CHAPTER 18

1694 Words
"...just like a puzzle without pieces." -- Kael Molari CHAPTER 18 The Piece *KAEL MOLARI'S POV* ISANG palaisipan sa amin ngayon kung sino ba talaga ang pumatay kay Miracle. Palaisipan na hindi mawari kung masasagot pa ba o habangbuhay ng magiging palaisipan sa aming lahat. Hindi ko alam kung posibilidad pa ba mahanap ang pumatay sa kanya pero isa lang ang kailangan namin mahanap ngayon kundi ang hustisya. Dati hustisya lang sa pagkamatay ni Xena ang hinahanap namin ni Miracle pero ngayon hustisya na para sa kanya. Hindi alam ni Sasha na kumikilos kami ni Miracle upang malaman lahat ng katanungang nasa isipan namin tungkol sa dati naming kaibigan, unti-unti'y nagkakaroon ng mga sagot at ang mga katanungan na kinatatakutan namin. Sa bawat sagot hindi nawawala si Sasha, sa bawat pangyayaring pinagtatagpi-tagpi namin noon hindi siya nawawala. Ngunit ayokong maniwala dahil kaibigan namin siya, ayokong maniwalang may kinalaman si Sasha sa pagkamatay ni Xena at ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Ngayong wala na si Miracle ako na lang ang nakaaalam ng mga kasagutan na iyon, nasa akin ang alas sa hustisya nang pagkamatay ni Xena. Hindi talaga ako galit kay Miracle, kung tutuusin palabas lang namin ang mga alitan sa pagitan naming dalawa upang hindi makahalata si Sasha. Ang maging blockmate ko sina Miracle at Sasha ay sadya ang lahat ng iyon, pinagusapan namin iyon ni Miracle upang mabantayan namin ang mga kilos ni Sasha ngunit lumipas ang mga bawat segundo wala kaming nakitang kakaiba sa mga kilos niya kaya hindi namin masiguro kung talagang may kinalaman siya sa pagkamatay ni Xena. History repeat itself, hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa amin, kung bakit masyadong brutal ang ginawang pagpatay kay Miracle, kung bakit siya pinatay at kung sino ba talaga ang pumatay sa kanya. Parang dati kay Xena nangyari ang ganito pero ngayon kay Miracle naman. Hindi ko alam kung sinumpa ba kami at unti-unti kaming mamamatay. Sino na ang susunod sa aming dalawa ni Sasha? Ako o siya? Aksidente lang ba ang mga nangyayari? Aksidenteng dalawa sa mga kaibigan namin ang pinatay? Hindi ko alam kung bakit nasa presinto kami ngayon at isa-isa kaming tinatanong tungkol sa nangyari bago pa man mamatay si Miracle, ganitong-ganito ang nangyari noong namatay si Xena at isa lang ang sana huwag mangyari ngayon ang hindi malaman ng mga pulis na ako at si Sasha ay kaibigan ni Xena. Gusto kong makipagtulungan sa mga pulis upang malaman ang kasagutan sa lahat ng katanungan namin ngayon, gusto kong isa ako sa makatutuklas nang pagkamatay niya at kailangang ako ang unang makakita ng autopsy ng bangkay ni Miracle. Iba ang nasa kutob ko, alam kong hindi lang siya basta-basta pinatay. Isa pa sa mga palaisipan sa akin ngayon ang nangyayari kay Zafania, Psychology ang kurso namin at isang Psychiatrist ang Mommy ko kung kaya't sa bahay puro libro tungkol sa kurso namin at madalas nagbabasa ako tungkol sa mga behavior ng mga bawat tao at ang nangyayari kay Zaf na tungkol sa kaibigan niya ay isa lamang imahinasyon. Imaginary friend kumbaga. Mag-isa lang siya sa unit niya at wala siyang nakakausap sa mga katabing unit kaya malaki ang posibilidad na gumana ang imahinasyon niyang may kaibigan siya na nakatira sa kabilang unit niya kahit wala naman. Hindi masama ang magkaroon ng imaginary friend pero masama kung magiging aggressive ang kaibigan niyang iyon. Ngunit ang mas bumabagabag sa akin kung ano ang nangyayari sa bangungot ni Zaf, hindi normal ang binabangungot lang ng basta-basta dahil kapag binabangungot ang isang tao kapag pagod lang at malalim ang tulog. Ang nangyayari kasi kay Zaf kahit mababaw ang tulog niya binabangungot agad siya. Hindi ko alam kung ano ba itong napasukan ko, gusto kong tumakas sa nangyayari ngayon, magpakalayo-layo, tanggalin sila sa buhay ko at huwag nang maalala ang lahat ng ala-alang binuo naming lahat ngunit hindi pwede dahil nandito na ako at wala na akong takas. Kung tumakas man ako ngayon alam kong hahabol-habulin lang ako ng mga ala-ala namin. Ang kailangan ko lang gawin ay ang matuklasan ang mga kasagutan sa palaisipan sa aming lahat, lalo na kung sino ba talaga ang pumatay kay Miracle. Ngunit sa kabilang banda dapat nga ba kaming malungkot sa nangyari? Dapat nga bang malaman at makita kung sino ang pumatay sa kanya? Dapat bang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay niya? Sa mundong ito kailangan ba talagang sundin ang mga dapat na maramdaman at mangyari? Dahil namatay ang kaibigan namin dapat ba talagang maging malungkot kami? Dapat nga ba? "Pangalan?" Bungad na tanong ni P03 Dumlao nang makaupo na ako sa bakanteng upuan na nasa kanyang harapan. Sumandal ako nang bahagya at marahan kong pinasadahan ng aking kanang kamay ang aking buhok. "Kael Molari." Mariin ko siyang tinitigan habang sinusulat niya ang pangalan ko sa maliit na notebook at may maliit ding voice recorder na nakalapag sa gitna ng lamesang pinaggigitnaan naming dalawa. "Ano ang relasyon mo sa biktima?" Diretso siyang nakatitig sa mga mata ko habang binibitawan ang kanyang tanong. Malamig ang tono ng kanyang boses na para bang pasimple akong tinatakot. Halos lahat yata ng pulis ganyan ang strategy upang umamin ang bawat iniimbestigahan nila. "Kaibigan po." Hindi ko inaalis ang pagtitig ko sa kanyang mga mata upang malaman niyang hindi ako natatakot sa kanya. Pulis lang siya, isang tao rin at hindi siya ang Diyos upang katakutan ko. "Anong nangyari bago mamatay ang biktima?" Napansin kong simula kanina'y hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ang pulis na ito talagang pinaninindigan niya ang sinimulan niyang hitsura. Bahagya akong umayos ng upo at marahang lumapit sa lamesa habang nanatiling diretso ang mga mata ko sa kanyang mga mata. "Birthday ni Lewis, nagkatuwaan, inuman at kumain lang kami. Mga bandang gabi umuwi rin kami at hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila dahil hindi ko na sila kasama." Salaysay ko at muli akong bumalik sa pagkakasandal. "Ilang buwan o taon na kayong magkakilala?" "Highschool friends kami." Hindi kumawala sa mga mata ko ang pag-aliwalas ng kanyang mga mata nang bitawan ko ang salitang iyon. Tumikhim siya na umalingawngaw sa buo naming paligid at bahagya siyang sumandal sa kanyang kinauupuan habang humahalukipkip siya sa aking harapan. "Kung ganoon Mr. Molari, isa ka sa matagal ng nakakikilala sa biktima," Marahan niyang inilagay ang kanang kamay niya sa kanyang baba at mas lalong rumiin ang kanyang pagtitig sa akin. "May alam ka bang nakaaway niya? O kagalit na maaaring makagagawa ng ganito sa kanya?" Umiling ako sa kanyang tanong. Inalis niya ang kanyang pagkakahalukipkip at mabilis na lumapit sa mesa habang ipinapatong ang kanyang siko sa ibabaw at pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri. Sa pagkakataong ito mas lalo kong natitigan ang madilim niyang mga mata na para bang tumatagos sa kanyang buong pagkatao. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Molari, may kinalaman ka ba sa krimen na ito?" Pasimple akong bumuntong-hininga at umiling. "Alam ko," Ginaya ko ang ayos ng kanyang pagkakaupo at pinagsalikop ko rin ang mga daliri ko. Konting distansya na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa. "Alam kong isa ka rin sa mga humawak sa kaso ni Xena Corilla," Hindi ako nagkakamali dahil nakita ko na ang pulis na ito noon at hindi lang siya basta-bastang isang pulis. "Magtiwala ka P03 Dumlao hindi ako ang pumatay sa kanya at gusto kong makipagtulungan sa kasong ito, gusto kong malaman ang resulta ng autopsy sa bangkay ni Miracle and I wanna know who's the f*****g badass killer behind this." Hindi siya nagsalita sa sinabi ko ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa aking mga mata na para bang tinatanya niya kung totoo ba ako sa aking sinabi. Alam kong kapag pinasok ko ang kasong ito may posibilidad na pagbintangan ako dahil baka akala nila ay strategy ko lang ito upang maging malinis ang imahe ko sa kanila. Bumuga ng mabigat na paghinga si P03 Dumlao at napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mata. "Mr. Molari, sa kasong ito hindi biro o isang laro. Hindi ito tulad sa kaso ni Ms. Xena Corilla dahil mas malala ang kaso ni Ms. Miracle Santiago, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Molari," Huminto siya sandali sa kanyang pagsasalita at bahagya siyang sumandal sa kanyang kinauupuan. "Sa kasong ito maaaring ginagawa mo lang iyan upang hindi ka pagbintangan, pero tatanggapin ko ang alok mo ngunit wala sanang makaaalam ng pinag-usapan natin sasabihin ko sa ibang pulis at sa ibang nag-iimbestiga sa kasong ito ang alok mo. Inuulit ko Mr. Molari, walang makaaalam ng iba nagkaiintindihan ba tayo?" Dahan-dahan akong napangiti kasabay nang pag-ayos ng aking upo. Tumango ako sa kanyang harapan at inabot ko ang aking kaliwang kamay ngunit iniwan lang niya ito sa ere at nagsalitang muli. "Isang linggo pa bago malaman ang autopsy ng bangkay ni Ms. Santiago, bumalik ka rito pagkatapos ng isang linggo," Dumukot siya sa kanyang bulsa at inilabas niya ang kanyang itim na wallet. Bigla siyang may inabot sa akin na maliit na papel at walang atubiling tinanggap ko naman iyon. "Tawagan mo ako kapag may nalaman kang kakaiba sa kasong ito." Sandali kong tinignan ang papel na kanyang inabot at nalaman kong isa pala itong calling card. Muli kong binaling ang aking ulo sa kanya at tumikhim ako. "Salamat P03 Dumlao." "Mr. Molari, inuulit ko mabigat ang kasong ito maaari ka pang umatras kung gusto mo." Umiling ako sa sinabi niya. "Sigurado po ako sa ginagawa ko at hustisya para sa kaibigan ko ang nakasalalay dito and I know P03 Dumlao that this is a serious case just like a puzzle without pieces." Napatango siya sa aking sinabi. "Kung ganoon magtulungan tayo pero huwag kang makasigurong buo ang tiwala ko sa iyo." Sandali akong nagulat sa pagguhit ng kanyang ngiti ngunit napatango na lamang ako sa kanya. Hindi ko siya masisisi kung hindi buo ang tiwala niya sa akin dahil sa panahon ngayon mahirap ng magtiwala at dahil sa nangyayari ngayon wala akong pagkakatiwalaan. Kahit ang mga kaibigan ko dahil maaaring isa sa kanila ang sangkot sa pagkamatay ni Miracle. Pero sa ngayon kailangan kong mahanap ang pira-pirasong detalye upang magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan naming lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD