"Why are you here?" Natatarantang tanong ko. Natatarantang napasandal ako sa salaming dingding. Bakit ba kasi siya nandito? Anong kailangan niya sa akin?
One corner of his lips rose while his intent gaze is on me. Matapos ay walanghiyang umupo sa couch na naroon sa opisina ko.
" Is that how an executive of this company greet a client?" sa halip na sumagot ay nakakalokong tanong pa ang sinalubong niya sa akin. I rolled my eyes and walk towards my table.
" What do you want?" nagpipigil ang inis na tanong ko.
" Coffee please," nakakalokong sagot nito.
" Pwede ba! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo," napipikon na talaga ako kaya medyo tumaas ang boses ko. Wala na akong paki kung kliyente pa ba 'tong kausap ko o hindi. Mali ang araw na pinili niya akong buwisitin. Kaya kung hindi pa siya aalis ay mapipilitan akong ipagtabuyan siya.
" Ang sarap mong asarin. Pero mas masarap ka pa rin sa kama. Don't you miss me? I mean, I'm your first so I'm guessing your thinking about me,too." Bulgar,nakakaloko at dire-diretsong sabi nito. Wala man lang kapreno-preno ang bibig nito sa pagsasalita.
Nag-init ang aking pisngi at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ipaalala ba naman ang nangyari sa amin? Kinakalimutan ko na nga. But wait, his thinking about me after what happened between us? What for?
" I am not thing about you, you stoler of my virginity! Are you here to thank me for taking away my virginity?" matapang na sagot ko. Pilit kong kinakalma ang sarili. Konti na lang masasapak ko na 'tong kaharap ko.
" Well actually, no. I'm here to make a deal." Anito habang mataman na nakatitig sa akin. Isang mapait na tawa ang aking pinawalan.
" Why would you make a deal with me? And whatever deal is that, do you think I will accept it?" maangas na tanong ko.
He chuckled sexilly.
" Damn that sexy lips of yours," pabulong na wika niya. Pero umabot pa rin sa pandinig ko. Tumayo ito at humakbang palapit sa kinauupuan ko. Huminto siya sa tapat ng aking mesa. Itinukod ang dalawang kamay at bahagya akong niyuko. Sa laki ng bulto niya ay nagmukhang nasakop niya ang buong espasyo ng aking mesa. Napadirecho ako ng upo. Masyado na siyang malapit. Nalalanghap ko na ang swabeng amoy ng gamit niyang pabango. Nahigit ko ang sariling hininga.
" Oh you will! Believe me you will," mayabang na bigkas niya sabay kindat sa akin. Napakapresko talaga! Naaalibadbaran ako sa kayabangan nito.
" Tss! Wala kang kaere-ere sa katawan ano?" sarkastikong puna ko.
Tumaas ang sulok ng labi nito. " I am not boating. I am stating a fact." Umayos ito sa pagkakatayo at tumingin sa relong pambisig nito. " Hindi ako pwedeng magtagal. I'll discuss to you about our deal some other time. See you next time," anito at lumabas na ng silid. Nawiwindang na natulala ako sa kinauupuan habang nakatingin sa Pinatong nilabasan nito. Tsaka ko lamang pinawalan ang isang malalim na hininga na kanina ko pa pala pinipigil. Napasapo ang aking isang kamay sa dibdib. Siraulong lalaki 'yon! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nananadya ba ang tadhana. Kung sinong ayaw kong makita siya pang nakasalamuha ko ngayon. Tumayo ako at nagpasiyang magpunta ng restroom.
Pero hindi pa man ako nakakalayo sa aking opisina ay nakasalubong ko si Georgina. Ang impaktang si Georgina. Mukhang nananadya pa ang bruha dahil humarang pa sa dadaan ko.
" Uy Allie! Hindi mo ba ako babatiin o ikocongratulate man lang?" nang-uuyam na wika nito habang nakapameywang sa harap ko.
" Kinocongratulate na pala ngayon ang mga mandaraya at gaya-gaya. Hindi ako nainform. Eh, di sana nabilhan kita ng bouquet ng roses. 'Yong maraming tinik para maihampas ko sa pagmumukha mo. Para masubukan natin kung gaano kakapal ang pagmumukha mo," nakangisi at sarkastikong sagot ko.
Tumawa ito ng malakas. " Oh come on Allie! Huwag ka namang masyadong bitter. The panel obviously likes my team's idea. At mandaraya? Gaya-gaya? Masamang nangbibintang lalo na at wala kang ebidensya. Pwede kitang kasuhan ng libel sa mga pinagsasabi mo!" nakataas pa ang kilay na sagot nito sa akin. Medyo lumakas pa ang tinig nito. Kung kaya't ang ibang naroroon na nakarinig ay napalingon na sa amin.
" Hindi ko na kailangan pa ng ebidensya Georgina. Sinabi na sa akin ni Faye ang lahat. How dare you blackmailed her? Akala mo ba hindi alam dito sa opisina ang pinaggagawa mo. You sleep with the company's clients just so you can closed a deal. Your such a desperate b***h! Using your body to get what you want? A very sophisticated w***e!" sa mas malakas na tinig na angil ko. Biglang nagbulong-bulungan ang lahat sa narinig. Nanlaki ang mata ni Georgina sa aking sinabi. Humalukipkip ako at nang-uuyam ang ngiting pinasadahan ko siya ng tingin.
" How dare you call me a b***h and a w***e?" Galit na galit na bigkas nito. Hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa nito. Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin. Bahagya akong nagulantang at hindi agad nakahuma. Sinundan niya pa ito ng pagsabunot sa mahaba kong buhok. Napangiwi ako ng maramdaman ang pagguhit ng sakit sa aking anit. Nang makabawi ay malakas ko itong itinulak. Akmang susugurin niya pa ako ngunit inunahan ko na ito. Isang malakas na suntok sa mukha ang isinalubong ko rito. Tumama ito sa kanyang ilong na agad na dumugo.
" Ouch! My beautiful nose! Why you!"
" Anong kaguluhan ito?" Akmang sisigurin akong muli ni Georgina ng kapwa kami natigilan sa malakas na boses ni Ma'am Therese. Napatuwid ako sa pagkakatayo. Pinasadahan ko ng kamay ang nagulong buhok.
" Allie punched me," sumbong ni Georgina na sinabayan pa ng pag-iyak.
" Tss! She slapped me," sagot ko naman sabay irap kay Georgina.
" In my office now! Everyone back to work," ani Therese. Naniningkit pa ang mata nito habang nagsasalita.
May halong kaba na sumunod ako dito. Sa likod ko naman si Georgina na nakahawak sa nasaktang ilong. Napabaling ako sa aking kanan. Nasalubong ng aking tingin ang mga mata ni Drix. Nakatayo Ito sa malapit habang nakamulsa. An amused smile was plastered on his face while staring at me. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba.
" What are you two thinking? Picking up a fight and making a brawl inside this office? You both are professionals, yet you are acting like little school kids. My goodness! At ngayon 'nyo pa talaga napiling mag-away kung kailan nandiyan ang isa sa pinakamalaking kliyente ng kumpanya!" Paninermon ni Therese pagpasok namin sa opisina nito.
" I'm sorry ma'am. It won't happen again," mapagkumbabang hinging paumanhin ko.
" You should be really sorry Allie. Ikaw naman ang nag-umpisa ng gulo," singit ni Georgina. Tinitigan ko ito ng masama.
" You provoked me!" singhal ko.
" You called me b***h!" ganti nito.
" Because you are really a b***h!" hirit ko.
" Hey, hey, hey! Stop it you two. You ladies are not here to continue fighting! Settle this argument once and for all or I'll fire you both."
Napamaang ako sa sinabi ni Therese.
" Fire us? Seriously? What about the ad campaign for the De Agassi's?" Tanong ko.
" The ad campaign is the least of you two should be thinking right now. Settle this argument and act as professionals or continue with your scrimmage like high school girls fighting for a prom queen crown, you choose. Then, well talk about the ad campaign," nagbabanta ang boses na bitaw ng salita ni Therese.
Kunot noong napatitig ako kay Therese. Sa tono ng pananalita nito ay mukhang hindi ito nagbibiro. I can't get fired. I turn my gaze to Georgina, sitting in front of me while wiping the blood stained on her nose. I admit, Georgina is so annoying and what she did to Faye is unacceptable. But, punching her and hurting her physically is intolerable. Hindi ko dapat siya pinatulan. It is not the way I should be handling her behavior.
" I'm sorry Georgina. It won't happen again. But if you try to provoked me again, I will give you a twin slap. So better not do it again," hinging paumanhing bigkas ko. I even gave her a faint smile,trying not to be sarcastic.
Si Therese ay napasapo sa noo at marahang hinaplos iyon.
" You ladies are giving me a headache," ani pa nito.
Umismid naman si Georgina sa sinabi ko.
" Can I be excuse now?" Paalam ko.
Tumango naman sa akin si Therese.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan at lumabas na ng opisina nito. Ngunit imbes na bumalik sa aking sariling opisina ay itinuloy ko ang pagpunta sa restroom. Nagpupuyos ang aking kalooban habang naghuhugas ako ng kamay.
Ang bruhang Georgina na 'yon! Akala mo aping-api! Ako na nga ang ninakawan niya ng presentation at blinackmail pa niya si Faye tapos ako pa ngayon ay nagmukhang masama? At ang matindi pa roon ay mukhang siya pa ang makakuha ng promosyon. No, hindi ako papayag!
Alam ko pagdating sa trabaho ay marami talagang magagaling kesa sa akin. Maraming mas deserving sa posisyong maaring maging gantimpala ng makakapag-close ng deal bukod sa akin. Pero kung sa tulad lang din naman ni Georgina ay hinding-hindi talaga ako papayag. That pilferer doesn't deserve to be awarded of the biggest project yet of the company. And she doesn't deserve more to be promoted. I won't let that happen.