Allie
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan. Hindi ko kinakaya ang madidiin niyang titig sa akin. My hands are sweating and I am starting to get a cold feet. Natutulala pa ako at natitigilan habang inaapuhap ang susunod na mga salitang bibigkasin. Mabuti na lang sa tuwing matitigilan ako sa pagsasalita ay sinasalo ako ni Jacquelyn. Nawawala ako sa konsentrasyon. Lalo na pag nahahagip ng aking mata ang malalagkit na tingin niya sa akin. His intense stare is getting into my nerves. It's making me feel uneasy and conscious at the same time.
" Was this your original idea?" tanong ng isa sa mga representative ng De Agassi's. Hindi pa man nangangalahati ang presetation ay pinukaw nito ang aking atensiyon.
" Yes sir," nagtatakang sagot ko.
" Are you sure? 'Coz the first group's presentation look exactly the same as yours," dugtong pa nito. Napakunot ako ng noo sa sinabi nito.
" W-what?" nagugulumihanang tanong ko.
"Yeah, magkaiba lang ng pagkakagawa but the whole concept is exactly the same." Segunda pa ng isa sa mga executives doon.
That can't be! Hiyaw ng utak ko. Hindi pwedeng magkapareho ang ideya ng grupo ko sa grupo ni Georgina. Closed door meeting palagi kapag nag-uusap-usap kami tungkol sa proyektong ito. At si Faye, siya ang inatasan ko para ingatan ang flash drive na naglalaman ng presentation namin ngayon. Teka! Si Faye. Nasaan si Faye? Binaling ko ang tingin sa mga kasama pero wala doon si Faye. Hindi kaya? s**t! Ayaw kong mag-isip ng masama at alam kong mali ang mambintang. Pero sa nangyayari maaring tama ang kutob niya.
" This is very dissappointing. Your company is one of the most trusted ad agency in the country. Kaya nga kayo ang napili ng aming kumpanya. Tapos ganito ang mangyayari. Are you guys taking this project as a joke? You are all waisting our time!" Masungit na litanya ng babaeng representative ng De Agassi's.
Hindi ako makasagot sa sinabi nito. Labis na pagkapahiya ang nararamdaman ko lalo na sa lalaking nasa harap ko. At ang hudyo mukhang nag-eenjoy sa nangyayari. Nakahalukipkip ang mga braso nito sa dibdib habang nakamasid sa amin at mukhang inaabangan pa ang magiging reaksyon ko.
" I'm sorry. Baka nagkataon lang na magkapareho ang content ng presentation ng bawat grupo. Things like this really happens. Nagkakatalo lang pagdating sa execution ng mismong ad campaign," singit ni Ma'am Therese na ngayon ay nakatayo na rin.
" But this is an insult. Alam namin na limitado ang oras na binigay namin sa inyo. Pero sana naman huwag 'nyo tong ituring bilang isang biro. Our company is willing to go beyond the budget for this campaign just to meet up with the timeline. And yet here we are, wasting our time on a presentation that does not even exceeds our expectation!" Dugtong pa ng lalaking representative.
I bit my inner lip and unconsciously chewed on it. Sa tagal ko ng gumagawa at naghahandle ng ad campaign, ngayon lang 'to nangyari sa akin. I'm shocked! I don't know how to handle this kind of situation.
" Well, I'm really sorry for this. Pero baka may pwede pa kaming magawa para maayos ang mga bagay na 'to?" Hinging paumanhin ni Therese. She throw an apologetic face to them. Trying to make amends.
" It's not for us to decide," sagot ng babaeng representative at makahulugang binalingan si Drix. Mukhang nakuha naman nito ang gustong ipahiwatig ng katabi. Binulungan nito si Therese na nasa kanyang tabi. Matapos ay humakbang si Therese at lumapit sa amin.
" Lumabas na muna kayo. I'll talk with you guys later." Anito at agad kaming tumalima. I pick up my laptop while my other groupmates gathered all the other things they used for the presentation. Nahuli ako sa paglabas ng silid ngunit tinapunan ko muna si Drix g isang sulyap bago tuluyang lumabas.
Nagmamadali akong naglakad patungo sa aking opisina. Pabalagbag kong binuksan ang pinto. Nilapag ko ang laptop sa aking mesa at naupo sa swivel chair. Marahas kong pinadaan ng kamay ang aking buhok. I heaved out a deep sighed. Trying to calm myself from all the emotions I'm feeling right now. Nakakainis ang frustration na nararamdaman ko ngayon. Sa buong career ko, ngayon lang nangyari ito. Ilang gabi akong nagpuyat para lamamg makahabol sa oras ng deadline. Tapos ganito lang pala ang kahihinatnan. Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Kung bakit ba naman kasi ngayon pa 'to nangyari? Ngayon pa kung kelan nakasalalay ang inaasam kong promotion as head of marketing. At sa harap pa talaga ng hudyong lalaking 'yon! Frustrated akong napabuntong hininga. Pero teka, bakit kaya siya kasama ng mga executives ng De Agassi. The whole time na nandoon sila sa AVR ay hindi man lang ito nagsalita. Baka empleyado siya sa kumpanyang 'yon. Whatever! I just don't want to see him again!
Natigil ako sa pagmumuni-muni ng makarinig ng marahang katok mula sa pinto ng opisina. Umayos ako ng pagkakaupo bago sumagot. " Come in."
"Allie," si Faye. Mangiyak-ngiyak itong pumasok. "I'm sorry," anito.
Tumayo ako at nilapitan siya. "Sorry? For what? Why are you saying sorry? Are you admitting that you did it? Ibig sabihin tama ang nasa isip ko. Bakit mo 'yon ginawa?" sunod-sunod na tanong ko. Nanggigil ako sa inis. I can feel my blood boiling because of anger. But I still want to give her the benefit of the doubt. Gusto ko pa rin pakinggan ang paliwanag nito kung bakit nagawa niyang sirain ang tiwala ko. Pero hindi ito sumagot. Nakayuko lamang ito sa aking harapan. " Wala akong matandaan na naging masama ako sa'yo para gawin mo 'yon!" Pigil ang inis na sagot ko. " Hindi lang empleyado ang tingin ko sa'yo. Kapatid na rin ang turing ko sa'yo. We've been friends since we're in college. So better give me a valid reason why you did this to me!" Di ko na napigilan ang aking emosyon kung kaya't bahagyang tumaas ang aking boses. Naalala ko pa noon ng umalis ako sa poder ni tiyang, kay Faye ako unang lumapit at humingi ng tulong. Pansamantala akong nakitira sa bahay nito noon. Nang makapasok ako sa kumpanyang ito, inengganyo ko siya na mag-apply rin. Faye and I are both orphans. Kaya siguro madali kaming nagkasundo.
Nagtatalo man kami sa mallit na bagay, sa huli ay mas nananaig ang aming tunay na pagkakaibigan.
" I-I'm sorry Allie...Si Georgina. She blackmailed me. She approached me a day before showing pictures of me with Robert. Hindi ko alam kung bakit at paano siya nagkaroon ng mga pictures namin na magkasama. Sabi pa niya kilala niya ang asawa ni Robert. Pag 'di ako sumunod sa gusto niyang mangyari ay isusumbong niya daw kami sa asawa ni Robert at ipagkakalat pa niya na isa akong kabit!" She said between her sobs.
" What?! Your still seeing that man?" I was stunned at her revelation. Robert was Faye's boyfriend. Nakilala niya ito ilang buwan na nakakalipas. Simula pa lang ay duda na ako sa pagkatao ng boyfriend nito. Hanggang sa ipinagtapat sa akin ni Faye na may asawa na si Robert. Pinagsabihan ko ito na itigil ang pakikipagrelasyon dito ngunit mukhang hindi ito nakinig.
" I've warned you before, pero itinuloy mo pa rin ang pakikipagrelasyon mo sa kanya. Sabi ko na sa'yo ikapapahamak mo ang pakikipagrelasyon sa kanya. Faye naman! Hindi ka ba nag-iisip?" Naiiritang sermon ko pa sa kanya.
" I'm sorry Allie! I'm really sorry!" Humahagulhol na ito habang nagsasalita.
Nilapitan ko ito at niyakap.
" Sinabi ko na kasi sa'yo, hiwalayan mo na yang si Robert. His a family man. Walang magandang maidudulot ang pakikipagrelasyon mo sa kanya."
" Sinubukan ko naman siyang hiwalayan. Kaya lang mahal na mahal ko siya. I have never loved a man the way I loved him," sagot sa akin ni Faye habang patuloy sa pag-iyak.
" Tsk! 'Yang pagmamahal mo na 'yan ang sisira sa buhay mo. Believe me, 'wag mong hayaang paikutin ka ng pag-ibig mo na 'yan sa kanya. Love is only for fools!" Pagpapatuloy kong salita kay Faye.
" Nasasabi mo lang yan kasi never ka pang na-inlove! You don't know the feeling of it. Mark my words Allie! Darating ang araw na magmamahal ang puso mo. At pag dumating ang araw na 'yon di mo din mapipigilan ang sarili mong mahulog at magpaubaya sa pag-ibig," pabalang na sagot sa akin ni Faye.
I rolled my eyes at her. I walk back to my table and settle on my chair. " So what? Wala akong balak at ayoko ng love na 'yan! 'Tsaka hindi ako ang topic dito. Ikaw? Patawarin man kita sa ginawa mo wala na ring mangyayari," singhal ko.
" Sorry talaga Allie. Nadamay ka tuloy sa kagagahan ko," muling hinging paumanhin ni Faye sa akin.
" Huwag mo akong alalahanin. Mas iniisip ko ang sitwasyon mo ngayon. Paano kung totohanin ni Georgina ang pambablackmail niya sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.
" Iniisip ko din yan. Sinabi ko na 'to kay Robert. K-kaya lang..."
" Kaya lang ano?" Putol ko sa sasabihin nito.
"Aalis si Robert. Mangingibang bansa. Hindi na siya babalik dito. At gusto niya akong isama," bigkas nito.
"Sasama ka?"tanong ko.
" I-I have to. B-buntis ako. At sa ibang bansa, pangako niyang mamumuhay kami ng masaya. So I'm handling my resignation, effective immediately." Nalulungkot na pagkukwento nito. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
Gulat man ay inabot ko pa din ang papel na pinatong niya sa aking lamesa.
" Buo na ba talaga desisyon mo?" Huling tanong ko. Tumango siya sa akin.
" Fine. Kung yan ang gusto mo. I want you to be happy, too. Pero tandaan mong di ko kinukunsinti ang ginawa mo. Sariling desisyon mo ang masusunod kahit ano pa ang sabihin ko. I will miss you." Malungkot na tumayo ako at muli itong niyakap. Nagpaalam na itong muli sa kanya. Tinanguan ko siya at lumabas na ito ng silid.
Another act of foolishness because of love. Maaaring hindi pa ako na-inlove. I don't want to. Iisa lang naman ang kinahahantungan ng pag-ibig. Self-destruction. Sa oras na umibig ka masisira ang lahat sa buhay mo. I will never understand why people chose to be in-love. Kahit na may naaapakan na. At kahit pa may nasasaktan na. Ilang ulit ko ng nakita na masira ng pag-big ang mga tao sa paligid ko? Si Nanay, si Tiyang at ngayon naman, ang matalik kong kaibigan. Lahat sila pinaikot ng pag-ibig. Hindi ko 'yon hahayaang mangyari sa akin. I don't need somebody to love. It's only for fools. And I will never let myself be fooled by love.
Nasa gitna ako ng aking pagmumuni-muni ng may muling kumatok sa pinto. Baka si Faye ulit at may nakalimutan pa sigurong sabihin. Hindi ako sumagot. Nakatayo ako sa tabi ng salaming dingding. Nakamasid sa mga nagtatayugang gusali na natatanaw sa labas. Narinig kong bumukas ang pinto na sinundan ng yabag ng taong pumasok. Wala sa loob na napalingon ako sa aking likuran.
" Hi," nakangiting bati niya sa akin. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya. I cleared my throat first before I speak.
" What are you doing here?" Halos pabulong ngunit may diin na bigkas ko.