"I really like you." Napahinto si Charey sa ginagawa ng marinig nya ang sinabj ni Xyron. Lumapit sya dito saka tinitigan ito ng mabuti. "Why do you like someone else?" Sabi na naman nito habang nakapikit ang mga mata. "Why not me?" Hindi maiwasan ni Charey na masaktan sa mga sinasabi ni Xyron. Mukhang tama nga si Azulan sa hula nito, mukhang in love ulit ang kaibigan nila pero mukhang hindi sya mahal nito. She wonder why. Ano pa bang kulang kay Xyron at hindi nito ito nagustohan. "Ang swerte naman ng babaeng 'yan, kung sino man sya." Hinaplos nya ang maamo nitong mukha na natutulog. "Kasi mahal sya ng taong mahal ko." Hindi na nya napigilan pa ang mapaluha. Kahit anong pilit nya ay nasasaktan pa rin sya. Kahit na masaya sya sa piling ni Jerome ay hindi pa rin nya maiwasan na masaktan,

