Kiss

1652 Words

“Aba’y lumapit ka rito, anak!” natatawang wika ni Aleng Hera. “Yumakap ka kung gusto mo.” Nailang na ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya ako na ang naunang magbawi ng tingin. Bakit ba gano’n siya makatingin sa akin? Wala naman akong atraso sa kanya. Hindi naman ako Nakagawa ng mali—ah, baka iyong tungkol sa pagbayad ko. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga bulaklak. Kinurot ko sa may tagiliran ang kapatid ko nang marinig ko itong tumawa ng mahina. “Yakap na raw Kuya Knoxx,” bwesit na kapatid ‘to. Pinupush talaga niya sa akin si Knoxx kahit hindi ko naman gusto ang lalake. Nakakainis. “Hindi ba ate?” pang-aasar pa niya na tinawanan ng ale. Sinulyapan ko si Jarren at sinamaan ng tingin. “Tumigil ka,” pagpapatigil ko rito sa walang tonong boses. “Sasamain ka talaga sa akin.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD