Chapter 21 -Jamil- Malalim na ang gabi pero narito pa rin ako sa may garden at pinakikiramdaman ang malamig na hangin habang nakaupo sa isang wheel chair na nagsisilbing paa ko ngayon. Nang magising ako sa hospital ay hindi ko na naigagalaw ang paa ko. Ang sabi ng doctor ay nagkaroon ng malaking pinsala ang mga binte ko pero makakalakad pa rin naman daw ako pero sadyang matatagal pa dahil sa nangyari ng pasabok ng iligtas ko ang aking anak sa kamay ng sariling mga magulang ni Gemmalyn. Hindi ko maisip na ganoon kasama ang mga magulang nito, kaya ng mga itong pumatay at magpahirap ng sariling mga kadugo. Nang makita kong walang malay ang aking anak ay sumibhi ang galit ko para sa mga ito, guto ko silang pagpapatayin dahil sa ginawa nila sa napaka batang anak ko. Pero ng lalapitan ko n

