bc

Ang Room Mate kong MULTO

book_age16+
976
FOLLOW
2.4K
READ
murder
brave
mystery
ghost
city
betrayal
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
Girlpower Revenge Writing Contest
passionate
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Almost perfect na ang buhay ni Lou, maganda, matalino, a family who cares for her, a best friend na supportive at a lover na mahal na mahal sya.

Ngunit isang gabi, nagbago ang lahat. Tinangka syang patayin ng hindi nya maalala kung sino. Sa tindi ng tama nya ay kaluluwa nya na lang ang gumagala sa loob ng appartment nya.

Hindi nya malalaman kung sino ang killer nya, kung kaya't isang swerte ang pagdating ni Trey sa kanyang appartment.

Magkasama nilang tutuklasin ang misteryo ng kanyang muntikan ng pagkamatay.

Ano kaya ang malalaman nila?

Basahin ang libre at kumpletong istorya na tiyak na makakasabik at panindig balahibo sa inyo.

Not your ordinary detective story.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Prologue *toktok*     May kumakatok sa pinto. Sa pagkakatanda ko wala naman akong ka-close dito sa inuupahan kong apartment. Kinuha ko ang jacket ko at nagsuot ng tsinelas dahil malamig since parang bumabagyo na ata sa labas.     Pagkabukas ko ng pinto, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit s'ya narito?     Halo-halo ang nararamdaman ko. Nandoon ‘yong galit. ‘Yong pain. ‘Yong pagka-miss sa kan’ya. Pero nangingibabaw ang takot ko nang makita ang hawak n’ya.     Isang baril na may silencer.     Sht! Katapusan ko na ba? Pero bata pa ako...     "Anong ginagaw—uggh!" ‘Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binaril n’ya ako sa tagiliran.     "It's payback time Louisa."     Those last words hit me.     No!     Why?     Bakit ikaw pa?     I've heard one last gunshot and everything went black. Trey's POV   "That's it Pa! Hindi ko na kayang tumira sa isang bubong kung kayo lang ang makakasama ko! Yes I'm free but I feel like a prisoner na lahat ng gagawin ay kinokontrol nyo! I can't take it anymore!" galit na sigaw ko.     "Fine! Subukan mong umalis sa bahay na to, tandaan mo hinding hindi kita papamanahan maski singkong duling! Subukan mo Trey Jules Montereal na suwayin ako, kalimutan mo na din na ako ang ama mo!" mahabang litaniya ni Papa gamit ang kanyang nagbababalang tinig.     Pero ‘di ko na talaga kaya. Sawa na ako sa buhay kong laging kinokontrol. Oo at sanay ako sa yaman. Yung tipong hahainan na lang at kulang na lang ay paliguan. Pero kaya kong isugal ang lahat, mawala man ang yaman ko, atleast makuha ko ang minimithi kong kalayaan mula sa kanya.     Tumaas na ako sa kwarto at kinuha ang mga inimpakeng gamit ko kagabi. Matagal ko ng pinag isipan ang pag alis kong ito at ngayon, handa na akong umalis sa tanikala ng demonyo.     "Where are you going Trey? Don't leave us please. Ako na ang kakausap sa Daddy mo. Wag mo lang kaming iwan ng mga Kapatid mo dito." Naluluhang sabi ni Mama habang nakayakap sa likod ko, waring pinipigilan ako nung nakita nyang dala ko na ang mga maleta ko.     "Sorry Ma." Iyon lang ang tanging nasabi ko sabay lakad papunta sa kotse kong nakagarahe.     Bago ako makalabas, binigyan ko ng huling sulyap ang bahay kung saan ako lumaki. Iiwan ko na ito para sa kalayaan ko. Bago pa tumulo ang mga luha ko ay umalis na ako. Hindi gawain ng isang lalaki ang umiyak.     Nagda-drive lang ako kung saan habang naghahanap ng isang appartment na mauupahan.     Napako ang tingin ko sa isang hindi kalakihang appartment na naraanan ko. Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa aking pumunta at dito na mangupahan sa apartment na to.     Pinark ko ang kotse sa maliit nilang garahe at pumasok sa loob.     Maliit man kung tingnan sa labas, maganda naman dito sa loob. Halatang naalagaang mabuti nung may-ari.     Pumunta ako sa land lady na namamahala sa building na ito.     "Miss magkano po ang upa dito?" Magalang kong tanong.     "Ay Hijo! Murang mura lang dito! 3 500 a month lang." Masayang sabi n’ya.     "Sige kukunin ko na po. 2 months deposit at 1 months advance," at inabutan ko ito ng higit kumulang sampung libo.     Masaya naman n’ya itong inabot at sinamahan ako sa magiging kwarto ko.     "Miss pwede po bang dito na lang ako sa kabilang kwarto?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko sa kabilang kwarto kay’sa sa kwartong nakalaan dapat para sa akin.     Nakita ko namang namutla sya nung sinabi kong sa kabilang kwarto na lang ako.     "Eh Sir kasi po, Hindi po pwede jan e. Ihahanap ko nalang po kayo ng iba kung ayaw nyo dito sa kwartong napili ko." Nakayukong sabi ng land lady.     "Hindi po kasi talaga pwede jan maski walang umuupa." Dagdag pa nito.     "Wala akong pake. Dito ko gusto sa kwartong to at sa ayaw at gusto n’yo, ito ang kwartong uupahan ko," ma awtoridad na sabi ko. Ginamit ko ang authority na nakasanayan ko nung nasa bahay pa ako.     "Masusunod po kung yan ang gusto nyo," at dali-dali nyang kinuha ang susi ng kwartong napili ko at ibinigay sa akin.   "Sige po. Maiwan ko na po kayo. Puntahan nyo na lang po ako sa baba kung may kailangan kayo o kaya ay tawagan nyo na lang po ako sa teleponong nasa kwarto n’yo." Sabi nito at dali-daling umalis.     Tiningnan ko ang susing hawak ko at ang numero ng kwartong pinili ko.     Room 8     Nasa ikalawang palapag ito at sa limang kwartong nandito sa taas ay dalawa lang ang nangungupahang iba.     Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at hindi ko alam kung bakit biglang kinilabutan ako pagkapasok ko dito.     Wala ito, pagod lang siguro ito. Inayos ko na ang mga gamit ko at naghanda na pagtulog.     Ilang minuto na akong nakahiga ay hindi parin ako matulog. Pakiramdam ko kasi ay may nakamasid sa akin.     Hindi ko na sana ito papansinin ng may marinig akong iyak na parang humihingi ng tulong galing sa kung saan. Sinubukan kong libutin ang buong kwarto at napadpad ang tingin ko sa may sala. Nagulat ako ng may nakita akong babaeng nakaluhod habang hawak ang tagiliran nyang may umaagos ng dugo. Lumingon ito sa may gawi ko at mas lalo akong nagulat ng makita ang mga mata nito. Wala itong ekspresyon ngunit patuloy ito sa pagluha. Nagulat ako ng may narinig akong putok ng baril at ang kaninang pagkagulat ko ay napaltan ng takot. Dahil saktong pagkurap ng mata ko at sa muling pagmulat nito, wala na ang babaeng nakita ko kanina.     Nagising ako na parang may humahaplos sa pisngi ko. Minulat ko ng kaunti ang mata at tiningnan kung sino ito. Nagulat ako ng makitang ito ang babaeng nakalupasay sa sahig kanina. Paulit ulit nyang binulong sa aking tainga ang mga salitang...     "Tulong. Tulungan mo ako."     Paulit ulit nya itong binulong hanggang sa naramdaman kong parang may yumuyugyog sa balikat ko dahilan upang ako ay magising na pawisan at hinihingal.     "Sir! Buti po at nagising kayo. Binabangungot po kayo!" Kinakabahang sabi ng land lady.     "Pumunta po ako dito upang ibigay sana itong sulat na pinabibigay sa inyo." Dagdag pa nito.     Maski nagugulahan ay inabot ko ang sulat .     "Kanino daw ho galing?" Takang tanong ko.     "Hindi ko po alam Sir e. Basta na lang po umalis yung nag abot ng sulat pagkasabing sa inyo daw po ito."     "Sige salamat," sabi ko at umalis na sya sa kwarto ko. Narinig ko pa ang pagsarado ng pinto bago ako sumandal sa headboard ng kama ko.     Naguguluhan at nagtataka man ay binuksan ko ang sulat at yung kaba ko kanina ay dumoble ng mabasa kung anong nakasulat.     "Tulong. Tulungan mo ako," na nakasulat gamit mismo ang dugo.     Pero mas lalo akong kinabahan na ngayon ay natatakot na, dahil ang nasa tapat ng kama ko ay ang babaeng nakita ko kanina sa panaginip ko. Nakatitig lang ito habang lumuluha. Ngunit ang pinakanakakatakot ay nang makita kong lumuluha ito ng dugo habang nakatitig sa akin, at iyon ang dahilan upang mawala ako sa ulirat.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
366.1K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.1K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
538.7K
bc

The Sex Web

read
136.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.7K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
604.0K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook