Ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng aking puso na tila nais kumawala mula sa aking dibdib. Kumurap ako ng makailang ulit at pilit na inuunawa ang kanyang sinasabi. Seryoso ba siya? Pero bakit gusto niyang magkaroon ng commitment sa akin? Ginagawa niya ba ito dahil sa kagustuhang maalagaan at maprotektahan ako? O ginagawa niya ito dahil may nararamdaman na rin siya sa akin? Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. May nararamdaman na siya sa akin? Ibig sabihin, masusuklian ang nararamdaman ko para sa kanya. Sasaluhin niya ang nahuhulog ko ng puso. Napakagat ako sa aking labi. Nagkaroon na ako ng maraming manliligaw noon . Hindi iilang ulit na may nagtangkang paibigin ako. But honestly, with him, I don't know how would I react or how would I response to his question. The idea of hi

