19 - 20

1110 Words
[SHERRI] "Si Roi ay ang ama mo, Lei... '' sa puntong ito ay napahagulgol na ako habang hawak ang kamay ng aking anak. Hindi pa rin ito gumigising. [EER] Tama ba ang nabasa ko sa bibig ng bubuwit na bata na yun na bigla na lang lumaki at nag-ibang anyo? Ama nito si Roi? Paaano nangyari yun? Yung babaeng-tao ba na kasa-kasama ni Roi ilang taon na ang nakararaan? Ang alam ko maaaring maging engkanto ang isang tao kung pareho ding engkanto ang pinanggalingan ng mga magulang nito. Ang ibig sabihin ba ay engkanto yung babae? Bigla na lang akong tumilapon nang sugurin ako ng kasama ni Roi. Sa hitsura nito na napopoot ang nagkukulay pula na mata ay nais ako nitong tapusin agad. Sa isang iglap ay nawalan nang buhay ang mga kawal. Ganito ba katindi ang kapangyarihan nito? ''Tumigil ka!" dumating ang Diyos ng kaharian. Nakangiti ito sa lalaki na nasa harap ko. Nasagot ang mga bumabagabag sa akin nang ianunsyo ng Diyos ng kaharian na may papalit na sa posisyon nito. Parang sasabog ako sa galit. Akala ko ba ay ako na ang papalit dito? Sino ang tinutukoy niya? Si Roi? E malapit na ngang mamatay ang hangal na yun. Hindi na ito makakapamuno pa dahil ubos na ang kapangyarihan nito. Patunay nito ang pagbabalik ng anyo nito. ''Siya ang papalit sa akin!'' Itinuro nito ang lalaki na may sungay sa noo. Ang anak ni Roi. Pumalakpak naman ang lahat. Mga wala silang kuwenta! Mga hangal! Akala ng Diyos ng kaharian, magiging tapat ang hunghang na anak ng karibal ko. Hindi ako makakapayag! Paanong sa isang iglap, ito ang kokoronahan? Ramdam ko ang pauyam na ngisi ng lalaki habang ito ay umaakyat ng entablado at tumabi sa Diyos. Hindi ko na kayang pagmasdan ang kahangalan na to! Baka mapatay ko silang lahat nang wala sa oras. Kailangan kong bumuo ng plano. [ROI - NASA PANAGINIP] Ito ang mga ala-ala namin ni Maaryaa. Ayoko na sana maalala o masilayan pa. Kung paanong pinilit ako ni ama na pakasalan si Naree - anak ng kaibigan nito. Isa itong engkantada na matagal nang nagkakagusto sa akin at ang alam ko ay konti na lang ang nalalabing oras ng buhay dahil may kung anong sakit ito na hindi na gagaling pa. Sa isip ko, babalikan ko si Maaryaa kung sakaling mawala na si Naree. Wala akong pakialam kung tanging awa lang ang kaya kong ibigay sa ipinakasal sa akin. Wala nang mas lalabis pa doon. Ni hindi ko ito kayang hawakan dahil iba ang tinitibok ng aking puso. Nang naghihingalo na ito ay sinabi nito na maaari ko nang sundin ang nilalaman ng aking damdamin. Humingi din ito nang tawad sa akin. Pinalipas ko muna ang mga araw bago ako umalis at nagpaalam kay ama. Habang daan ay naririnig ko ang mga pinag-uusapan ng mga engkanto. ''Ang dinig ko naghihintay na lang daw ng mga huling sandali si Prinsesa Maaryaa... '' "Kawawa nga e. Iniwan nang minamahal kaya gumamit ng lason" Gusto kong magngalit dahil walang katotohanan ang sinasabi ng mga ito. Pagkarating ko ng palasyo nina Eer ay marami ang nangagkasuot ng puti sa labas at maging sa loob. Ang lugar ay parang nababalot nang pighati. Sa tarangkahan ay nagtagpo ang landas namin ni Eer. Kamuntik akong matamaan nito ng patalim na umaapoy kung hindi lang ako maliksi. Mabilis akong tumakbo sa loob kahit na maraming humahabol sa akin lalo na si Eer. Gusto ko lang makita si Maaryaa. Sa pangatlong silid na kulay ubas ako tuluyang napadpad. Pumasok ako roon at tumambad sa akin ang nakahigang babae. Mukha lang itong natutulog. Ang mga labi nito na dati ay kulay rosas ngayon ay wala nang kabuhay-buhay. ''M-Mahal ko? Nandito na ako. Binalikan kita. Maaari mo na aking yakapin. Hindi na tayo magkakaway pa. G-Gumising ka na.'' Naglaglagan ang kinikimkim kong emosyon at naging luha. Naroon pa rin sa daliri nito ang singsing. Hindi kailanman naalis. Marahil pinrotektahan nito. Alam kong matagal niya akong hinintay ngunit nabigo ko siya. ''Nandito na a-ako. Gumising ka, ano ba?!" Lumuhod ako sa gilid nito saka isiniksik ang aking mukha sa leeg nito habang walang ampat ang aking pagluha. Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko lang siya pinabayaan. Sinaktan ko siya. -20- [ROI] Nang mga oras na yun pakiramdam ko ay handa na rin akong pumanaw. Wala na si Maaryaa. Ano pa ang silbi ng pananatili ko? Agad akong inilayo at hinawakan ng mga kawal nina Eer. Blangko ang mga mata nito nang magsalita. ''Umalis ka na habang kaya ko pang alalahanin na minsan kitang naging kaibigan Roi. Umalis ka na ngayon din at huwag ka nang lalapit dito kahit na kailan!" "Bakit Eer? Minahal ko nang totoo ang kapatid mo... '' ''Minahal ko rin siya!" Halos hindi ko maunawaan ang nais nitong iparating. ''P-papaano? Kapatid mo s-siya... '' inilabas nito ang espada at itinuon sa kanang bahagi ng aking leeg. "Hangal! Hindi ko siya kapatid! Kung hindi ka sana niya nakilala, may pag-asa sana na ako ang minahal niya. Paanong hindi mo napansin na may gusto ako kay Maaryaa? Sa bawat pag-uusap natin, siya ang bukambibig ko. Siya lang Roi ngunit inagaw mo siya sa akin. Hindi lang siya ang sinaktan mo kundi pati ang pagkakaibigan natin. Namatay siya nang dahil sa lintik na pagmamahal niya sayo walanghiya ka!" Iwinasiwas nito ang espada at hinanda ko na ang sarili sa pagtama nun ngunit narinig ko na lang ang malakas na pagbagsak nun at mga yabag palayo. Iminulat ko ang mga mata saka napaluhod. Wala akong alam na ang kaibigan ko ay lihim na nagmamahal sa akala ko'y kapatid nito. Walang sinabi si Maaryaa sa akin. Nang magkawalay kami ay hindi ko na ito nahanap sa gubat bagkus ay isang sulat ang naiwan sa akin na tinatapos na ang aming pag-iibigan. Tiniis kong hindi na makita si Maaryaa dahil nasaktan ako. Pakiramdam ko ako'y napaglaruan. Na wala akong halaga rito. Kaya pumayag ako na ikasal sa iba kahit pa ipinagluluksa ko yun. Kung maibabalik ko lang ang lahat. Hindi na ako nagpakilala kay Maaryaa. Tatanawin ko na lang siya mula sa malayo. Wala sana akong nasaktan. Hindi ko sana nararamdaman ito. Patawarin mo ako Eer. Nagmahal lang ako ng babae na iniibig mo rin. Mabigat ang aking loob nang mapagpasyahan ng Diyos ng kaharian na ipatapon ako sa malayo at pinagbawalan ako ng pamilya ni Maaryaa na masulyapan ito bago mawala ang katawan nito. Nagalit ako sa aking sarili. Nagalit ako sa lahat ng mga dahilan na sana'y naagapan ko ang lahat. Buhay pa sana si Maaryaa ngayon at marahil ay masaya kahit na hindi kami nagtagpo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD