CHAPTER 16

2347 Words
"Tulad nito, isang voice recorder. Inosenteng tignan na aakalain mong walang laman sa loob, ngunit kapag pinindot mo ito maraming mga boses na hindi inosenteng maririnig mo. Nagpipilit na maging inosente ngunit bakas sa kanilang mga tono na hindi. Maraming hindi inosente..."-- P03 Dumlao CHAPTER 16 The Psychic *DANE LEWIS SEBASTIAN'S POV* TAHIMIK lang kaming tatlo nina Kael at Sasha habang nasa labas at hinihintay si Zaf. Tulad nila hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Miracle, kahit na nararamdaman kong may kakaibang mangyayari sa kaarawan ko. Kaninang umaga tumawag sa akin si Kael at binalitang wala na si Miracle ay hindi ako naniwala pero nang marating ko ang unit ni Zaf at naabutan ko silang umiiyak ayaw man tanggapin ng buong sistema ng aking sarili pero kailangan. The first day of our friendship started I thought it'll be a normal college days, normal people in our surroundings, normal friendship and normal community but I was wrong, everything I thought normal are not. Masaya. Naramdaman ko ang saya noong mga umpisa pa lang, kahit na laging nag-aaway sina Miracle at Kael ayos lang sa akin, wala namang problema iyon pero habang tumatagal nag-iiba. Ang mga kilos, ugali lalo na ang pananalita nila napapansin kong hindi na normal tulad ng dati sa bawat pagbitaw nila ng mga salita para bang may laman ito at kahulugan na mahirap tuklasin kumbaga listen between the lines. Ilang buwan pa lang kaming magkakasama at magkakaibigan ngunit alam kong hindi iyon sapat upang makilala namin ang isa't-isa dahil habang tumatagal ay unti-unti na nilang nilalabas ang mga tunay nilang ugali. Kahit na patay na si Miracle aaminin kong ayoko sa kanya, mabait siya pero lahat ng tao may masamang ugali, siguro normal lang na kaayawan ko ang masama niyang ugali. Maganda si Miracle, maamo ang mukha na aakalain mong anghel, isang anghel na may tinatagong sungay. Noong mag-iisang buwan na kaming magkakaibigan at magkakikilala unti-unti kong nakikita ang tunay na ugali ni Miracle. Inamin niya sa aking gusto niya ako, hindi iyon alam nina Kael, Sasha lalo na ni Zaf pero imbis na tanggapin ko ang alok niyang maging boyfriend niya, tinanggihan ko ito. Dahil alam kong ilusyon lang niya na magustuhan ako. Isang ilusyon lamang. Noong tumuntong ako ng edad kinse nagbago ang lahat sa akin, akala ko sa tuwing nakararamdam ako ng parang mabigat sa aking dibdib at sumasakit ang ulo ko ay normal lang. Pero hindi, sa tuwing nararamdaman ko iyon ang kasunod niyon ay may hindi nangyayaring maganda. Nag-umpisa ito noong namatay ang Mama ko, sa hindi malamang dahilan biglang bumigat ang pakiramdam ko, iyong pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman at ang araw na iyon doon ko mismo naramdaman, kakaiba ito na sa buong sistema ng aking katawan, para bang hindi nararamdaman ng ibang tao... Mahirap ipaliwanag, dahil sa sobrang kakaiba nito. Simula noong naramdaman ko iyon ang naging kasunod niyon nasagasaan ng truck ang Mama ko, noong una akala ko normal lang, akala ko aksidente lang pero hindi dahil sa mga sumunod na araw nararamdaman ko ang pakiramdam na iyon at ang kasunod trahedya. Para akong hindi tao, tingin ko sa sarili ko isang halimaw. Nararamdaman ko na ngunit hindi ko alam kung pipigilan o kung paano ko sila ililigtas, nakakatawang isipin na para ako isang superhero na mangmang. Premonition, sabi ng isang Psychiatrist iyan daw ang tawag sa abilidad ko. Nalaman ko lang iyon noong tumuntong ako ng edad disisyete at huminto sa pag-aaral nang dahil sa nangyayari sa akin. Tinulungan ako ng tita kong nag-alaga sa akin simula noong namatay ang Mama ko. Pinatingin niya ako sa kaibigan niyang Psychiatrist, sinabihan ako ng doctor na huwag daw mag-alala dahil may dalawa o tatlo sa sampung tao na nagkakaroon ng ganitong abilidad. Walang gamot sa Premonition, ang ibang ispesyalista hindi naniniwala sa ganitong uri ng abilidad ngunit sabi ng Psychiatrist sa akin na huwag lang ako basta-basta magtitiwala sa nararamdaman ko. Noong una medyo naguguluhan pa ako sa mga sinabi niya dahil hindi pa bukas ang isipan ko sa nangyayari sa akin, nagresearch ako noon tungkol dito. Premonition is to see a future event, in essence to have a waking vision or a flash of a future event while awake. Premonition's are about feelings or senses of nervous anxiety and gut feelings that something is about to happen. So, overall Premonitions are more about having a sense or a feeling of things to come. And that's the reality stabbed me. Even if I hate it, this is the reality, this is me and the reality is f*****g killing me to accept it. Until now, there's a feeling inside my heart that I am a monster and a f*****g psychic. Noong unang araw ng klase hindi ko ginustong tabihan si Zaf, magpakilala sa kanya, maging kaibigan niya, sumama sa parte ng buhay niya at masangkot sa nangyayari ngayon. Nang dahil sa Premonition iyon, lahat-lahat dahil sa Premonition. Noong unang klase naghahanap ako ng mauupuan at nahagip ng aking mga mata si Zaf, hanggang sa bigla ko na lang naramdaman ang mabigat sa loob ko na para bang may bato sa buong sistema ng aking katawan. Premonition dahil diyan kung bakit ako tumabi kay Zaf dahil may naramdaman akong kakaiba sa kanya at hindi ako nagkamali dahil binangungot siya noon at alam kong hindi lang basta-bastang normal na bangungot iyon. Hindi ko alam kung sadya ba, nakaplano na ang lahat ng nangyari, kung dahil ba talaga sa Premonition o ang Diyos ang may gawa o baka naman kami mismo. Hindi ko alam, pero ang tanging masisiguro ko lang may nararamdaman na naman akong kakaiba ngayon. Nawala ang aking pag-iisip at nagising ang diwa ko nang biglang bumukas ang pintong nasa harapan namin, lumabas doon si Zaf na nakayuko at bagsak ang kanyang dalawang balikat. Nakaupo kami nina Sasha at Kael sa upuan na pahaba habang naghihintay sa kanya. "Zaf, anong sabi sa iyo?" Agad siyang dinaluhan ni Sasha at inalalayang maupo sa tabi niya, "Tinakot ka ba? Pinagbintangan? Zaf, magsalita ka." Sikmat niyang tanong kay Zafania ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. Nanatili lang siyang nakayuko habang nakatuon ang mga mata namin sa kanya, nasa dulong upuan si Kael na katabi ni Sasha habang ako katabi ko si Zaf, marahan kong hinawakan ang kanyang kanang kamay at naramdaman kong nanlalamig ito habang nanginginig. "Zaf," Tawag ko sa pangalan niya at naririnig kong mabibigat na paghinga ang kanyang pinakakawalan. "Anong mga tinanong sa iyo?" Maingat kong tanong sa kanya, umiling ito nang dahan-dahan habang patuloy pa rin ang malalim at mabibigat na paghinga. Ilang segundo'y naramdaman kong may tumulong tubig sa aking kamay na nakahawak sa kamay niya, sinilip ko ang mukha niyang nakayuko at nakita kong umiiyak siya. Pasimple kong sinulyapan si Sasha na napasinghap na lang nang napansin niyang lumuluha ng tahimik si Zafania. Dahan-dahan kong binitawan ang kanyang kamay nang marinig ko si P03 Gotriz na tinawag ako at ako na raw ang susunod na tatanungin ni P03 Dumlao. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at bago pa man ako pumasok sa silid kung saan naroroon ang pulis na magtatanong sa akin sinulyapan ko muna ang aking mga kaibigan at bumungad sa akin ang mga mata ni Zaf na nangungusap na para bang may gusto siyang sabihin o ipahiwatig sa akin. Bumuntong-hininga ako bago siya iwanan ng tingin at tuluyang pumasok sa silid. Hindi ako nagsayang ng oras, agad akong nagtungo sa bakanteng upuan na kaharap ni P03 Dumlao, napansin kong may isang maliit na notebook at isang maliit ding voice recorder sa mesang nasa gitna naming dalawa. Naagaw niya ang aking atensyon nang marinig kong tinaktak-taktak niya ang ballpen sa mesa habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Kalmado siya na para bang gusto niyang basahin ang bawat sinasabing emosyon ng aking mga mata sa kanya. Narinig kong tumikhim siya at inayos ang voice recorder na nasa ibabaw ng mesa. "Pangalan?" Tanong niya gamit ang malalim na boses. Suminghap ako bago sumagot. "Dane Lewis Sebastian." Pinanood ko siyang isinusulat ang pangalan ko sa isang maliit na kwaderno. Sobrang tahimik dito na ultimo pagsulat sa papel ay naririnig ko kasabay nang mahihinang pagbuntong-hininga ko. Bahagya akong sumandal sa aking kinauupuan habang iniikot ko ang aking paningin sa buong silid na ito. "Ano ang relasyon mo sa biktima?" Muli niyang tanong, napatingin ako sa kanya na hindi pa rin nagbabago ang kanyang pagtitig sa akin. Napalunok ako ng aking laway bago sumagot sa kanyang tanong. "Kaibigan." "Ikaw ba ang may kaarawan kahapon?" Tumango ako sa itinanong niya, "Isalaysay mo ang nangyari kahapon." Usal niya habang sumasandal sa kanyang kinauupuan. Umayos ako ng aking pagkakaupo at humugot nang malalim na paghinga. "Pumunta sina Zaf, Sasha, Kael at M-Miracle sa birthday ko." Bahagya akong napahinto sa pagsasalita nang banggitin ko ang pangalan ni Miracle, mariin akong napapikit at muling dumilat. Diretso pa rin ang aking mga mata sa kanyang mga mata. "Masaya ang buong maghapon, nagkainan kami at nagmovie marathon. Isang tipikal na birthday celebration, may mga pagkain, alak, laro at kasiyahan. For the f**k's sake I really can't believe that Miracle was dead." Biglang pumiyok ang aking boses nang biglang naglaro sa aking isipan ang mga masasayang araw naming magkakaibigan. Nag-iwas ako ng tingin sa mga mata ni P03 Dumlao nang tumulo ang aking luha, para kong isinugal ang aking p*********i ngayon sa kanyang harapan upang maglabas lang ng isang emosyon. Hindi ko isinalaysay ang laro namin, ang tanong ko kay Sasha na naging dahilan kung bakit sila umuwi. Hindi sa lahat ng bagay kailangan ilahad ang bawat pangyayari lalo na't kung ikaw ang may dala ng pangyayaring iyon at lahat sila isang sabit lang. Narinig kong bumuga nang malalim na paghinga si P03 Dumlao, nagpunas ako ng aking luha at muling bumaling ng tingin sa kanya. Kahit na nagpakita ako ng isang emosyon ganoon pa rin siya walang pinagbago, kalmado pa rin. "Nang umuwi sila hindi mo na alam ang nangyari?" Usisa niya. Umiling ako sa harap niya at napatango naman siya. "Nagligpit na ako ng mga pinagkainan namin at kalat sa apartment ko, pagkatapos niyon natulog agad ako." "Isang tanong at isang sagot Mr. Sebastian, wala ka bang kilalang may galit, kaaway, o pinaghihinalaang papatay kay Ms. Santiago?" Nag-igting ang aking panga nang sumagi sa aking isip si Kael, siya lang ang laging nakasasagutan ni Miracle pero imposibleng siya dahil wala siyang alam sa mga nangyayari. Bago pa man ako sumagot sa kanyang tanong muli pa niyang sinundan ng isa pang tanong na lalong nagpahirap sa akin kung paano sagutin. "Tiwala ka ba sa sarili mong walang kinalaman ang iba mong kaibigan sa pagkamatay ni Ms. Santiago?" Umayos siya ng kanyang pagkakaupo at bahagyang pinatong ang kanyang siko sa ibabaw ng mesa habang pinagsasalikop niya ang kanyang mga daliri, mas lalong naging mapanuri ang kanyang mga mata. Gusto kong isigaw sa kanyang hindi ko alam! Ayoko ng tanong na ganyan, hindi ko sila kilala o hindi nila ako kaibigan. Ngunit hindi ko magawa, dahil takasan ko man ito hahabol-habulin pa rin ako nito sa akin utak na para bang malaki ang parte ko sa kasong ito. Wala na akong takas, dahil kaming mga inosente may tiyansang pagbintangan, maging mamamatay-tao at maghimas ng rehas. Kahit wala kaming ginagawa, kahit inosente kami may posibilidad na mangyari iyon. Bumuntong-hininga ako bago sumagot sa kanyang mga tanong. "Wala akong kilalang may galit o kaaway niya, wala akong pinaghihinalang kahit sinong tao lalo na sa mga kaibigan ko." Matalim ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata. Pakiwari ko bigla akong napaos sa aking sinabi at biglang uminit ang aking dila. Ilang segundo kaming nagsusukatan ng tingin habang na nananatili pa ring kalmado ang kanyang aura. Premonition, muli ko na naman naramdaman. "P03 Dumlao, bakit ganyan kayong mga pulis? Bakit ang hilig ninyong magbintang sa mga taong inosente? Bakit ang hilig ninyong mangkulong ng mga taong walang kinalaman sa isang krimen? Bakit?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. Para akong isang paos o pipeng taong pilit nagsalita at nagtanong kung gayong alam ko ang kasagutan. Dahan-dahan siyang ngumisi na lalong tumalim ang kanyang pagtitig sa aking mga mata na para bang hindi siya nangangawit katititig sa akin. "Simple lang, dahil ang mga inosente sila pa ang mga taong may mas nalalaman, ang mga taong nakagagawa ng kasalanan ay nagmumukhang inosente dahil iyon ang maskara nila. Isang maskara na mahirap tanggalin sa kanila kung kaya't ang mga inosente ay nananatiling inosente." Nawala ang pagngisi niya at bumaba ang kanyang tingin sa mesa, sinundan ko ng aking mga mata ang bawat kilos niya at napansin kong hinawakan niya ang voice recorder. Biglang naglaro ang kanyang mga sinabi sa aking tainga lalo na sa aking utak. Nagkahalo-halo at naging mahirap intindihin na kailangan mo pang maglaan ng oras upang mabuo ang mga salitang iyon at intindihin. Pinagmasdan niya ang voice recorder na kanyang hawak. "Tulad nito, isang voice recorder. Inosenteng tignan na aakalain mong walang laman sa loob, ngunit kapag pinindot mo ito maraming mga boses na hindi inosenteng maririnig mo. Nagpipilit na magin inosente ngunit bakas sa kanilang mga tono na hindi. Maraming hindi inosente..." Tumindig ang aking balahibo sa bawat salitang pinakawalan ng kanyang bibig at sa bakas ng malamig na malalim niyang tinig. Hindi ako nagpahalatang kinilabutan sa kanya bagkus nginitian ko siya. "Wala ka na po bang itatanong?" Untag ko sa kanya. Muli siyang napatingin sa akin at umiling, ibinaba niyang muli ang voice recorder sa ibabaw ng mesa. "Makalalabas ka na." Mas lalong lumawak ang aking ngiti at hindi nakawala sa aking mga mata ang pagkunot ng kanyang noo ngunit nabawi niya agad ito. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at naglakad palayo sa kanya, bago pa man ako tuluyang makalabas sa tahimik na silid na iyon nakumpirma ng aking utak na hindi siya isang pulis. Base sa kilos niya, galaw ng kanyang mga mata at sa bawat pagmasid niya sa akin lalo na sa aking mga mata masisiguro kong hindi siya pulis. Isa siyang Psychiatrist at sa tingin ko ito ang kanina pang gustong isigaw ng kalooban ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD