CHAPTER 03

1502 Words
"Do you know that sometimes in your life is just a dream or should I say a nightmare." -- Ms. Dela Vega CHAPTER 03 First class, first dream "GOOD luck sa unang pasok mo Zaf!" "Ate! Samahan mo ako!" "Kaya mo na iyan!" Matinis siyang tumawa at sumulyap kay Kuya Lach. "Basta makipagclose ka agad sa makakatabi mo!" Baling niya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at hinawakan ang shoulder bag ko. "Sige na nga. Bye na." Ngumiti na lang sila sa akin at tumango. Magkalapit lang kami ng University nila Ate Shi kaya naman sinabayan nila akong pumasok. Medyo weird sa tenement nitong mga lumipas na araw, lalo na sa floor kung saan ang unit ko wala akong makitang tao tuwing lalabas ako pero kapag tuwing gabi may naririnig akong nagpipiano, kaya kagabi nakatulog agad ako para kasi akong hinihele ng bawat tunog. Hindi ko pa nakakausap si Jeah hindi ko kasi siya matyempuhan lumabas. Nang mahanap ko na kung saan ang una kong classroom pumasok agad ako roon, kokonti pa lang ang mga classmate ko. Sa may bandang dulo ako umupo, bakanteng row. Hindi ko yata feel ang makipagkaibigan para kasing ang taray ng mga hitsura ng mga babae rito. Sobrang kabado ang nararamdaman ko ngayon, parang hindi yata ako sanay sa atmosphere ng pagiging college student. Ilang minuto akong nakapalumbaba at nakatunganga sa kinauupuan ko hanggang sa napansin kong unti-unti na silang dumarami. Inayos ko ang upo ko at inihiga ko ang aking ulo sa may arm chair ko. Namiss ko bigla ang mga highschool friends ko, rito sa University na pinasukan ko ako lang pumasa kaya naman hindi ko sila kasama. "Miss, may nakaupo ba rito?" Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko upang tignan kung sino ang nagsalita sa gilid ko. Bumungad sa akin ang isang lalaking maputi at nakangiti sa harap ko. Para akong nasisilaw sa kulay ng brace niya, sumulyap ako sa bakanteng upuan na katabi ko saka ako tumingin ng pasimple sa paligid namin, muli ko siya binalingan ng tingin. Nakangiti pa rin siya na halos buong ngipin niyang may brace nakalabas. Hindi naman malaki ang ngipin niya, naaalibadbaran lang ako sa brace niya. "Wala." Usal ko sa kanya at nag-iwas ng tingin. Naramdaman kong umupo na siya sa tabi ko at tumawa ng mahina. "Wala na kasi akong maupuan kaya rito na lang ako tumabi sa iyo." Hindi ko siya pinansin at muling inihiga ang ulo ko sa desk. Ilang sandali pa nang maramdaman kong parang tumahimik ang buong klase, agad akong dumilat at iniangat ang ulo ko sa desk. Inilibot ko nang tingin ang buong paligid dito, hindi ko alam kung nasaan ako sobrang dilim... Halos wala na akong makita, hindi ko maigalaw ang katawan ko para akong nakaglue sa kinauupuan ko. Hindi ako makasigaw at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nararamdaman ko nang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko. Bakit naging ganito ang classroom namin!? Nasaan ako? "Isa, magtago ka na..." Muli akong tumingin-tingin sa buong paligid ko. Pilit hinahanap kung saan nang galing ang tinig na iyon, pero wala akong maaninag na kahit isang tao rito. Hindi ko alam kung saan banda nanggagaling ang boses na iyon para bang hindi ko malaman kung dito ko ba talaga naririnig iyon. Ilang segundo akong luminga-linga sa paligid ko nang muli kong narinig ang pagsitsit dito. Umaalingawngaw ang malakas na pagsitsit sa buong paligid. Agad akong napatakip sa dalawang tainga ko at mariing pumikit. "Miss! Miss!" Bigla akong napaangat ng ulo ko sa desk. Agad kong tinignan ang lalaking katabi ko saka tumingin sa buong paligid. Lahat ng mga classmate ko nakatingin sa akin, muli kong tinignan ang lalaking nasa tabi ko. "Nananaginip ka." Usal niya. Napahawak ako sa dibdib ko at bumuntong-hininga... Akala ko totoo na. "Salamat." "Akala ko kung napapaano ka na." Sinulyapan ko siya, bumungad na naman sa akin ang ngiti niya. "Dane Lewis Sebastian." Inilahad niya ang kaliwang kamay niya sa akin. Tinignan ko iyon na nagtataka saka muling tumingin sa kanya. "Zafania Torres." Pakilala ko sa sarili ko saka nag-iwas ng tingin. Maya-maya pa'y may pumasok ng Prof sa classroom namin "I'm Ms. Xiantal Dela Vega." Isinulat niya ang kanyang pangalan sa white board. "I'm your Professor on General Psychology. I've been teaching since 2010 in different Universities." Ang dami pa niyang sinabi tungkol sa background niya. Para bang buong buhay yata niya kinukwento na niya. Diretso lang akong nakatingin sa kanya pero lumilipad ang isip ko sa panaginip ko kanina. Anong ibig sabihin 'non? Sa lahat yata ng panaginip ko iyon lang ang pinakanakakatakot. Para bang nilalamon ako ng kadiliman kanina na hindi ko mahagilap ang kahit anong liwanag. "When I was 16 years old, I had an strange experience about nightmare." Nang marinig ko siyang nagkwento, agad kong tinuon ang atensyon ko sa kanya. "Hindi ito typical na panaginip o bangungot..." Para siyang nawala sa sarili. Diretso lang siyang nakatingin sa buong klase. Hindi ko alam kung sa akin ba o dito sa dulong row namin. "Okay class!" Bigla siyang sumigaw at ngumiti sa amin. "Every human behavior have a nightmare experience. Can someone would like to share about your nightmare?" Maraming nagtaas ng kamay dito ngayon. Pero hindi ako nakiisa sa kanila, nakatitig lang ako sa Prof namin na sumusulyap sa gawi ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon. Mga lima yata ang pinasagot niya sa tanong niya, ang iba parang lahat yata ng panaginip kinuwento na. "Class, minsan ba sa buhay niyo napapaisip kayo kung panaginip lang ang lahat ng nangyayari sa inyo o sa iyo." Nagulat ako sa biglang pagtingin niya sa akin. "Do you know that sometimes in your life is just a dream or should I say a nightmare." Baling niya sa buong klase. Hindi ko maintindihan kung bakit siya panay ang tingin sa akin. Kada segundo o minuto laging nagtatagpo ang mga mata namin. Kinakabahan ako sa bawat tingin niya, para bang tumatagos sa mata ko ang bawat pagtitig niya. "Minsan sa buhay ng tao iniisip nating panaginip lang ang lahat dahil hindi natin matanggap ang nangyayari." Muli siyang ngumiti, napansin ko ang maliit na dimple niya sa kanyang kaliwang pisngi. "I have a simple question regarding to your nightmares. Kung may naaalala pa kayong isang bangungot, what is the most worst nightmare you've been experienced before? Get 1/4 sheet of yellow paper and answer it on essay format." Agad akong kumuha ng papel sa bag ko pinaghati-hati ko itong at itinabi ang natira. "Pwede makihingi ng isa?" Rinig kong tanong ng katabi ko at kinalabit pa ako nito. Napailing na lang ako saka binigay ang isang kapiraso ng papel sa kanya. "Unang klase wala kang papel." Sabi ko nang nagsisimula nang mag-sulat. Narinig kong tumawa siya nang marahan. "Mayroon naman tinatamad lang akong kumuha." Napahinto ako sa pagsusulat, mula sa pagkakayuko ko sinulyapan ko siya. Nakangisi lang siya habang nagsusulat. Muli akong bumaling sa papel na nasa harap ko at umayos ng upo. Nang matapos kong isulat ang pangalan ko, ilang segundo akong napatitig sa papel na nasa harapan ko. Pilit iniisip kung ang panaginip ko ba kanina ang isusulat ko. Ilang minuto pa ang lumilipas hindi ko kayang maigalaw ang kamay ko, para bang gusto kong isulat pero ayaw makisama ng buong sistema ng katawan ko. "Tapos ka na?" Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang tanong ni Lewis. Sinulyapan ko siya at simpleng tinakpan ang papel ko. "Oo." Naiilang sambit sabay iwas ng tingin sa kanya. "Class. Pass your paper forward. Finish or not." Pakiwari ko binuhusan ako ng malamig na tubig dito sa kinauupuan ko. Unang klase wala akong ipapasang papel! "Pasa na tayo." Rinig kong sabi niya. Tinignan ko siya at bahagyang ngumiti. "Mauna ka na." Sandali siyang napatitig sa akin at ibinigay niya ang papel niya sa isa naming classmate sa bandang harapan ng kanyang kinauupuan. Mabilis kong itinago ang papel ko sa bulsa ng palda ko. "Nakapagpasa ka na?" Baling niyang tanong sa akin nang mapansin niyang wala ng papel sa lamesa ko. Nginitian ko siya at tinanguan. Muli kong tinignan ang Prof naming nagpapaalam na, bago pa siyang lumabas ng classroom namin muli siyang sumulyap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD