Chapter 20 -Gemmalyn- Ilang linggo pa ang lumipas at nakalabas na ako ng hospital pero wala kong kinakausap isa man sa mga kaibigan ko maging si boss mother, wala na akong ganang mabuhay kaya sana ay hinayaan na lang nila akong mamatay. Tahimik lang ako at madalas na nakatanaw sa malayo. “Nicole and I cooked, just eat when you're hungry, Gem.” Sambit ni Mich bago umalis ng condong tinutuluyan ko. Sinabing kong dito ko gustong umuwi at gusto ko ring makapag-isa, pero araw-araw ng pupunta ang dalawa para ipagtulo ako at ayusin ang buong condo. Kahit ang paglalaba ay sila na rin ang gumagawa, literal na wala akong ginagawa kaya naman ang dalawa ang s’yang gumagawa ng mga dapat kong gawin. Nakikita kong naiinis na sila pero hindi lang nila ako masita dahil narin siguro sa sitwasyon ko

