Pagkatapos maghugas ng kamay ay pumasok ako sa isa sa mga cubicle para umihi. Pinili ko ang nasa pinakadulo. Kakaupo ko pa lang ng makarinig ng ingay mula sa papalapit na mga yabag.
" That b***h! May araw din siya! Makakaganti rin ako sa kanya. Makuha ko lang talaga ang promotion as head of marketing ay humanda talaga siya sa akin!" Narinig kong gigil na wika ni Georgina.
" Eh pa'no ka nga mapopromote kung hindi mo naman makukuha ang project deal ng De Agassi account?" tanong ng kasama nito.
" Huwag kang mag-alala. I already have a plan. May contact na ako sa company na 'yon. Naalala mo 'yong isang kasama nila kanina sa presentation?" ani Georgina.
" Sino? 'Yong gwapo?" Patanong na sagot naman ng kausap nito.
" Gaga hindi! 'Yong isang executive nila. Yong medyo may edad na. Siya ang gagamitin ko para makuha ko ang project," sagot ni Georgina sa kausap.
Naniningkit ang mata ko sa naririnig. At ang bruhang Georgina na 'to! She really wants to play it dirty.
" Gagamitin? In what way?" nang-uusisang sagot ng kausap nito.
Hindi ko narinig na sumagot si Georgina.
" Don't tell me!" rinig ko ang malakas na pagsinghap ng kausap nito. " So totoo nga 'yong sinabi ni Allie kanina tungkol sa'yo? Sumisiping ka sa kliyente!"
" And so?"
" Gosh Georgina! You're so desperate,"
" Desperada na kung desperada! I don't care! I dislike Allie so much! I'll do anything to get her out of my way. Besides, this is not just a competition for the position anymore. My pride is also on the line. Kaya pasensyahan na lang kay Allie. At 'yong Faye na 'yon! Isa pa 'yong babaeng iyon! Napakasumbungera. Kaya pati siya humanda sa ganti ko," sagot pa nito na may kasabay na tawa.
I gritted my teeth. And so do I Georgina, I silently whispered in my head. Maya-maya pa ay narinig ko na ang papalayong hakbang ng mga ito kung kaya't lumabas na ako mula sa cubicle. This competition is getting too personal. I can't afford to lose. Because like what Georgina said, it's not just not the promotion that is at stake here. I have to do something about this.
***
"Hello," sagot ko sa kabilang linya.
It's lunch break. Pero imbes na lumabas para kumain ay nandito pa rin ako sa loob ng aking opisina. Subsob sa laptop sa paggawa ng marketing lay out.
Simula ng marinig ko ang pinaplano ni Georgina ay hindi na ako mapakali. I wanted to work hard to win the promotion. Gusto kong manalo laban kay Georgina. I needed to make sure that it will happen. So I am giving my best for it.
" Allie..." napakunot ako ng noo ng marinig ang tinig ni Faye.
" Faye?" Why would she call me now? Ang alam ko ay noong isang araw pa ito umalis kasama ang boyfriend nito. Bakit kaya ito napatawag at napakalungkot ng boses?
" Allie," she called my name again. " Allie, help me. I need you," then she started crying on the other line.
" Nasaan ka ba? Bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong ko. Sinabi nito ang lugar kung nasaan ito. Matapos ibaba ang tawag ay dali-dali kong kinuha ang blazer at bag.
Nakasalubong ko pa si Jacquelyn paglabas.
" Hoy Allie! Sa'n punta mo? Akala ko may meeting tayo with our team?" habol na tanong nito sa kanya.
" Something came up! Cancel our meeting. I'll give you a call later!" wika ko dito bago dire-diretsong sumakay ng elevator.
Sa isang ospital na malapit lang dito ang sinabi ni Faye na kinaroroonan nito.
Base sa tono ng boses nito at pag-iyak mukhang may hindi magandang nangyari. Sana naman okay si Faye. She's like a sister that I never had. At kung ano mang nangyari dito ay talagang nagdudulot ng ibayong pag-aalala sa akin.
I arrived at the hospital thirty minutes later.
" Hi! I'm looking for a patient named Faye Atanacio," bati ko paglapit sa nurse station.
" Yes ma'am, check ko lang po." Sagot ng nurse na may pinindot sa computer bago muling bumaling sa akin. " Room 404 po, fourth floor. Sa dulo po ma'am ang elevator," anito sa kanya pagkaraan ng ilang sandali.
" Okay, thank you!" sagot ko. Nagmamadali ang mga hakbang na tinungo ko ang itinuro nitong elevator.
Tatlong marahang katok muna ang ginawa ko bago pinihit ang seradura ng pinto ng pakay kong silid.
Pagpasok ay agad kong nakita si Faye na nakaupo sa gilid Ng kama. Nakasuot ng hospital dress. Nakayuko ito habang ang mga kamay ay nasa kanyang kandungan. Nag-angat ito ng mukha kung kaya't nagkasalubong ang aming paningin.
Tulalang napatitig lamang ito sa akin. May pasa ito sa sulok ng labi. Namumula rin ang pisngi nito na may bakat pa ng mga daliri. Ang mata nito ay namumugto tanda ng pag-iyak ng labis.
