LIBERTY-15: GEMSTONE‼️

2056 Words
BIGLANG nagbago ang tingin ni Maxwell sa mukha ng dalaga, matapos niyang marinig sa kapatid na si Lib pala ang babaeng tinititigan niya. Ang kanina na magandang ngiti ni Malou ay napalitan ng galit dahil sa kaniyang Kuya. Hindi niya matanggap ang mga narinig niyang sinabi nang sariling kapatid, sa kaniyang kaibigan. Si Lib ay kaniya na ngayong matalik na kaibigan. Magdadalawang taon na niyang kaibigan si Lib, at sa pagkakakilala niya sa dalaga ay napakabait nito at matulungin. Matapang, ngunit mabuting tao. Kahit galing ito sa isang simpleng pamilya ay hindi niya nakitaan si Lib na nanamantala sa kaniya o sa ibang kaibigan. Siya pa nga tinutulungan nito nang madalas at tinuturuan kung paano magtipid ng pera. Bigla siyang nagbago dahil sa impluwensya sa kaniya ni Lib. Ang allowance niya na binibigay sa kaniya ng magulang ay iniipon niya sa kaniyang bangko. Pinagkakasya na lang niya ang 48 thousand pesos na allowance niya sa academy, tapos sasabihan lang ito ng Kuya niyang masamang halimbawa sa kaniya si Lib. "How dare you say those words to my bestfriend, Kuya? Naturingan kang Vice Mayor ng bayan na ito pero ang sama ng ugali mo! Hindi ka dapat ibinoboto ng mga tao rito dahil hindi mo deserved maging leader sa bayan na 'to. Nakakahiya ka!" Galit na galit na sambit ni Malou. "Hindi masamang tao ang kaibigan ko, Kuya! Isa siyang magandang halimbawa nang mabuting kaibigan. Alam mo bang mula nang maging kaibigan ko siya ay natuto na akong mag-save ng pera? Lahat ng ibinibigay ninyo sa akin ay iniipon ko lang sa banko ko, at ang allowance ko lang sa academy ang ginagastos ko, dahil iyon ang turo sa akin ni Lib. Hindi na ako nagpupunta sa Mall at mamili ng kung ano-ano na hindi naman kailangan. Kung mayroon man sa inyong dalawa ang masamang tao ay ikaw iyon, Kuya, hindi ang kaibigan ko!" Dagdag pa niya, saka itinulak si Maxwell, at nagmamadaling umalis sa tabi ng lalaki. "Malou, bakit ganyan ang mukha mo? May nakaaway ka ba?" Napatingin si Malou sa babaeng nakasalubong. Nang dahil sa inis niya kay Maxwell ay hindi na niya napansin ang pagdating ni Sarah. "Sarah, nandito kana pala. Halika na doon sa table natin para makakain na tayo. Kanina pa sina Lib, at Jessa roon. Baka naiinip na sila." Pag-anyaya niya kay Sarah. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at hinila patungo sa table na nakalaan para sa kanilang apat. "May problema ba kayo ni Vice? Bakit parang narinig kong sinigawan mo siya?" Magkasunod na tanong ni Sarah. "Huwag mong pansinin iyon, Sarah! May hindi lamang kami napagkaintindihan kaya ko siya sinungitan." Tugon ni Malou. Tumango na lang si Sarrah. Hindi naman niya puweding pilitin si Malou na magsabi nang problema nito sa mismong party ng Mommy nito. At kung si Maxwell ang kinasagutan nito ay labas na siya roon dahil problemang magkapatid na iyon, at labas siya sa mga issue nila. Abala naman sa pagkukuwento si Jessa, kay Lib. Kilig na kilig pa itong ikinukuwento ang tungkol sa boyfriend nito, nang dumating sina Malou at Sarah. "Mukhang huli na kami sa balita, ah! Share n'yo naman sa amin ang sesmes." Pabirong sabi ni Sarah, nang makalapit siya sa dalawa. Si Malou naman ay may kinausap na isang kaibigan ng Mommy niya, kaya naiwan ito sa gitna. "Anong huli sa balita, eh na kuwento ko na sa inyo ni Malou ang tungkol kay Jaxon. Kinuwento ko lang kay Lib, dahil siya ang hindi ko madalas makausap." Tugon ni Jessa. "Ay, akala ko naman may bagong sesmes, si Jaxon lang pala." Saad ni Sarrah, saka niya hinila ang upuan at umupo rito. NASA harap ng Bar counter naman si Maxwell, kausap ang kaibigan niyang si Enrico. Alak kaagad ang inatupag nito, imbes na kumain ng dinner. "Hanggang ngayon pa ba'y galit ka pa rin sa kaibigan ng kapatid mo? Mukha naman mabait si Lib, at gusto siya nang lahat ng membro ng pamilya n'yo. Ikaw lang ang bukod tanging nagagalit sa kaniya. Bakit hindi mo na lang kasi amin na in love ka kay Lib?!" Saad ni Enrico sa kaibigan. "Nasasabi mo lang 'yan, dahil hindi ikaw ang napahiya noon. Kung nagkapalit lang tayo ng sitwasyon ay baka mas malala pa ang maramdaman mong galit sa babaeng iyan. Hindi ko rin alam baka kung ano ang pinaplano niya sa kapatid ko, dahil paniwalang-paniwala sa kanya si Malou. May ipinainom yatang gayuma ang babaeng iyan sa kapatid ko, kasama ng mga magulang ko, kaya lahat ng sabihin niya ay pinapaniwalaan nila." Sagot ni Maxwell. "At hindi ang kagaya niya ang babaeng magugustuhan ko. Kahit anong gawin niya ay hindi na niya makukuha ang loob ko, dahil mayroon nang nagmamay-ari ng puso ko!" Mariin pa niyang sabi. "Eh, nasaan naman kaya ang babaeng 'yon na ipinagmamalaki mo? Ni hindi mo nga nakilala ng personal si Ziyou, dahil hindi ka nakapasa sa pagsubok sa 'yo ng mga kaibigan niya. Hindi mo rin alam kung saan mo siya hahanapin, dahil nakatira naman pala sa Malaysia ang babaeng kinahuhumalingan mo." Natatawang sabi ni Enrico. Muli na lang siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at itinungga. Nang matapos silang mag-dinner ay tinawag ang kanilang pansin ng emcee sa gabing iyon para kumanta sila ng Happy birthday para kay Mrs. Palmer. Lumapit na rin ang buong pamilya Palmer sa stage, upang samahan si Mrs. Palmer sa pag ihip ng candle nito. Agad namang nagsitayuan ang mga bisita at kinantahan si Mrs. Palmer. Matapos ihipan ni Mrs. Palmer ang kaniyang candle ay nagbigay muna ng maikling mensahe ang ginang para pasalamatan ang mga naroon. Hanggang sa pagbubukas ng mga regalo. Isa-isang in-announce ni Mrs. Palmer ang pangalan ng mga nagbigay ng regalo, saka niya ito bubuksan sa harapan ng mga bisita. Una niyang binuksan na regalo ay galing kay Governor Palmer. Isa itong golden necklace na mayroong Pearl pendant. Napaka kapal nang chain nito, at malaki rin ang pearl na pendant nito. Nagpasalamat ang ginang sa kaniyang asawa, saka niya ipinasuot sang necklace sa kaniyang leeg. Sumunod na binuksan nito ay ang regalong galing sa anak nilang panganay, at asawa nito. Isang Treadmill ang regalo ng mag-asawa, kaya natuwa si mrs. Palmer. Hindi na niya kailangang lumabas ng bahay para maglakad-lakad. Pangatlo ay ang regalo ni Maxwell sa ina. Isang mamahaling Kelly bag ang ibinigay niya sa ina, mula sa paborito nitong designer. Tuwang-tuwa ang ginang dahil nagkaroon na siya ng Kelly bag na pinapangarap niya. Pang-apat ay ang regalo ni Malou sa ina. Isang mamahaling sapatos ang binili ni Malou, para sa kaniyang Mommy. Tuwang-tuwa si Mrs. Palmer, dahil nagustuhan niya ang sapatos na binili ni Malou, para sa kaniya. Pagkatapos mabuksan ang mga regalong galing sa sarili nitong pamilya ay lumapit naman siya sa isang lamesa na puno ng mga regalo. Una niyang kinuha ang pinaka maliit na kahon na bigay sa kaniya ni Lib. "Unahin ko munang buksan itong pinakamaliit na regalo na 'to. Kahit maliit ito ay sobrang na-appreciate ko ito dahil ang nagbigay nito ay ang matalik na kaibigan ng aking anak na si Malou. Alam kong matipid sa pera ang batang ito, dahil nauunawaan niya ang hirap ng kanilang pamilya, ngunit naglaan siya ng halaga para mabili ang laman nitong regalong ito para ibigay sa akin. Isa siyang anak ng farmer, ngunit may mabuting puso, mapagmahal na anak sa kaniyang magulang, kapatid, at ganon din sa kaniyang mga kaibigan. Kaya napaka suwerte namin dahil nakilala namin siya, at naging matalik na kaibigan siya ni Malou. Isa siyang magandang ehemplo para kay Malou, kaya naman mahal na mahal namin ang batang ito." Sabi ni Mrs. Palmer, habang ipinapakita ang maliit na kahon na ibinigay sa kaniya ni Lib. Mahinang natawa si Maxwell, dahil sa mga naririnig niyang sinasabi ng kaniyang ina. "Anong klasing regalo naman kaya ang laman ng maliit na kahon na iyan? Baka candy?" Sabi niya sa kaniyang isipan. Napailing pa siya sa iniisip. Agad na binuksan ni Mrs. Palmer, ang maliit na kahon. Nang matanggal niya ang balot ng regalo ay nakita niya ang isang wooden box. May naka ukit pang Chinese character sa ibabaw ng box, kaya nagtataka siyang napatingin kay Lib. Nagsimula na rin siyang kabahan dahil may idea na siya kung ano ang laman ng kahon na iyon. Nanginginig ang mga kamay na binuksan ni Mrs. Palmer ang kahon. Pigil na pigil ang kaniyang paghinga dahil sa naiisip. Sinilip niya ang laman ng kahon para makita kung totoo nga ang kaniyang nasa isipan. Biglang napahawak sa kaniyang bibig si Mrs. Palmer, dahil sa pagkagulat. 'Lib, hija! Puwede ka bang lumapit dito?" Biglang tinawag ni Mrs. Palmer si Lib, dahil gusto niyang pasalamatan si Lib. Agad naman na tumayo si Lib, at agad na nagtungo sa ibabaw ng stage, kung saan nakatayo ang buong pamilya Palmer. Naka lugay lang ang kaniyang mahabang buhok, at naka suot ng sunglasses kahit wala nang araw kaya hindi siya makilala ng mga tao. Bigla naman nagsimangot si Maxwell, dahil sa ginawang pagtawag ng kaniyang ina sa babaeng kinaiinisan. Hindi siya makapaniwalang makakasama nilang pamilya sa babaeng sukdulan hanggang langit ang galit na nararamdaman niya para rito. "Happy birthday, Tita!" bungad ni Lib, saka humalik sa pisngi ng ginang. Hinila ni Mrs. Palmer si Lib sa bandang likod at doon niya ito kinausap. "Thank you, hija! And thank you for giving me this beautiful and precious gemstone. I love it! Pero masyadong mahal ito, hija, kaya hindi ko ito matatanggap. Kunin mo ito at itago mo. Malaki ang maitutulong ng halaga nito para sa iyo at sa pag-aaral mo. Hindi mo kailangang gastusin lahat ng inipon mo para lang may maibigay sa akin. Ang pagpunta mo rito sa birthday ko ay sapat na para mapasaya ako," sabi ni Mrs. Palmer. Naka off ang microphone at pabulong din niyang sinabi iyon kay Lib, para hindi marinig ng mga bisita nila. Bagay naman na ikinatuwa ni Lib, dahil ang ina ni Malou ay napakabuting tao. Hindi ito ang klasi nang mayaman na mapangmata sa mga mahihirap. Kung ibang tao lang ito ay ginamitan pa ng microphone ang pagsasalita para iparinig sa lahat ang kaniyang sinasabi at magmukha itong mabuti sa paningin ng lahat. "Tita, para sa inyo talaga ang bracelet na 'yan. Kung hindi mo po tatanggapin ay magtatampo ako sa inyo. Hindi na ako pupunta dito sa bahay ninyo kahit kailan." tugon ni Lib, kaya biglang nanlaki ang mga mata ni Mrs. Palmer. Ayaw niyang lumayo sa kaniya ang loob ni Lib, dahil napamahal na ang dalaga sa kaniya. "Pero ang mahal nito, Hija! Mas kailangan mo ang perang pinambili mo rito, kaysa sa akin." giit ni Mrs. Palmer. "Okay lang po iyan, Tita, para po lagi n'yo akong maalala kapag wala na ako dito sa Baguio. Malapit na po kaming matapos sa aming Training. Babalik na ako sa amin at maghahanap ng trabaho. Gusto kong lagi n'yo akong maalala sa tuwing makikita n'yo ang Jade Bracelet na ito sa kamay ninyo." tugon ni Lib, kaya walang nagawa si Mrs. Palmer, nang kunin ni Lib, ang bracelet at ipasuot ito sa ginang. Agad naman siyang niyakap ni Mrs. Palmer at hinalikan sa magkabilang pisngi. Hinila siya ni Mrs. Palmer sa tabi ng asawa nito para magpakuha ng litrato. "Hija, mas maganda ka kung tatanggalin mo ang sunglasses mo." saad ni Governor Palmer, kay Lib, at tangka na sana nitong tanggalin ang sunglasses ni Lib, nang mabilis na hawakan ni Lib ang kamay ng Governador. "Ayaw ko, Gov., Nahihiya kasi ako na walang sunglasses, kasi mayroon akong sore eyes!" maagap na tugon ni Lib. "Ay, ganon ba? Oh, sige, huwag mo nang tanggalin, hija, at baka matakot ang mga bisita ng Tita mo. Iisipin nila na mahahawaan sila." sagot naman ng Governador, ngunit naka ngiti ito sa kaniya. Agad din niyang hinila si Maxwell at ipinatabi ito kay Lib. Pinagitnaan nila sina Lib, at Maxwell na magpapakuha ng larawan. Parang gusto namang bigwasan ni Lib, si Maxwell, pero nagpigil siya dahil ayaw niyang gumawa ng anumang gulo sa party ni Mrs. Palmer. Nagulat pa siya nang maramdaman ang kamay ni Maxwell sa balikat niya, kaya napatingin siya sa lalaki. Ngunit nakita niyang si Gov., ang naglagay sa kamay ni Maxwell sa kaniyang balikat, kaya hindi siya nakatanggi. Ngunit nang sabihing ngumiti sila ay hindi makuhang ngumiti nang maganda ni Lib. Nakangisi siya nang kumislap ang camera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD