?21?
[ROI -NASA PANAGINIP]
ANG huling araw ng pananatili niya sa aming mundo ang pinakamasakit na oras na dumating sa aking buhay.
Gusto kong pigilan siya sa paglisan.
Kapag tuluyan na siyang mawala, paano na ako?
Hindi ko nabatid na ganito kasakit ang magmahal.
Na ganito katindi ang sugat bawat segundo.
Ipinangako ko sa aking sarili na babalikan at babawiin ko si Maaryaa.
Ngunit sadyang ipinaghihiwalay kami ng tadhana.
Akala ko ang pag-ibig namin sa isa't-isa ay sapat na para makalaban.
Sa paglipas ng mga araw ay itinuon ko ang sarili sa pagsasanay.
Nagpapanggap na magiging ayos pa ang ngayo'y durog kong kabuuan.
Sapagka't ang buhay ko ay wala na at hindi na babalik kailanman.
Mas nagdurusa ako sa kaalamang sinaktan ko ang tanging babae na minahal ko.
Na sinubukan nitong ako'y hintayin.
Kasalanan ko ang lahat kaya siguro nararapat lang sa akin ang umiyak sa tuwing naaalala ko si Maaryaa.
''Paano kung isa sa atin ang maglaho bigla?'' Naitanong ko iyon sa kanya habang nakahimlay ang kanyang ulo sa aking dibdib.
''Kapag nangyaring ako ay mawala, babalik ako para mahalin ka lang ulit... "
Maaari ko bang panghawakan ang iyong pangako?
Kahit alam ko na niloloko ko lang ang aking sarili.
Na konti na lang mababaliw na ako.
Gusto kitang makita.
Ninanais kitang makasama.
Pakiusap bumalik ka na.
Kaya kong maghintay at madurog ng ilang pagkakataon basta lang makasama kita ulit.
Nahihirapan na ako.
Ikaw lang ang tanging buhay ko.
Ikaw lang, Maaryaa.
Hanggang ngayo'y parang naririnig ko pa din ang iyong pagtawa nang sabihin ko sayo na gusto ko ng sampung anak.
''Limang kamukha ko. At lima ka babaeng kasingganda ng aking mahal... " sa sinabi kong ito ay panay ang kurot mo sakin ngunit sinang-ayunan mo rin naman yun.
Ngunit naglaho na yun sa ngayon.
Ni sa hangin ay hindi ko na yun mahahagilap pa.
Mga ala-ala na lang ang mapait na pinanghahawakan ko.
?22?
[EER]
Kung ano ang puno ganun din ang bunga.
Hindi nga mapagkakaila na mag-ama ang dalawa.
Mang-aagaw!
Dati si Roi, kinuha si Maaryaa mula sakin.
Ngayon naman ay ang koronasyon na para sa akin ay napunta na sa bubuwit!
Sana'y pinatay ko na nang tuluyan yung bata. Hindi ko akalain na napakalakas pala ng tinataglay nitong kapangyarihan. Hindi ko man lang nakuha lahat.
Buwisit talaga!
At ang walang utang na loob na Diyos ng kaharian, pagkatapos makakita ng mas malakas sa akin, tulad ni Roi noon ay ibabasura ako nang ganun na lang? Sa tingin ba nito'y ikinagagalak ko yun?
Gaganti ako. Makikita ng mga hangal nato.
Pati ng mga engkantado dito kung sino ang nararapat maghari, ako at ako lang! Hindi ang Diyos ng kaharian! Hindi si Roi o ang anak nito!
Lubus-lubusin mo na, Lei ang nalalabi mong oras. Pagsisihan ninyong nakatagpo pa ninyo ako.
-
[LEI]
Nalaman ko na si monster Roi ay ang aking ama.
Dahil noong nakulong ako sa bilog na liwanag ay naririnig ko si ina. Sinabi nito na si ama ay ang aking kaibigan.
Kaya pala, magaan ang loob ko sa kanya.
Kaya hindi ako takot.
At kaya parang ang mga mata nito'y parang may nais iparating sa akin ngunit hindi nito magawang bigkasin.
Siguro'y natatakot si ama na hindi ko ito tanggapin!
Hindi maaaring hindi ko siya tanggapin sapagkat anu at ano pa man, sabik akong makilala siya.
Kung gaano ko siya kakahawig tulad ng sinasabi ni ina.
At totoo nga yun.
Napakadakila ni ama.
Kahit isang beses hindi niya ako pinabayaan dito.
Naramdaman ko ang pagmamahal niya.
Kaya masaya ako.
Sana'y narito din si ina. Alam kong magiging masaya ako kapag nakita kong magkasama na sila ulit.
Isang buong pamilya.
Kahit naglihim si ina patungkol sa aking pinanggalingan ay hindi ko yun ikakahiya sapagkat si ama ang pinakamabuting nilalang na aking nakilala.
Gumising ka na ama at nang maramdaman ko na ang yakap n'yo sa wakas.
Matagal ko itong hinintay.
Salamat at pakiramdam ko nabuo na ako.
-
[ROI]
Naririnig ko ang boses ni Lei at naramdaman ang dantay ng kamay nito sa aking palad
Anak ko....
Hindi pa man ako nagigising alam ko na tanggap mo na ako agad. Kaybuti mo tulad ng iyong ina. Nahubog niya ng maayos ang iyong pagkatao kahit na wala ako sa tabi mo nang mga panahon na yun.
Sapat na yun sa akin.
Ang pagmamahal ninyo ni Sherri sa kabila ng mga kakulangan ko.
Nasasabik na rin akong makita siya at ipapangako ko na hindi na ako lalayo.
Hindi na kailanman.
-
[SHERRI]
Nakatulog ako nang may luha sa mga mata.
Napanaginipan ko kasi na nagkita na ang aking mag-ama.
Nakakatuwa silang pagmasdan.
Subalit, sino yung nakaitim na lalaki na parang galit sa aking mag-ama...
Teka lang, parang nakikilala ko ito!
Tama! S-Si Kuya Eer!
Si E-er!
Anong pinaplano nito?
Hanggang ngayon ba ay gahaman pa rin ito at itim ang budhi!
Kaytagal kong naging bulag sa kanyang pagpapanggap!
Masama pala siyang nilalang.
Pinagkatiwalaan ko siya noon bilang nakatatandang kapatid ngunit sinira niya ang aking tiwala at ang magaganda naming pinagsamahan.