" Yes. Install one at the back and double it at the front. Maglagay din kayo malapit sa poste na malapit sa bahay. Gusto ko well monitored ang kabuuan ng bahay." I heard Drix talking to someone on the phone. " The expenses would not be a problem. Basta siguraduhin 'nyo na makikita lahat ng anggulo ng bahay at lahat ng gusto ko masusunod, okay? Just send me the bill so I can wire you the payment. Alright," then he hung up the phone. Maliliit ang hakbang na naglakad ako palapit sa kanya. Bahagya akong nakaramdam ng pagkailang ng dumapo sa akin ang malalagkit niyang tingin. Dumating kanina ang sekretarya nito bitbit ang mga damit na pinabili niya para sa akin. May underwear, brassieres,pantalon, short, blouse at bestida. May sandals at sapatos pang kasama. At ang nakakagulat pa at tama a

