" Just make sure that nothing would be forgotten. Check everything before leaving. Magkita na lang tayo sa lobby ng building. I'm on my way," bilin ko kay Jacquelyn. Hila-hila ang aking maliit na maleta ay lumabas na ako ng bahay. Tatlong araw din ang magiging trip namin. I feel energized. Bukod sa masarap ang naging tulog ko, siguro dahil sa paglabas ko at pagkakita ng dating kakilala kagabi kaya maganda ang mood ko ngayong umaga. Pero laking dismaya ko ng paglabas ko ay makitang flat ang unahang gulong ng kotse ko. Napasimangot ako. May spare tire pa naman ako sa trunk ng kotse ko. Marunong ako magpalit ng gulong pero matatagalan pa. Malelate ako nito. Bakit ba kung kailan nagmamadali at may hinahabol na oras ay saka naman nagkakaroon ng aberya? Mukhang wala naman na akong ibang pa