" What happened? Why are you here?" tanong ko pagkalapit at umupo sa tabi nito.
Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay yumakap ito ng mahigpit sa akin at tahimik na umiyak.
Punong-puno ng pag-aalala na iniyakap ko ang isang kamay dito habang ang isa pa ay marahang humahagod sa likod nito.
" Wala na ang baby ko...I had a miscarriage," malungkot na saad nito habang nagpupunas ng luha.
" What? How? Ano ba kasing nangyari? At nasaan ba si Robert? Bakit mag-isa ka dito? Akala ko ba aalis na kayo?" sunod-sunod na tanong ko.
Natigil ito sa pag-iyak at bumitaw ng yakap sa akin.
" We we're about to. Nakatakda na sana kaming umalis kahapon. Kaya lang nahabol kami ng asawa nito at nahuli. Nagkagulo sa pier. Sinugod ako ng asawa ni Robert. Sinabunutan at sinampal-sampal. I tried to fight back but she pushed me. Natumba ako sa sahig. Tapos...tapos sinipa-sipa niya ako sa tiyan ng paulit-ulit..tapos sumakit bigla ang puson ko. Ang natatandaan ko na lang, nakasakay na ako ng ambulansiya papunta dito." Bahagya itong natigilan bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.
" Pero huli na ang lahat pagdating dito. Nawala na ang baby ko," malungkot na bigkas nito at muling lumuha.
" Eh! si Robert, nasaan siya? Bakit Hindi ka niya dinadamayan dito?" muling tanong ko.
" S-sumama na ulit sa asawa niya. Nagbanta ang asawa ni Robert, i-p-pakulong daw niya ako at kakasuhan ng adultery pag hindi nakipagbalikan si Robert sa kanya. Robert has no other choice. He said he loves me so much. Kaya hindi niya maaatim na makitang makulong ako. So he...he..."
" He left you," pagtutuloy ko sa salitang hindi nito mabigkas.
Umiling-iling ito sa aking sinabi.
" No...He chose to sacrifice our love...to protect me. He doesn't want me to get hurt that's why he chose to leave me," sagot nito.
" Sacrifice? Love? That's bullshit! He's the reason why you get hurt in the first place. Nakipagrelasyon siya sa'yo
kahit na alam niyang hindi na pwede dahil may asawa na siya at kasal pa sila. That's not love! That's selfishness. Nagbanta lang ang asawa niya na ipakulong ka iniwan ka na agad? That is not called sacrifice, that's plain stupidity! At ngayon ka talaga iniwan kung kailan nawala na ang anak 'nyo! The nerve of that man!" nagpupuyos ang damdamin dala ng matinding inis at galit na bulalas ko.
" May pagkakamali rin ako Allie! At siguro, kaya nawala ang anak namin dahil parusa 'yon ng Diyos sa ginawa ko. Pero mahal ko pa din siya!" sagot nito sa pagitan ng paghikbi.
Tahimik ko itong pinagmasdan. Gusto ko itong paulit-ulit na pagalitan at pagsabihan dahil sa maling desisyon nito. Pero pinipigilan ako ng labis na awang nararamdaman para rito ngayon. Nasasaktan ako ng labis para dito. Biktima lamang ito pag-ibig sa maling tao at sitwasyon. At ngayon nga, ang pagkawala ng dinadala nito ang tila naging kabayaran ng pagkakamali nito.
I inhaled and exhaled deeply.
" Ano ng plano mo ngayon? Babalik ka ba sa trabaho?" tanong ko.
" Hindi na ako babalik pa doon Allie. Magpapakalayo muna ako. Uuwi na ako sa probinsiya. Pipilitin kong lumimot at mamuhay ng mapayapa doon," sagot nito.
" May maitutulong ba ako?" kapagkuwa'y tanong ko.
"Makakalabas na ako ngayon. Magpapahatid sana ako sa'yo sa terminal ng bus."
Tumango ako dito at muli itong niyakap ng mahigpit.
Hindi na ako umalis sa tabi nito. Tinulungan ko itong maggayak. Maging ang pag-asikaso sa bill nito ay ako na ang gumawa.
Pagkalabas ng ospital ay niyaya ko muna itong maghapunan.
Pagsapit ng dilim ay nasa loob na kami ng isang terminal ng bus. Pinaupo ko muna ito at ako na ang tumayo para makabili ng ticket nito.
Binigay nito sa akin ang bago nitong numero at ang address nito sa probinsiya. Agad ko namang isinave sa phone book ng cellphone ko.
" Basta Faye, pag magkaproblema tawagan mo lang ako ha. Andito lang ako palagi para sa'yo. Alam mo namang para na kitang kapatid," naluluhang bilin ko dito.
" Salamat Allie. Ikaw din, pag mangailangan ka ng tulong sabihan mo lang ako. Mag-iingat ka palagi ha. Mahal na mahal din kita. Salamat ulit sa lahat. Hindi kita makakalimutan."
Matapos ay mahigpit kaming nagyakap. Naglakad na ito pagsakay ng bus. Malungkot ko itong tinanaw hanggang sa mawala sa aking paningin. At ng umandar ang sinasakyan nitong bus ay sumakay na rin ako sa aking kotse. Bagsak ang balikat na lumisan ako sa lugar.