Kellis's POV: Gabi na kung mag-text sa akin si Mazer kapag papauwi na sya mula sa set. Minsan quarter to 11 na sya kung mag-text. Minsan naman kapag tumatawag sya ay natutulogan na nya ako. Pagod sya kaya naman naiintindihan ko. Mas gusto ko pa nga na makapagpahinga nalang sya kaysa tawagan pa nya ako pero dahil makulit sya ay tumatawag pa din sya. Nawawala daw kasi ang pagod nya sa twing naririnig nya ang boses ko. Hindi ko alam kung pinagluluko lang ba nya ako o ano. Ngayon ay weekends. Nandito ako sa mall, gumagala ng mag-isa. May hinahanap kasi akong libro sa book store kaya nandito ako. Wala si Mazer para samahan ako dahil may shoot sya ngayon. Simula ng mag-umpisa sya sa trabaho nya ay sunod-sunod na ang mga trabaho nya. Para bang nakatambak na ang mga trabahong yon dahil hinihin

