CHAPTER 17

2602 Words
"Kailangan bang mamatay ang isang tao sa magandang paraan?" -- Sasha Ramirez CHAPTER 17 The Observer *SASHA RAMIREZ'S POV* MARAMING naglalaro na katanungan sa isipan ko, ang iba ay may kasagutan ngunit ayokong tanggapin ang sagot na iyon pero mas maraming tanong ang nangingibabaw na mahirap alamin ang sagot at mahirap tanggapin ang katotohanang sagot. Natatakot akong malaman ang katotohanan, natatakot akong maka-epekto ang katotohanang iyon sa buhay ko at sa mga taong nasa aking paligid. Sino nga ba ang pumatay kay Miracle? Alam kong iyan ang nangingibabaw na katanungan sa aming lahat na malalapit sa kanya, walang pagpipilian na sagot na para bang exam lang, ngunit pwedeng may paghinalaan. Lahat ng tao sa buong mundo pwedeng paghinalaan, pwede maging testigo at maging biktima kung tutuusin wala namang kwenta ang mga kinukuhang impormasyon sa aming mga kaibigan niya dahil isa man ang lumitaw na testigo itatapon na lang sa basurahan ang mga impormasyong sinagap sa amin. Ayokong isipin na maaring isa sa amin ang pumatay sa kanya, pwedeng ako, si Zaf, Kael at si Lewis. Ngunit sa kabilang banda hindi kaya ang nangyari kay Miracle ay isang magandang bagay? Hindi kaya minadali lang ng Diyos ang buhay niya upang hindi na siya mahirapan? Hindi kaya dapat pa kaming magpasalamat dahil namatay na siya? Oo nga't nakalulungkot ang sinapit niya ngunit may magagawa pa ba kami? Maibabalik pa ba ang oras upang baguhin ang pagkamatay niya? Upang sa magandang paraan siya mamatay? Kailangan bang mamatay ang isang tao sa magandang paraan? Life is totally connected to death kaya hindi na nakapagtataka kung biglaan na lang mamamatay ang isang tao, hindi na iyon bago dahil lahat ng tao ay mamamatay. Hiram lang itong buhay natin at anumang oras kayang-kaya Niya itong bawiin. There are two types of death with regards to it's timing. Possible Death, this is where a person possibly die but there's a possible to save his or her life due to his or her merits and the other one is Destined Final Death, this is the time of death that no one can escape. Sa kaso nang pagkamatay ni Miracle walang kasiguraduhan kung Possible Death ba ang nangyari sa kanya, kung nagkaroon pa siya nang pagkakataon upang isalba ang kanyang buhay o ang Destined Final Death wala na siyang takas dahil nahuli na siya ng kamatayan. Si Kael at ako ang mas nakakikilala kay Miracle, highschool pa lang magkakaibigan na kami ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang isa naming kaibigan na si Xena. Tulad ng nangyari kay Miracle, biglaan ang kanyang pagkamatay at hanggang ngayon hindi namin alam kung nagpakamatay ba siya o pinatay siya. Dati, ako ang sinisisi nila akala nila kasalanan ko dahil sa natawag kong demonyo, akala nila sinaniban si Xena at iyon ang nag-udyok upang magpakamatay siya. Mataas ang porsyentong hindi siya pinatay dahil siya mismo ang pumatay sa sarili niya ngunit ayaw nilang tanggapin ang katotohanan. Iyon ang mahirap sa taong naghahanap ng hustisya kapag ang katotohanang hindi kapani-paniwala hindi talaga nila paniniwalaan at ang mas paniniwalaan nila ay ang kasinungalingan. Halos dalawang taon na rin ang nakalilipas at nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan naming tatlo. Alam kong hindi pa rin nawawala ang nararamdaman nilang ako pa rin ang may kasalanan, hindi ko ginusto ang nangyari, hindi ko ginustong demonyo ang natawag ko noon imbis na multo. Sina Kael, Miracle at Xena lang ang nakaaalam na may abilidad akong magtawag ng multo which seems to be a form of automatic writing. Ayoko ng ganitong abilidad dahil pakiwari ko sinumpa ako, pero sila mas natutuwa pa kaya sinubukan namin noon sa bahay ni Xena ngunit hindi multo ang natawag ko kundi isang demonyo. Gusto kong kalimutan ang pangyayaring iyon, gusto kong tanggalin sa utak ko at ang abilidad ko at gusto kong patayin mismo sa buong sistema ng katawan ko pero hindi ko magawa dahil kasama na ito sa buo kong pagkatao. Noong unang pasok namin sa kolehiyo, hindi namin inaasahan ni Miracle na blockmate namin si Kael at tulad ng dati hindi na sila o kami nagkasusundong tatlo. Pero alam kong may ibang namamagitan sa kanilang dalawa, alam kong hindi lang basta kaibigan ang turingan nina Kael at Miracle dahil alam kong may iba pa itong kahulugan. Hindi nila ako maloloko, siguro sina Lewis at Zaf pwede pa. Pero ako? Hinding-hindi... Kung tutuusin hindi ako madalas nagsasalita kapag magkakasama kami, dahil pinagmamasdan ko lang sila at inoobserbahan. Sa bawat katauhan ng tao ay may ugaling hindi mailalabas ng sarili mo kumbaga ang ugaling iyon ay tinatago mo lang at hindi mo ipinapakita sa mga tao pero sa ayaw man o sa gusto mo darating ang araw na mailalabas mo iyon at hinding-hindi na maitatago sa buong katauhan mo. Every person in this world has an angel side with a wild side and there's a little bit devil in her or his angel eyes. Sabihin mo man na sobrang bait ng isang tao may masamang ugali pa rin siyang itinatago, tulad ni Miracle noong highschool kami mabait siya ngunit may masama rin siyang ugali buong akala ko kilalang-kilala ko na siya ngunit hindi pa rin... Dahil may ugali siyang itinatago. Nang maging college kami at nakilala namin sina Lewis at Zaf, akala ko magkakaroon na kami ng isang normal na buhay, isang normal na estudyante at isang normal na samahan ngunit hindi dahil ang inaakala kong normal ay sa ganito humantong ang lahat. Hindi ako tanga upang hindi mapansing may namamagitan na kakaiba sa pagitan nina Kael at Miracle kahit na madalas ay nag-aaway sila. Tinanong ko noon si Miracle kung ano ba talagang mayroon sa pagitan nila ni Kael ngunit ang sinabi niya ay isang kaibigan lang, pero hindi ako naniwala. Sa tuwing uwian at nagkahihiwalay na kaming lahat hindi agad ako umuuwi bagkus sinusundan ko si Miracle kung saan siya didiretso kaya hindi ako nabigo dahil tama nga ang hinala ko. Hanggang ngayon iniimbistigahan pa rin nila ni Kael ang nangyaring pagkamatay ni Xena. Nang matuklasan ko iyon nagtanim ako ng galit sa kanilang dalawa, kumikilos sila ng hindi ko alam at anong ibig nilang sabihin doon? Bakit hindi nila ako sinasama? Ako ba ang pinagbibintangan nilang pumatay kay Xena? Hindi ko alam kung isang palabas lang ang madalas nilang pagtatalo para hindi ako makahalata sa ginagawa nilang dalawa. Noong araw na matuklasan ko ang kakaibang namamagitan sa kanila mas lalo ko pa silang binantayan at inobserbahan, magaling sila dahil kung hindi ko pa alam ang ginagawa nila hinding-hindi talaga ako makahahalata. Sa lalong tumatagal na pagsasama naming lima at mas lalo namin nakikilala ang ugali namin sa isa't-isa napapansin kong napapalapit ang loob nina Lewis at Zaf, ngunit ang hindi ko lang maintindihan kung bakit laging kakaiba ang tingin ni Miracle sa kanilang dalawa hindi ko mawari kung may gusto ba si Miracle kay Lewis. Kung tutuusin sa aming lima mukhang normal ang bawat pagkatao namin, ngunit alam kong hindi, alam kong may nangyayaring kakaiba lalo na ang nangyayari kay Zaf. Hindi na normal ang bangungot niya at ang kinatatakutan kong mangyari kung normal pa ba ang nangyayari sa pagitan naming lima. Ayokong maulit ang nangyari dati, sa bawat pag-oobserba ko sa kanila at sa nangyayari sa amin bumabalik ang ala-ala ng kahapon. Siguro nga totoo ang kasabihang history repeat itself. "Lewis!" Para akong bumalik sa katotohanan nang biglang tinawag ni Zaf ang pangalan ni Lewis. Bahagya kong inangat ang aking ulo upang matignan siya at bumungad sa amin ang pilit niyang ngiti. "Ms. Ramirez." Ibubuka ko sana ang aking bibig upang magsalita ngunit bigla akong tinawag ni P03 Gotriz. Inumuwestra niyang pumasok na ako sa silid kung saan nanggaling sina Lewis at Zaf. Tumayo na ako sa aking pagkakaupo kasabay nang unti-unting panunumbalik ng kaba ko. Humugot ako nang malalim na paghinga bago naglakad papasok sa silid kung saan naroroon si P03 Dumlao. Ilang hakbang lang ang ginawa ko upang tuluyan na akong makapasok sa silid na ito. Marahan kong isinara ang pinto at agad kong pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Madilim, mahangin at walang gaanong gamit ang bumungad sa akin. Dumako ang aking tingin kay P03 Dumlao na nakaupo habang mahina niyang itinataktak ang hawak niyang ballpen sa maliit na mesa habang bahagya siyang nakayuko at tinititigan ang hawak niyang voice recorder gamit ang isa niyang kamay. "Maupo ka Ms. Ramirez." Napuno ng malamig niyang boses ang buong silid. Para akong nanigas sa aking kinatatayuan ngunit nagawa ko pang maglakad patungo sa kinaroroonan niya at umupo sa bakanteng upuan na nasa kanyang harapan. Bahagya niyang inangat ang kanyang ulo upang matignan ako sa aking mga mata. "Pangalan?" Sandali kong tinignan ang maliit na notebook na nasa ibabaw ng mesa at ang maliit ding voice recorder. Napalunok ako bago sumagot sa kanyang tanong. "Sasha Ramirez." Bigla kong kinagat ang ilalim ng aking labi nang biglang sumagi sa aking isip ang dating nangyari. Ganitong-ganito ang pangyayari noong iniimbistigahan ang kaso nang pagkamatay ni Xena. "Ano ang relasyon mo sa biktma?" Bumalik ang atensyon ko sa kanya at pilit inaalis sa aking isipan ang nakaraan. "Kaibigan po." "Gaano na kayo katagal magkaibigan?" Mariin kong tinitigan ang kanyang mga mata at kahit anong pilit kong tignan wala akong nakikitang emosyon. "Noong highschool pa po." Nang sabihan ko iyon parang biglang nagliwanag ang aura ng kanyang mukha. Binitiwan niya ang hawak niyang ballpen at voice recorder at inilagay niya iyon sa ibabaw ng mesa. Bahagya siyang sumandal sa kanyang kinauupuan nang hindi pa rin nawawala ang pagtitig sa akin. "Ibig sabihin ikaw ang mas nakakikilala sa kanya, tama ba ako?" Tumango ako sa kanyang tanong at bigla siyang humalukipkip sa aking harapan kasabay nang malalim niyang paghinga. "Kung gayon, ikaw ang mas nakaaalam kung may kaaway at may kagalit ba sa kaibigan mong si Ms. Santiago?" Napalunok ako bigla sa kanyang binitawang tanong kasabay nang unti-unting sumusiklab kong kaba at takot sa aking nararamdaman. Sunod-sunod akong humihinga nang malalim habang mariin pa ring nakatitig sa kanyang kalmadong mga mata. Napaigtad bigla ako sa aking kinauupuan nang tumikhim siya na para bang pinapaalala niya ang kanyang tanong. Marahas akong umiling sa kanya na ikinagulat ng kanyang mga mata. "Wala akong kilalang may galit sa kanya at kung pinagbibintangan mo akong may galit sa kanya hindi ako! Hindi ako galit sa kanya! Hindi ako!" Nararamdaman kong nanginginig ang aking mga kamay habang naglalaro sa isipan ko noong nangyari ang araw na matuklasan kong iniimbistigahan nila ni Kael ang kasong pagkamatay ni Xena at noong araw ding iyon nagtanim ako ng galit sa kanilang dalawa dahil alam kong ako ang pinaghihinalaan nila. Napansin kong umalis sa pagkakasandal si P03 Dumlao at itinukod niya ang kanyang dalawang siko sa ibabaw ng mesa habang pinagsasalikop niya ang kanyang dalawang palad nang mas lalong tumatalim ang titig sa akin. Sa pagkakaayos nang kanyang pagkakaupo mas lalo kong nakikita kung gaano kaseryoso ang kanyang mga mata lalo na ang kanyang aura. "Masyado kang nagpapahalata Ms. Ramirez." Mas lalong sumiklab ang kaba at takot ko nang dahan-dahang sumilay ang nakakikilabot niyang pagngisi. "Isalaysay mo ang huling pangyayaring kasama mo si Ms. Santiago." Biglang naglaho ang ngisi sa labi niya at bumalik ulit ang walang emosyon niyang aura. Ngunit hindi pa rin ako nagpapatinag sa pagtitig sa kanyang mga mata sinusuklian ko lang ang mabibigat at matalim niyang pagtitig sa akin. Kung isang baril o kutsilyo lang ang pagtitig hindi imposibleng kanina pa ako patay sa mga oras na ito. Napasinghap ako at tumikhim bago sumagot sa kanyang tanong. "Birthday ni Lewis kahapon kasama pa namin siya at masaya pa kaming lima." Bahagya kong iniyuko ang aking ulo nang maalala ko ang masasaya naming ala-ala. "Nang matapos ang birthday ni Lewis umalis na kami at sa unit ni Zaf kami nakitulog ni Miracle dahil masyadong malayo ang bahay namin. Bago kami matulog ako ang huling nakausap ni Miracle at ang sabi niya nauuhaw siya kaya binigyan ko siya ng tubig..." Sandali akong napahinto sa aking pagsalaysay at hindi ko napigilang mapangisi ng palihim. "Pero ang sabi niya may bibilhin siya sa labas, pinigilan ko siya ngunit matigas ang ulo ni Miracle kapag gusto niya kailangan makuha o sundin kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang lumabas mag-isa." Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo upang matignan ang ekspresyon ng mukha ni P03 Dumlao at bumungad sa akin ang mas lalong sumeryoso niyang hitsura. Hindi siya nagsasalita at talagang sinusuri niya ang mga binibitawan kong salita. "Hindi ko alam na... Iyon na ang huli naming pag-uusap..." Humina ang aking boses sa huling salitang binitiwan ko, gusto kong umiyak sa harap niya ngayon ngunit naubos na yata ang kanina ko pang luha. Bali-baligtarin man ang mundo kaibigan ko pa rin si Miracle at masakit sa akin ang pagkamatay niya. "Bago siya lumabas wala ba siyang iniwang salita o habilin sa iyo?" Umiling ako sa tinanong ni P03 Dumlao. Bumuga siya ng isang malalim na pagbuntong-hininga. "Tutal ikaw ang mas nakakikilala sa kanya," Bahagya siyang dumukot sa kanyang bulsa at inilabas niya ang kanyang wallet. "Heto ang calling card ko kung may ideya ka kung sino ang maaaring isa sa sangkot ng pagkamatay niya tawagan mo ako." Aniya habang inilalabas ang isang maliit na papel sa kanyang wallet at iniabot niya iyon sa akin. Agad ko naman itong tinanggap. "Tulungan ninyo po kaming malaman kung sino ang pumatay sa kaibigan namin, pakiusap." Tumango-tango siya sa pakikiusap ko. "Iyan ang trabaho namin kaya gagawin namin ang lahat Ms. Ramirez basta't tutulong kayo sa mga impormasyong kailangan naming malaman." Ngumiti ako sa sinabi niya at sa pagkakataong ito ako naman ang tumango. "Maaasahan mo kami P03 Dumlao." Bahagya niyang hinawakan ang voice recorder na nasa mesa at muling bumalik ang blangkong ekspresyon ng kanyang mga mata. "Isang tanong at isang sagot Ms. Ramirez," Nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ako nagpahalata bagkus mas lalo ko pa siyang nginitian. "Ikaw ba ang pumatay sa kaibigan mong si Ms. Miracle Santiago?" Bilib ako sa pagiging straightforward ng pulis na ito. Hindi siya nagpapaligoy-ligoy ng tanong, masyadong mausisa nang diretsyahan at sa bawat tanong niya malaman at hindi lang basta-basta. Napalunok ako ng laway bago sumagot sa kanyang tanong. "P03 Dumlao, kapag bang sinabi kong pinatay ko siya ikukulong mo na agad ako? Kapag ba sinabi kong hindi ako ang pumatay sa kanya mawawala ba ang paghinala mo?" Naghintay ako ng isasagot niya sa tanong ko ngunit hindi siya nagsalita at nanatili lang siyang nakatitig sa aking mga mata. "Naghihinala ka P03 Dumlao, alam ko lahat kami ng kaibigan niya pinaghihinalaan mo diba? Tama ba ako?" Isa. Dalawa. Tatlo... Tatlong segundong binalot kami ng katahimikan hanggang sa dahan-dahang umalingawngaw ang paghalakhak ni P03 Dumlao na ikinagulat ko. Hinayaan ko lang siyang humalakhak sa harap ko hanggang sa dahan-dahang humupa ang kanyang pagtawa. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at halos kokonting distansya na lang ang namamagitan sa aming dalawa. Mas lalo kong natitigan ang mapanuri niyang mga mata bahagya akong nagulat sa dahan-dahang pag-angat ng magkabilang gilid ng kanyang labi "Kanina oo lahat kayo pinaghihinalaan ko," Napansin kong napalunok siya dahil sa paggalaw ng kanyang adams apple. Sa hitsura ni P03 Dumlao hindi mo aakalaing nasa edad kwarenta na siya dahil sa malinis niyang hitsura hindi tulad ng ibang pulis. "Pero sa pagkakataong ito ikaw lang ang pinaghihinalaan ko, Ms. Ramirez." Sa lamig na pinakawalan ng kanyang boses parang dumaloy ito sa buong katawan ko na halos pakiwari ko nanigas ako sa aking kinauupuan. Bigla siyang umayos ng upo at muling bumalik sa pagkakasandal sa kanyang upuan. "Kung gusto mo nang sumuko sa kasong ito Ms. Ramirez, just call me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD