Chapter 15 -Jamil- Hindi ko alam na ganon pala ang tingin sa akin ni Gemmalyn, ang tagal ko silang hinanap at ngayon at hindi lang siya ang nakita ko, maging si Miracle na kapatid ko ay nakita ko rin at ang mas nakakagulat ay magkasama pala ang dalawa ng hidni ko nalalaman. Hindi rin naging maganda ang pagtatagpo namin ni Gemmalyn dahil sa puno ito ng galit sa puso ng dahil sa huling gabi na magkasama kami ay, ibang babae ang nababanggit ko. Pero hindi ko iyon sinasadya hindi ko rin alam kung bakit si Jannah ang nabanggit ko ng gabing yon at hindi si Gemmalyn na kanaig ko. Alam kong kasalanan ko yon, pero pwde na bang pasihan yon para iwan ako ng ganon-ganon na lang at pagtaguan pa ako ng anak na matagal kong inasam na magkaroon. Hindi ako pumayag na hindi ko sila makasamang iuwi s

