yung bag niyang dala. "Okay lang. Sorry din." sabi ko. "Anong pangalan mo?" tanong ko dahil kahapon ko pa kasi siya nakakasalamuha. At tingin ko naman ayos din na magkaroon ako ng kakilala dito sa island. "Ako po si Carding." sagot niya. "Ako naman si Daisy," ngiti ko. "Mamasyal ka na maam?" tanong niya. "Ah?" napatingin ako sa phone ko. "Oo, pupunta sana ako sa Kins lomihan, alam mo ba kung saan 'yon?" Tamang tama pala na nadito siya. Nakalimutan ko kasing itanong doon sa staff kanina. "Oo naman. Doon yan sa kabilang isla." "Saan pwedeng sumakay kung ganoon?" "Sa aking bangka. Pwede kang sumama sa akin, pareho kasi tayo ng pupuntahan. Gusto mo bang sumabay?" Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan ng sabihin niya 'yon pero may something sa mga mata niya. Mabilis akong umiling at pumikit, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tumingin ako sa mga mangingisda sa malayo na abala sa mga nahuli nilang isda. Napahawak ako sa ulo ko. Nagulat na lang ako ng may kumalabit sa akin, sa short. Isang batang lalaki na may dalang kangkong sa bilao. "Ate ayos ka lang ba?" tanong niya. Napangiti naman ako. Lumuhod ako para pumantay sa kanya. "Oo ayos lang ako. Salamat sa pagtatanong." sagot ko. "Sigurado ka po?" tanong pa niya. Tumingala pa siya, tinignan si Carding. Ako rin ay napatingala, nginitian ko si Carding. "Oo naman. Sige na, umuwi ka na vaka hinihintay na ng mama mo 'yang kangkong." sabi ko nagpasalamat pa. Dahan dahan naman lumakad ang bata habang nakatanaw pa rin sa amin ni Carding, Naglalakad siya pero nasa amin ang tingin, nakasimangot siya at parang may kung anong hindi maintindihan. Para bang may nakita siya na hindi niya maintindihan. "Babay!" hiyaw pa ni Carding sa bata na lalong nagpakunot sa noo nito. Natawa ako, mga bata talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
211.8K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
58.8K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
49.0K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.4K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.5K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
25.4K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
94.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook