Mazer's POV: From: MP_Kellis - Take care MP. Napangiti ako sa simpleng text nya lang. Magre-reply na sana ako ng tinawag na ako ni Kuya Greg. Sya ang tumatayong manager ko. "Alam mo na kung anong oras tayo bukas ah?" "Opo kuya Greg." "Good. Kita nalang tayo bukas. Ingat sa pagda-drive." "Kayo din po." Nagpaalam na din ako sa ibang mga crew. *** KINABUKASAN ay ganon pa din ang ginagawa ko. Post dito, post doon. Nakakapagod man pero masaya naman ako. Pangarap ko to eh. Pero kahit ganon ay hindi ko parin maiwasan ang malungkot minsan. Miss ko na si Kellis. Minsan nalang kasi ako mag-text o tumawag sa kanya dahil kapag nakauwi ako ay nakakatulog din ako dahil sa pagod. Ilang araw na din kaming hindi nagkikita dahil sa higpit ng schedule ko. Pakiramdam ko ay nagkukulang ako sa kanya

