Simula

1126 Words
“Ano na naman ba Ashley ang kailangan mo? Mangungutang ka na naman? Hindi mo pa nga nababayaran ang mga nauna mong utang!” hindi ko naituloy ang pangatlong katok ko nang marining ang boses ni Tiya Mira na mukhang wala sa mood. Bahagya akong napaatras nang marahas nitong buksan ang pinto. “P-Puwede po bang umutang ng bigas?” napayuko ako dahil sa talim ng tingin niya sa akin na para bang anumang oras ay bubugahan niya ako ng apoy. Halos hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang lukot habang salubong ang kilay. Kaya minsan mas gustong kong lumapit sa punong barangay kesa sa kanya kasi makakatanggap pa ako ng insulto at duduruin bago ibigay ang kailangan ko. Pero kailangan kong tiisin kundi mamam4tay kami sa gutom. Nakakahiya rin mangutang sa iba. Kung anu-anong trabaho na ang napasukan ko pero hindi pa rin nagkakasya sa pang-araw-araw naming gastusin lalo na kapag nagsabay-sabay ang bayarin, hospital bills, bayarin sa kuryente at pangangailangan ng kapatid kong lalake na nag-aaral sa kolehiyo. Sukong-suko na ako pero hindi puwede. Ako lang ang inaasahan ng pamilya. Kailangan kong rumaket pa at tumambay sa palengke para kahit papaano ay may pambayad sa utang kay Tiya Mira na siyang nalalapitan ko tuwing gipit ako. “Paubos na ang bigas ko dahil sa inyo! Mga pabigat! Lahat na lang nakapasan sa’kin! Hindi ba’t nakakaraket ka?! Ano?! Nasaan napunta?! Pinangkain mo?! Pinanlibre mo?! Alalahanin mo ang nanay mong nakaratay sa ospital at kapatid mong nag-aaral!” napapikit ako ng mariin dahil sa lakas ng boses niya. “Pinambayad ko po ng hospital bills kaya po—” “Iyan! Dyan ka magaling! Ang magdahilan! Akala mo hindi ko alam na pinanlilibre mo sa mga kaibigan mo? Naku, Ashley, huwag ako! Wala kang makukuha sa’kin! Punong-puno na ako sa inyo!” dagdag pa niya habang dinuro-duro ang ulo ko. “Wala na akong pakialam kung mamam4tay kayo sa gutom! Eh ‘di mas mabuti pa nga para wala ng sakit sa ulo! Mga bwesit!” napaigtad ako nang isara niya ng malakas ang pintuan. Ito ang unang beses na hindi niya ako nabigyan, siguro’y walang-wala rin siya kaya gano’n na lang ang galit at sa akin nailabas. Sa totoo lang sanay na ako sa panenermon at masasakit niyang salita pero hindi ko maitatanggi na nasaktan ako mga sinabi niya ngayon. Dapat pala sa punong barangay na lang ako lumapit. Minsan naiisip ko, bakit ang higpit ng tadhana sa amin? Na kahit anong gawin kong diskarte sa buhay ay hindi pa rin kami umuusad, mas lalong dumadami ang pagsubok at problemang kinakaharap ko. Mabilis kong pinahid ang luhang tumulo sa aking pisngi. Lilipas din ito. Huling lapit ko na rin ‘yon sa kanya. Hindi ko na kaya ang ibinabato niyang mga salita sa akin. Laglag ang balikat kong naglakad palabas ng gate nila. Napahawak ako sa aking tyan nang kumalam ‘yon. Saan na ako uutang nito? Paano ang kapatid ko pag-uwi niya mamaya? Paniguradong gutom ‘yon. Anong ipapakain ko sa kanya? Sampung piso na lang ang natitira sa akin. “Ashley!” umangat ang mukha ko at hinanap agad ang tumawag sa akin. Nginitian ko si Aleng Hera na kumakaway, nakatayo sa harap ng kanilang gate na gawa sa kahoy. “Kumain ka na ba? Dito ka na sa amin!” mabilis ang hakbang niyang lumapit sa akin. Hindi ako naka-imik at nagpatangay na lang dito nang hatakin niya ako patungong bahay nila. “Kakakain ko lang p-po,” napasunod ako ng tingin sa lalakeng naunang pumasok sa loob. Si Knoxx ba ‘yon? Bakit parang bumata ang mukha niya? Ang alam ko thirty years old na siya. “Si Knoxx po? Iyong nag-iisa niyong anak na kagawad sa barangay?” naninibago lang ako dahil ngayon ko lang siya nakita ulit. Tumango-tango siya bago kami tuluyang pumasok ng bahay. “Ah, oo, nagbakasyon ng isang buwan sa Russia at kahapon lang nakabalik.” Kaswal niyang sagot na para bang hindi namiss ang anak. Kaya pala hindi ko na siya nakikita, nagbakasyon pala. Napatingin siya sa akin nang biglang kumulo ang tyan ko. Nag-init ang pisngi ko dahil sa lakas ng tunog. Bumungisngis siya at napailing. “Ano nga ulit sabi mo kanina?” ngiting tanong niya. Napakamot ako sa aking buhok. “Alam mo para ko na rin kayong mga anak ng kapatid mo kaya huwag na kayong mahiya. Dito na kayo palagi kumain sa amin para mas marami, mas masaya.” Hilaw ko siyang nginitian. May mga tao talagang may busilak na puso unlike sa tiya kong dragon. “Dito ka muna ha? May kukunin lang ako sandali sa taas,” aniya saka niya ako pinaupo sa sofa. “Knoxx! Nandito selpon mo sa baba!” dali-dali siyang umakyat. Akala ko pa naman dadalhin niya ‘yong phone. Wala akong narinig na sumagot kaya naghintay na lang ako at sumandal sa himpilan ng upuan. Papikit na sana ako nang makita ko si Knoxx na papunta sa direksyon ko na tanging tuwalya lang ang saplot sa katawan. Sandaling nagtama ang mata namin pero ako agad ang nagbawi. Nakakailang makipagtitigan sa kanya. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Naririnig ko sa barangay na suplado at istrikto siya kaya walang lumalapit o pumapansin, baka mapahiya lang ako. Napalunok ako nang tumayo lang siya sa tapat ko. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o sa phone niya. “Do you want pasalubong?” natigilan ako tanong niya. Ako ba ang tinatanong niya? Nilakasan ko ang loob at inangat ang tingin ko sa kanya. “A-Ako?” tinuro ko ang sarili na tinanguan niya ng isang beses. Iyong kilay niya nagsisimulang magsalubong. “Ikaw, may kasama pa ba tayong iba rito? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” nakagat ko ang ibabang labi sa sinagot niya. Ang suplado nga. “W-Wala naman,” palakasan na lang talaga ng loob kapag kausap siya. Iyong tindig niya, malalaman mo agad na sobrang strict. “Iyong pasalubong na sinasabi mo, meron ba? Chocolates?” iyon lang ang sumagi sa isip ko. Kumibot ang labi niya kasabay ng pagtaas ng kilay niya. Kababalik pa lang niya tapos ako agad ang sinusupladuhan niya rito. “Mahilig ka ba ng chocolates?” wow, interesado? “I’m not interested, just asking.” Sabi ko nga nabasa niya ako. “May na-i-uwi akong chocolates pero hindi ko alam kung magustuhan mo.” “Toblerone?” tanong ko pa. Kapag kasi nakakakain ako no’n lalo na iyong dark, nakakapag-isip ako ng matino pero minsan lang din makatikim kasi ang mahal. Ipambili ko na lang bigas. “What size? Iyong pinakamahaba? Twelve inches? Dark? White? Brown?” sunod-sunod niyang tanong na ikinanganga ko. Toblerone pa rin ba ang pinag-uusapan namin dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD