Luhod, Kagawad
Si Ashley o kilalang Ash ay isang probinsyanang raketera at palengkera. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay kaya mas pinili niyang dumiskarte na lang at pasukin ang iba't-ibang trabaho na sa tingin niya ay marangal. Lahat gagawin niya para lang maipagamot ang ina niyang nakaratay sa ospital dahil sa malubhang sakit at para matustusan din ang pag-aaral ng kapatid niyang lalake sa kolehiyo.
Kilala si Knoxx bilang napaka-strikto at napaka-supladong kagawad sa barangay tago. Sikat siya sa barangay dahil sa pagiging buthiing leader niya, marami na siyang naipatayong magagandang proyekto kasama ang iba nitong kagawad at hindi magkakaila na maraming babaeng nagkakagusto sa kanya kahit pa gano'n ang personalidad niya.
Dahil sa pangangailangan na malaking halaga para mapa-operahan ang nanay ni Ash, napilitan siyang magtrabaho sa isang bar kahit labag sa kalooban niya. Nilapitan niya lahat maski ang punong barangay para mangutang ngunit nabigo siya. Hindi pa rin sapat ang nakukuha niyang sweldo at mga raket niya nang magsabay-sabay lahat ng problema. Isa lang ang naiisip niyang lapitan at 'yon ay ang suplado at istriktong kagawad.
Pero paano kung ang napaka-supladong kagawad sa barangay nila ay maka-one night stand niya? Maiwasan pa kaya niya ito kung magkapitbahay lang sila at palaging nagkakatagpo sa paliguan sa likod ng kani-kanilang bahay? At nagkakasama din sa barangay para sa isang proyekto?
To be continued...