Toblerone

1536 Words
Napalunok ako dahil sa paraan ng paninitig niya sa akin ng malalim. “A-Ano bang available na size ng toblerone na dala mo?” wala sa sariling tanong ko. Hindi ko alam kung tama pa ba itong pinagsasabi ko. Nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya na tila pinipigilan ang sarili na huwag ngumiti. “Hm, size? I think I only have twelve inches,” bumaba ang tingin niya sa maumbok na—shît! Iyon ba ang ibig niyang sabihin? Nilalandi ba ako ng kagawad na ‘to? “And the color? Maputi na brown.” Sunod-sunod na ang paglunok ko nang mag-angat siya ng tingin sa akin. “S-Sigurado ka bang masarap?” nag-init bigla ang mukha ko sa sinabi. “Bakit hindi mo tikman?” panghahamon nito at hinawakan ang pang-itaas na bahagi ng tuwalya. Huwag mong sabihing tatanggalin niya ‘yon sa harap ko? “Po? A-Anong pong titikman? Ah, iyong toblerone pala. Dala niyo na po ba?” kabadong tanong ko. Halatang-halata na sa boses ko ang pagiging garalgal. “Ngayon?” Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya, kung totoo bang toblerone o ang nakatago sa likod ng sapin niya sa katawan. Paano kami napunta sa ganitong usapan? Toblerone lang naman ang aking nais, bakit parang iba na? “Oo, iyong toblerone ko,” tuluyan na siyang natawa. “You’re blushing hard, Ashley.” Mahina akong umiling at nasapo ang mukha. “A-Ay, hindi naman po kagawad, na-ano lang po, nainitan.” Dahilan ko. “Gusto mo bang maligo muna bago mo tikman?” nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Naningkit ang mata niya nang tumawa na naman siya. Pinagt-tripan ata ako ng kagawad na ‘to. Hatakin ko ang tuwalya niya, eh! Nang magkaalaman na kung twelve inches ba ang toblerone niya. “Pinagt-trip-an niyo po ba ako kagawad?” lakas loob kong tanong. “Kasi kung oo, uuwi na lang po ako at maghahanap ng makakain. Wala pa po akong kain magmula kagabi.” Napahawak ako sa tyan nang kumalam na naman. Nakita ko kung paano nagseryoso ang mukha niya. Hindi ko alam na may gano’n pala siyang side, maloko. “Pinambayad mo na na naman ba sa ospital?” napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman? “Nababasa kita, Ashley.” Namilog sandali ang bibig ko sa sinabi niya. “Ah, oo, pinambayad ko kaya—” “Walang natira sa’yo? Bakit hindi ka lumapit kay nanay?” palalim ng palalim ang boses niya. Hindi ako naka-imik agad at napayuko na lang. “Nahihiya ako.” Mahinang usal ko at pinagdaop ang palad. “Ilan pa ba ang hindi mo nababayaran sa ospital?” sunod nitong tanong. “Ang Tiya Mira mo? Alam ba niya?” Hindi ko magawang sumagot nang magsimulang maglaglagan ang luha ko. Naalala ko na naman kasi ang pinagsasabi ng tiya ko sa’kin. “A-Alam naman niya pero ang sabi ay wala rin siya.” Hikbing sagot ko. Nanliliit at nahihiya ako sa kanya. Hindi sa ganitong paraan ang iniisip kong kahihinatnan ng usapan namin. “Simula ngayon dito na kayo kumain, almusal, tanghalian, merienda at hapunan, nagkakaintindihan ba tayo, Ashley?” napapikit ako ng mariin bago tumango. Sa lamig at lalim ng boses niya, mapapa-oo ka na lang ng wala sa oras. “Don’t just nod at me, Ashley, say it. Nagkakaintindihan ba tayo?” maawtoridad niyang ulit sa sinabi. “Oo, dito na rin ba kami titira?” sinalubong ko ang mga mata niya. “Biro lang po kagawad.” Pinahid ko ang luha at suminghot-singhot. “Walang problema kung dito kayo tumira,” umawang ang bibig ko sa isinagot niya. “Just tell me.” “Ahm, nagbibiro lang po ako.” Sabi ko at nagbaba ng tingin. Hindi ko ata kaya na makasama siya sa iisang bubong. Baka araw-araw akong masermonan sa pagiging strikto niya. “Anak! Wala ka bang dalang chocolate?” pakinig kong tanong ni Aleng Hera matapos ang panandaliang katahimikan. Sinulyapan ko si Knoxx na nakapikit na pinasadahan ang buhok gamit ang mga daliri. Akala ko may dala siyang chocolates? Buking tuloy, wala pala. Bumaba ang mga mata ko sa pagitan niya, baka ‘yon talaga ang tinutukoy niyang toblerone, naku naman. “I can go back to Russia just to get those chocolates,” natikom ko ang bibig nang mapatingin siya sa akin. “Twelve inches, dark, okay?” “Ha?” ang hirap naman i-spelling-in ng kagawad na ‘to. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. ”Toblerone niyo po?” Umarko ang kilay niya. “I have my own toblerone here, ‘yon ba ang gusto mo?” napamura ako sa aking isipan dahil sa sinabi niya. “Hindi magkakasya sa bibig mo, baka maduwal ka.” Nasamid ako sa sariling laway at naubo ng ilang beses. “H-Hindi po.” “Anong sabi mo? Gusto mo?” nagsalubong ang kilay niya. Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling. “Hindi po! Ah, eh h-hindi po ang toblerone niyo ang ibig kong sabihin, iyong isa po.” Anong isa Ashley? Natataranta na ako rito. Nab-blanko ang pag-iisip ko. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko. “May dalaw ba? I never heard of that, akala ko isa lang.” Takang sabi niya. “Hindi po kasi gano’n!” napalakas ang boses ko. “Hindi! Hindi—” “Oh, bakit parang nagtatalo kayo dyan?” napatingin ako kay Aleng Hera na kabababa lang sa hagdan. “Naku, pasensiya ka na hija at wala siyang dalang chocolates.” “Ayos lang po, importante po nakauwi siya ng ligtas.” Sabi ko at napakamot ng buhok. “Ayos-ayusin mo sinasabi mo,” rinig kong sabi ni Knoxx. Hindi ko siya magawang tingnan sa kahihiyan. Baka kung ano na ang iniisip niya. “Babalik ako bukas ng Russia at uuwing may dalang chocolates.” Parehas kaming napatingin ni Aleng Hera sa kanya. Hindi naman siguro siya babalik ro’n para lang sa chocolates? “Hindi pa ba tapos ang program niyo ro’n, anak? At saka magdamit ka nga, kita mong may bisita tayo at dalaga pa,” sermon sa kanya nito. “Pinaglalandakan mo pa abs mo rito.” “Bilangin mo nga Ashley,” pinalo siya ni Aleng Hera braso habang ako nakatanga. “Bibilangin lang ‘nay, kabahan ka kung ipahawak ko.” “Magtigil ka, anak, hindi pa kayo close nitong si Ashley—anak okay ka lang? Naku huwag mong intindihin ang anak kong ‘to at may pagkapilyo,” agap ng babae at natauhan nang hagudin niya ang likod ko. “Anong oras alis mo bukas?” “Hapon, balik ako after two days,” sagot ni Knoxx at imbes na sa nanay nakatingin, sa akin tumitig. “Wala ka na bang gustong pasalubong?” “Ako? Uhm, i-ikaw bahala.” Nakakahiya mag-demand. “Bukod sa toblerone ko, ano pa?” jusmey, ito na naman siya. Nakakahiya na kay Aleng Hera na natatawa ngayon. “Demand, Ashley, habang mabait pa ako.” Iyong kilalang suplado at istriktong kagawad sa barangay namin, may pagka-pilyo pala. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gusto ko. Iyon lang naman. Gusto ko lang matikman ulit. “Kahit ano, iba’t-ibang klaseng chocolates.” Mahinang tugon ko. “Maiwan ko muna kayo dyan at maghahanda ako ng pagkain natin, mamayang hapon pa naman darating ang kapatid mo Ashely ‘di ba?” tanong ni Aleng Hera na ngayon ay patungong kusina. “Opo, tulungan ko na po kayo—” napatingin ako kay Knoxx nang hawakan niya ang pulsuhan ko. “B-Bakit?” “Stay, I’m still talking to you, wag mo’kong takbuhan.” Anito sa striktong boses. Nag-iiba na ang awra niya. “Kaya ko na ‘to, hija. Usap muna kayo dyan.” Pahabol ng ale. Hindi ko nga alam paano ako nakakatagal sa anak niya. Nakakatakot na gwapo. “Hindi kita tinatakbuhan,” saad ko at tinangkang bawiin ang kamay ko ngunit hindi niya hinayaan. “B-Bitawan mo’ko.” Pagpumilit ko. Hindi siya kumibo at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak niya sa akin. “Ashley, alam mo ba kung gaano ka kagand—” napatingin kami pareho sa selpon niya. “Panira.” Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan niya ang kamay ko. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya nang umakyat siya sa taas. Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na ‘yon at dahil um-oo na ako sa kanya, doon na kami naghapunan ng kapatid ko pero hindi siya nakasabay sa amin. Kinaumagahan, habang nagwawalis sa labas ng bahay, napatingin ako sa isang kagawad na papunta sa amin. “Ashley! Pinapatawag ka ng punong barangay, punta ka raw sa barangay hall ngayon na.” Kumakaway-kaway pa niyang sabi kaya kahit mukha na akong manang, sumama na ako sa rito. Pagpasok ko sa loob ng opisina ng punong barangay, walang pag-aalinlangan nitong iniabot sa akin ang sobre na halos pumut0k na sa laman. “May nagpaabot ng tulong,” aniya saka naupo sa swivel chair. “Malaking halaga ‘yan sapat na para sa pagpa-opera sa nanay mo.” Nanginginig ang mga kamay kong tinanggap ‘yon. “Puwede ko po bang malaman kung sino?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD