Kabanata 37

2961 Words
Aikelle's POV Zander Clarkson Thomas. Hindi ko siya kilala, pero may something sa awra niya that tells me to run. Para bang sinisigaw ng pagkatao niya na wala siyang ibang hatid kung hindi kapahamakan. Nang makita niya akong nakatingin sa kanila, inirapan niya ako. Ghad, may sira yata yun sa ulo! "Clarkson, bakit patay yung kuko mo? Pwahaha! Anong nangyari diyan? Pfft!" Pigil ang tawa ni Nurse Sab habang hawak ang kamay ni Zander. Kaagad namang binawi ni Zander ang kamay niya. "Shut up!" Tapos ay tiningnan niya ako nang masama. Napaiwas naman ako ng tingin. Oo na nga, ako na ang may kasalanan! Hindi dapat ako nakiki-tsismis sa kabilang kama, pero hindi ko kasi mapigilan dahil napaka-ingay nila. Tumingin ako uli kay Zander tapos doon sa kuko niya na patay raw, tapos sa mukha niya ulit. Pero nagulat ako nang nakatingin din siya sa 'kin. Nagtitigan kami ng ilang segundo tapos ay sabay kaming umiwas ng tingin. s**t, ang bilis na naman ng t***k ng puso ko pero dahil sa pangamba. Nai-intimidate ako sa presensya niya. May sakit na yata ako sa puso! Tumagilid ako ulit at tinalikuran siya. Nahihirapan akong huminga. Nagiging abnormal ang puso ko. Why? "Aikelle, ayos ka lang? Ang bigat ng paghinga mo," Nurse Sab asked. Ipinikit ko ang mga mata ko. "Ayos lang ako, Nurse Sab." Kahit hindi. Bakit ko ba nararamdaman 'to? Hihikain ba ako? 'Wag naman sana! "She is... not fine," rinig kong sabi ni Zander. "Sabrina, unahin mo na siya. Go." Lumuluha na ang mga mata ko kasi nahihirapan na talaga akong huminga. Hindi na biro 'to. Yung pagod ko siguro kahapon, yung pain na kinimkim ko sa nasaksihan ko kahapon tsaka yung nararamdaman ko kanina na biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Baka yun na nga ang dahilan kaya hinihika na naman ako ngayon. "Clarkson, dito ka lang! Tatawag ako ng doktor!" rinig kong sigaw ni Nurse Sab. Hindi ko na marinig ang paligid. Basta ang alam ko, sobrang sikip ng dibdib ko. Hinihingal ako. Para bang pagod na pagod ako. "Aikelle, relax." May humawak sa kamay ko. "s**t, bakit bigla kang hinika? Wala ka bang dalang nebulizer?" Hindi ako makasagot. Tumataas-baba ang dibdib ko sa mabilis na paghinga ko. Para akong sinasakal. Ang hirap huminga. "Maykel..." I managed to call my brother. Siya lang ang kasama ko sa tuwing inaatake ako nito dati. "M-Maykel... h-help me." Naramdaman ko na may inilagay sila sa bibig ko. Ramdam ko ang pagdaloy ng hangin papasok dito. Unti-unting lumuluwag ang paghinga ko. "Aikelle." Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Come on, Aikelle, open your eyes." Iminulat ko ang mga mata ko. Blurred. "Aikelle! Naririnig at nakikita mo ba ako?" Kumurap ako ng dalawang beses. Si... Zander? Sobrang nag-aalala ang face niya. For real? Ang supladong iyon? Nagwo-worry sakin? "Ayos ka na ba? God, you're making me worry too much. Aatakihin ako sa puso sa 'yo eh," he said in relief nang makitang maayos na ang kalagayan ko. "You should rest," aniya pa bago pabagsak na umupo sa kabilang kama at napabuga ng hangin. Nung makita ko ang mukha niya na hindi maipinta at sobrang mag-aalala sakin, nagtaka naman ako bigla. Bakit alalang-alala siya sa 'kin na para bang importante ang kaligtasan ko sa kanya? Something, really, is off about him. Maya-maya pa ay mayroong isang babae na tumakbo papasok sa clinic. Hingal na hingal siya dahil sa kamamadaling pumasok dito sa loob at saka lumapit sa akin. She checked up on me, on my whole being, na tila ba tinitingnan kung buhay pa ako. Saka siya nakahinga nang maluwag nang makitang gising ako at nagtatakang nakatingin sa kanya. "Oh, you're okay," hinihingal niyang sambit at saka napaupo sa stool na nasa tabi ng kama ko. Nagtataka ko siyang pinagmasdan. Nakikita ko siya sa klasrum namin kaya alam kong magkaklase kami, pero never pa kaming nagkausap. Alam ko lang na ang pangalan niya ay Akira Kawahara. Tumunog iyon sa akin dahil kakaiba ang pangalang iyon, pero hindi kami close at magkakilala para mag-alala siya nang todo sa akin to the point na takbuhin niya ang clinic mula sa klasrum to check on me. Nakita kong nang napaangat ang ulo ni Akira at napatingin sa katabi kong kama, namilog ang kanyang mga mata na tila ba nakakita ng multo. "Zander?" naibulalas niya. Napatingin ako kay Zander at bakas din sa mukha niya ang pagkabigla. "Kawahara? What are you doing here?" tugon ng huli. Apparently, mag-schoolmates sila sa previous school nila kaya sila magkakilala. Wow, small world. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nang hikain ako. Sinabi ko kay Nurse Sab na 'wag ipaalam kay Kuya Maykel ang nangyari sa 'kin, lalong lalo na sa Mom ko. Dahil kung hindi, baka hindi ako payagan ni Kuya Mayk na mag-trabaho and worst baka pabalikin ako sa mansyon. Ayoko nga! Sabado bukas at walang pasok. Maghahanap na kami ng work ni Karla. Yes, ngayon lang. Kasi ayaw talaga akong mag-trabaho ni Karla nung malaman niya ang nangyari sa 'kin. Dinramahan ko lang siya. "Pasok na nga tayo! Ma-late pa tayo niyan, eh." "Oo na. Basta yung sinabi ko, ah? 'Wag na 'wag mo nang lalapitan yung lalaking iyon at sabi mo he looks dangerous! Aikelle, makinig ka nga sa 'kin. Naku!" pagpapaalala ni Karla sa akin kay Zander. "Tse! Alis na! Shoo," taboy ko sa kanya. "Bakit mo 'ko pinapaalis? Classmates kaya tayo, duh." "Oo nga pala! E 'di tara na." Sabay kaming pumasok ni Karla. Nakangiti lang ako sa lahat ng dinaraanan namin. I feel unbelievably good today. Pagkarating namin sa classroom, wala pang teacher. Kaya naman naghintay pa kami ng ilang minuto sa mga upuan namin. Nang makarating si teacher, napansin kong tulog ang katabi ko. Kinalabit ko siya. "Huy, kuyang natutulog." Inalog alog ko pa yung braso niya. "Nariyan na yung teacher. Wake up." Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at nilingon ako at sinamaan ng tingin. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makilala ko siya. Zander. "Tss!" Tumayo siya at nakipagpalit sa kaklase namin na malayo sa 'kin. So, katabi ko ngayon ay isang lalaking cute. Mukha siyang bata. Hindi ko na lang pinansin si Zander. Baka sinusumpong na naman. "Hi! I'm Martin. Martin Ferrer." "Hello, Martin! I'm Aikelle Gordon." Nanlaki yung mga mata niya. Ah! Lahat na lang nabibigla sa apelyido ko! "Hmm, hindi naman ako nangangagat, Martin." Medyo natawa siya pero hindi pa rin nawala ang pagkabigla. Grabe! Sinusumpa ko talaga ang apelyido ko. "Ilang taon ka na? Mukha kang fourteen," sa wakas ay sinabi niya. Napangiwi na lang ako kasi hindi ko alam kung insult ba yun o compliment. "Tulad nung new student. Para kayong fraternal twins," dagdag pa niya at itinuro ang direksyon ni Akira Kawahara. Whoa, dahil ba pareho kaming kinulang sa height? Napaka-bastos! "Ikaw rin, mukha kang grade one," sabi ko sa kanya. Napayuko naman siya. "Joke! Grade ten." Natawa na lang siya sa 'kin. "Akala ko masungit ka kasi sobrang yaman niyo. Okay ka naman pala," natatawang sabi niya. Nginitian ko lang siya. "Mag-sixteen palang ako. Maaga kasi akong nag-aral plus pinag-jump ako kasi daw alam ko na yung mga lessons sa senior high." "Edi matalino ka? Wow! Ang bata mo pa pala talaga kaya naman mukha kang totoy," sabi ko kaya kinailangan kong takpan ang bibig ko dahil kusa iyong nagiging offensive. "Mukha ba talaga akong totoy?" "Oo eh. Sorry, ha. Pero totoo." Napangiti na lang siya sa 'kin at pareho na kaming nakinig sa teacher. Sa wakas naman may bago na akong friend. "Anyway, Martin, you can call me Ate." "A-Ate?" "Oo! Big sis!" Napakamot siya sa batok niya. "Mukha ka lang naman fourteen, eh." Nag-pout lang ako sa kanya. Ang hard niya sa 'kin. Sinasaktan niya ako nang hindi niya namamalayan! 'Pag kinulang sa height, bata na, gano'n? Ilang subjects na ang natapos at lunch time na. Walang duty ngayon si Karla kaya naman kasama ko siyang nag-lunch. Syempre, kasama din namin ang new friend ko, si Martin! "Ako na ang o-order para sa inyo," nakangiting sabi ni totoy este Martin. "Ano sa 'yo, Aikelle?" "Chocolate lasagna at chocolate drink," I smiled at him, "Kaya mo bang buhatin? Sasamahan na kita." "No, kaya ko." Tumingin naman siya kay Karla na nakatutok sa libro. "Uhh, ate Karla, ano pong gusto niyo?" Hindi sumagot si Karla. Naka-focus lang siya sa librong binabasa niya. Naku! "Blueberry cheesecake na lang sa kanya tsaka pineapple juice," sagot ko kay Martin. "Huh? Ano yun?" biglang sabi ni Karla na nakataas ang dalawang kilay. "Order mo raw. Libre niya." Sabay turo ko kay Martin na nagulat pero nangiti na lang din. "Blueberry cheesecake tsaka pineapple juice," nakangiting sabi ni Karla. "Thank you, Martin." "I told you," sabi ko kay Martin na tumawa lang. Ang tahimik ng isang 'to eh. "Ibibigay ko na lang yung bayad ko later." "No, it's okay. Treat ko." Umalis na siya kaya naiwan kami ni Karla dito. Sinarado niya yung book na binabasa niya at nginitian ako. "Kahawig niya si Cedrick, Kelle." "Sino?" "Si Martin na classmate natin!" "Eh sinong Cedrick?" "'Yung crush ko. Naalala mo? Yung katext ko lagi." "Ahh, yung may girlfriend na!" I smirked. Inirapan naman niya ako. "Bakit hindi ka na lang kay Martin? Magkahawig naman sila!" "Naku, ang bata kaya nun." Sakto naman ang pagdating ni Martin. Isang tray lang ang dala niya. Inilapag niya sa table namin at inilagay sa harap ko yung plate ng chocolate lasagna ko at chocolate drink. "Thanks!" I smiled tapos ay kumuha ng fork ko. Tinusok ko ang lasagna ko at tiningnan si Martin. "Martin!" "Hmm?" Tiningnan ko ang order niya. Pizza. Tapos ay tiningnan ko siya. Umiinom siya ng cold water niya kaya hindi siya makasagot. "Single ka ba?" Napaubo tuloy siya dahil doon at naibuga ang iniinom niyang tubig. "Grabe, Martin! Talagang sa 'kin mo pa binuga!" reklamo ni Karla na pinupunasan ang uniform niya. Tawa naman ako nang tawa. Naibuga kasi ni Martin kay Karla yung iniinom niya ng dahil sa itinanong ko. Ang epic nung face nilang dalawa! Grabe! "Ano nga, Martin?" "Ah, eh, oo. S-Single nga ako." I smiled. "Talaga?" "O-Oo. Bakit?" Tiningnan ko si Karla. Sinamaan niya ako ng tingin. "Wala lang!" Sabay tumawa ako. Tinawag si Martin ng isang kaklase namin pagkatapos kumain. Tawag daw siya ng teacher namin. Kaya naman umalis na siya at naiwan kami ni Karla dito. "Uyyy! Ano na? Si Martin na ba ang crush mo?" Inirapan niya ako. "Cedrick." "Kahit may girlfriend?" "Oo." "Kahit masakit?" "Oo." "Kahit mahirap?" "Oo." "Kahit wala kang pag-asa?" "Oo." "Kahit crush mo si Martin?" "Oo—what?" Tawa lang ako nang tawa. Sarap din pag-tripan nitong si Karla, eh. Nakakatawa talaga! Ngunit natigilan ako nang makarinig ng malakas na boses na umalingawngaw sa cafeteria. "Zander naman eh! Huy!" Napalingon kami sa sumigaw. Lalo na at Zander pa ang pangalan na narinig ko. Napataas ang kilay ko nang nakita kong may isang babaeng nakapulupot sa paa ng Zander! What the hell? "Argh! Get off of me if you don't want me to punch you!" iritableng sabi ni Zander. "Please! Zander! I really really like you!" sigaw pa ng babae. Ano siya, si Carly Rae Jepsen? "Tatlong segundo. Bibigyan kita ng tatlong segundo para lumayo sa 'kin. Kung hindi, magpaalam ka na sa mukha mo!" inis na inis na wika ni Zander. Mukhang wala talaga siyang sinasanto. "Isa...dalawa..." Napalunok ng laway ang lahat ng tao rito nang hindi pa din umalis yung girl. "Tatlo!" Hinila niya patayo yung babae at akmang susuntukin niya ito nang sumigaw ako. "Stop!" naibulalas ko nang dahil sa takot ko na totohanin niyang suntukin ang babae. Napunta sa 'kin ang atensyon ng lahat. Si Zander naman, napatingin sakin nang masama tapos ay binitawan yung girl. Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Kelle! Ano ba!" pagtawag sa 'kin ni Karla pero hindi ko siya pinansin. Nilapitan ko lang yumg babae at hinawakan ang braso niya. "Never beg for someone's affection, okay? Just stop so you won't get hurt," nag-aalala kong sinabi. Nag-nod naman sa 'kin yung babae kaya binitawan ko na siya. "Everyone! Gusto kong malaman ninyo na walang pwedeng dumikit kay Zander. Because..." I bit my lower lip at tiningnan si Zander. Nakatingin lang siya sa 'kin nang seryoso. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tiningnan na lang ang lahat ng estudyante dito. "Because?" atat na tanong nila. "Because... b-because..." Huminga ako nang malalim. Something's weird about him, so I don't think they should be involved in him. "Zander is mine. Okay? Mine!" Hinila ko papalapit sa akin si Zander na gulat na gulat. Maski ako ay nagulat nang dahil sa ginawa ko pero itinuloy ko na lang. Nag-tip toe ako kasi masyado siyang matangkad at dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa kanya. I closed my eyes para ma-feel ko yung moment. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Our lips met. "Oh my God, Karla, kill me now! Oh, please! Anong mukha na lang ang ipapakita ko sa kanilang lahat... lalo na kay Zander! Nakakahiya!" Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Grabehan! Gumawa ako ng scene! "Mag-mask ka para hindi nila makita yang mukha mo! Siguradong trending kayo ni Zander sa site ng school natin!" natatawa pang sabi ni Karla. "Ano ba'ng sinabi ko sa 'yo? Layuan mo siya, 'di ba? Napakatigas ng ulo mo." Napabalikwas ako. "Site? Anong site?" "May site ang school natin. Www.hiltonuniversity.com ang pangalan." "What? Nasaan ang laptop ko?" "Nariyan sa drawer." Kinuha ko kaagad iyon at nag-connect sa wifi. Sinearch ko kaagad yung website. Hot Issue: ZanElle's Kiss Zanelle? What the heck! Binuksan ko ito at nakita ko ang pictures namin ni Zander na nakalapat ang mga labi namin. Pareho kaming nakapikit at feel na feel yung moment na yun! Damn, panaginip lang 'to. Hindi 'to totoo! Nakakahiya! Nagbasa ako ng comments. Anonymous999: Cute! Bagay sila! Bertud06: Waah! I love this love team! Chenes5: Papa Zander! Huhu! John22: Sayang! Chicks pa naman si Aikelle. Lyndeljk: Tayo ang bagay, Aikelle. Tsk, tsk. Cherrylungs: "Zander is mine." - Aikelle. Kyaah! Kilig much! Nakita niyo ba yung scene nila kanina? Pabagsak akong humiga sa kama. Ano kayang mangyayari sa Monday? Grabe na 'to! Gaga ka kasi, Aikelle. Gaga ka! "Ikaw gumawa niyan, tapos gaganyan-ganyan ka!" pang-asar sa 'kin ni Karla. "Pero in fairness, Aikelle, may chemistry!" "Chemistry?" "Hindi, Physics!" Then she rolled her eyes. "Kanina ko lang sa cafeteria napansin. Bagay na bagay kayo. As in, dati akong hater ni Zander, pero nung makita ko kayo kanina. Nako! Kilig na kilig ako!" "Talaga, Karla? Hindi ka ba nilalagnat lang?" Umupo ako at hinawakan ang mukha niya. "Natuwa ka naman? Pero may chemistry nga! Perfect couple kayo kung nagkataon man." "Edi boto ka na rin sa kay Zander?" "Slight. Hihi! You look perfect together. Para bang mga puzzle piece kayo kaya kapag magkasama kayo e nabubuo yung puzzle! Ganun kabongga!" Medyo gumaan ang pakiramdam ko pero madami pa rin yung kaba. Hay! Monday, sana 'wag ka nang dumating! "Pero si Martin ang manok ko, ha?" "Manok ka riyan! Si Cedrick nga ang crush ko." "Sus! Martin na 'yan!" "Hindi nga kasi." "Tingnan natin." I smirked at her. Napailing na lang siya. "Good night, Karla. Maaga pa pala tayo bukas." "Kaya nga. Good night." Saka na siya lumabas ng room ko. Humiga ako at ipinikit ang mga mata ko. Nag-flash bigla sa utak ko yung kiss namin ni Zander. Kyaah! Yung puso ko! Shet! Limang segundo nang nakalapat ang mga labi namin. Nakalapat lang ang mga ito pero yung puso ko, gustong-gusto nang sumabog sa sobrang tuwa! Hindi ba siya magagalit? Hindi niya ako itutulak at susungitan? O kaya naman baka suntukin ako nito! Tumunog bigla ang bell kaya napahiwalay ako sa kanya. Nagsi-alisan na rin ang mga estudyante pero nakatingin pa rin sa 'min. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan si Zander. Ganun din siya sa 'kin. Naramdaman ko na lang ang paghila sa 'kin ng kung sino. "Kelle, hindi tayo pwedeng ma-late." It's Karla. Nakatingin lang ako kay Zander habang hila ako ni Karla. Nakatulala lang si Zander. Naiwan na siya doong mag-isa niya pero parang wala siya sa sarili niya. Shit, what have I done. Napangiti na lang ako sa katangahan ko. Si Zander, nahalikan ko at hindi man lang siya pumalag. Ano'ng ibig sabihin no'n? Nandito kami ngayon sa isang book shop. Mas okay raw ako dito kahit mababa ang sweldo. Bawal daw kasi akong mapagod. "Aikelle... hmm... Thomas! I'm Aikelle Thomas." Maliit lang ang book shop na ito at mukhang luma na ang mga libro. Mga second hand na books ba. "'Wag ka nang mag-pass ng kung ano pa. Mag-start ka na bukas!" "Talaga?" Halos kasing-edad lang ni Kuya yung girl na nag-i-interview sakin kaya naman komportable ako. "Oo, kasi ang cute mo!" Tapos kinurot niya ang pisngi ko. "Nakwento ka sakin nung little bro ko! Sikat ka raw sa school niyo! At ako, sinusuportahan ko ang love team niyo ni Zander!" Napangiti na lang ako. Nakatulong pa pala ang ginawa ko kahapon kay Zander? "Salamat, ha. Salamat talaga. Hayaan mo, pagbubutihin ko ang trabaho ko." "Kahit 'wag na! Picture tayo dali!" "Ehh?" Matapos naming mag-picture nang maraming beses umalis na rin kami. Sinabi niya lang na every five PM ang duty ko sa shop hanggang ten PM. Tapos every week may sahod kami. Astig 'di ba! Sunod naman kaming naghanap ng trabaho para kay Karla. Pero mahirap kaya bumagsak kami sa isang burger machine. Mataas-taas naman ang sahod doon which is really good. Tapos every week daw sahod. Nice! Umuwi ako sa bahay na pagod na pagod kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko at hindi na kumain kasi wala naman akong makakain. Di ako marunong magluto! Tapos si Karla ay umuwi na muna sa kanila. Nakakapagod ang araw na ito. Mag-isa pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD