Chapter 14 -Gemmalyn- Katatapos ko lang maligo ng makatanggap ako ng tawag mula kay boss mother na kaylangan kong magtungo sa hide out para sa gaganaping meeting. Pero pasakay na ako sa aking kotse ng makatanggap ako ng tawag mula kay Mira. Nakaramdam ako ng kaba pero binaliwala ko lang yon, naisip kong may kailangan lang itong itanong sa akin. Subalit ibang boses ang narinig ko sa kabilang linya at hindi ako pwdengb magkamali dahil ang boses na iyon ay sobrang pamilyar sa akin. Nanginginig ang kamay ko habang nasa tenga ko ang cellphone. Hindi ko alam kung paano magrereak sa tawag nito sa akin. “Ja---jamil” Nauutal kong sambit sa panagalan nito. “Yes, baby miss me” Nakakalokong sagot nito sa akin. “Anong at bakit mo hawak ang phone ni Mira?” Kinakabahan kong tanong dito, halos

