Marahan kong tinampal ang mukha niya at inilayo sa akin. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo,” halos pabulong kong sabi at binalingan ng tingin ang kapatid ko. “Tapos ka na? Uwi na tayo?” Inilingan niya ako. “Maya na ate? Maaga pa naman, eh. Nanonood pa ako.” Humagikhik siya at napakamot ng buhok. Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi pa ba siya pagod? Kasi kung ako ang tatanungin, gusto ko ng umuwi at magpahinga. Pakiramdam ko nadrained lahat ng energy ko. Gusto ko na lang matulog sa dami ng nangyari ngayon araw. Iningusan ko siya at inirapan. Pagbigyan na nga kahit na palagi naman kaming nandito. “Oo nga naman, hija. Maaga pa naman. Kumain ka muna ng ice cream oh. Marami pa ‘yan sa ref—ay oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan ang mga pasalubong!” napatalon si Aleng Hera at dali-daling nagt

