Aikelle's POV
LUNCH. Nandito kami ngayon ni Karla sa may field, sa ilalim ng puno. Dala namin ang lunch trays namin. Dito namin naisipang kumain. Bukod sa tahimik na, ang sarap pa ng simoy ng hangin!
"Kelle, baka gabihin na ako sa pag-uwi. May duty ako sa library eh. Mauna ka na, ha?"
"Why? Hintayin kita. Para may kasama ka sa pag-uwi."
"Hindi na, Kelle. Ganung oras ako lagi umuuwi. Nasanay na kaya ako. Mauna ka na, okay?"
"Sige na nga! Ba't ba kasi ang sipag mo! By next week, dapat may work na ako."
"Sabay tayong maghanap!"
Natapos kaming kumain ni Karla at nagkwentuhan na lang kami. Tapos bigla na lang siyang pinatawag kaya naiwan ako rito mag-isa. At dahil mahaba pa ang oras ng lunch, nag-decide akong ibalik yung tray at pinagkainan namin tapos ay naglakad lakad muna ako sa campus.
Karla is a very kind child. Noong una ko siyang makilala, ang pamilya niya ang una niyang ipinakilala sa akin. Isang matandang babae ang nakahiga sa sahig ang bumungad sa amin nang makarating ako sa bahay nila para sa isang report na by pair sa klase. Mukhang naghihingalo na ito. Tapos si Karla, nakaupo sa tabi nung matanda, hawak niya ang kamay nito.
"Tara na sa hospital, 'Nay."
"Hindi na, anak ko. Oras ko na siguro talaga."
"'Nay, hindi. Ako ho ang bahala sa gastusin."
"Hindi na, Karla. Masaya na akong makita kita rito."
Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Karla. Nakita ko na naman siyang umiiyak sa pangalawang beses.
"'Nay, kung gusto mo, dito na lang ako mag-stay hanggang sa gumaling kayo. Lumaban kayo. Paano na lang ang mga kapatid ko kung mawawala kayo?"
"Karla, ang tatay mo, wala siyang kasalanan. Hindi siya mamamatay tao at wala siyang ginagawang masama. Hindi siya nanloko ng ibang tao. Lagi mong tatandaan yun, ah. Kahit na ano pa ang sabihin nila."
"Nanay, hindi po. Hindi po ako naniniwala sa kanila."
"Hindi mo ba nabalitaan? Ang tatay mo, tinapos na nila ang buhay niya kahapon."
Lalong naiyak ang mga tao sa loob. Kahit ako naiiyak na rin sa scenario.
"N-Nay, wala na si tatay?"
"Kaya nga susunod na ako sa kanya, anak. Mag-iingat ka lagi, ah. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo."
"Nay, mahal na mahal ko kayo."
Para namang tinusok ng karayom ang puso ko nang makita siyang humagulgol. s**t, malinaw na sa akin ang lahat. Hindi nga biro ang pinagdadaanan niya.
"M-Mahal na mahal ka rin namin..." Nahirapan na sa paghinga ang nanay niya. "..anak, mas masakit pa ang m-mararamdaman mo kapag nalaman mo ang...t-totoo."
"Anong totoo?"
"Ang..."
Natapos na ang buhay ng nanay niya. Lalo namang lumakas ang iyakan sa loob. Lalo na si Karla. Napatakip ako ng bibig ko at hindi na namalayan ang pagtulo ng luha ko.
"'Nay, hindi ko kailangan ng pera! Okay lang ako ritong tumira sa iskwater habang buhay! Basta kasama ko kayo. 'Nay! Gumising kayo! Dito na lang ako, kasama kayo. Aalagaan ko kayo. Ilalabas pa natin sa kulungan si Tatay!"
Nagwawala na si Karla noon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko, sobra akong nasasaktan. Pareho lang din kami ng sitwasyon. Ramdam ko siya.
Tumakbo na ako paalis sa lugar na ito. Patuloy lang din sa pagtulo ang mga luha ko. Si Karla... ang palangiti kong kaklase na parang walang mabigat na pinagdadaanan. May ganitong klaseng buhay pala siyang itinatago.
Ang nanay at tatay ay mahirap lang. Nakulong ang tatay niya at tinapos na ang buhay. Ang nanay naman niya ay binawian na ng buhay, ngayon lang. Naiwan ang mga kapatid niya na walang magulang.
Pagdating ko sa taxi upang umuwi na lang muna, hindi ko napigilang maiyak.
"Miss, sobra-sobra yung bayad mo kaya hinin--umiiyak ka ba?" Hindi ko sinagot si Kuyang driver at sumakay na lang sa passenger seat. "Saan po?"
"H-Hilton University."
"Sige po." Pasilip-silip siya sakin kasi umiiyak pa rin ako. Umiiyak na nga ako, nakiki-tsismis pa siya!
Naalala ko na naman yung pagwawala ni Karla kanina sa bahay nila. Naiyak na naman ako. Ngayon ko lang siyang nakitang ganoon dahil sobrang hinhin din niya. "Ang sakit, Kuya. Ang hirap."
"'Wag mo na lang isipin. Ang bata mo pa, umiiyak ka na sa lalaki. Ang mabuti pa, mag-aral ka na lang nang mabuti," wika ng driver na akala mo ay alam niya ang tinutukoy ko. What lalaki?
"Kuya, ang sakit sakit kasi eh, kahit ikaw siguro maiiyak," tanging nasabi ko.
"Tahan na. Madami pang lalaki riyan."
Gusto kong matawa sa mga advice ni Kuya driver. Nakarating kami sa school at tumahan na rin ako. Pero nang makita kong nagsilabasan na ang mga estudyante, nagpahatid na ako sa bahay.
Alas otso na ng gabi. Katatapos lang naming kumain ni Karla nagkukwentuhan na lang kami rito sa sala.
"Saan ka ba kasi nagsusuot? Hindi ka pa pumasok kanina!" singhal niya sa akin.
"Adventure, Karla," tanging tugon ko. Dahil sa kakaalala ko ng mga alaala namin noon, nawala sa isip ko na may pasok.
"Adventure ka riyan!"
"Oo nga kasi. Nag-discuss na ba kayo kanina? May na-miss ba ako? Wala pa naman, 'di ba?"
"Attendance! Naku!"
Habang nagkukwentuhan ay bigla kong naalala yung lalaki na nakita ko kanina sa cafeteria. Biglang sumagi sa isip ko kung saan ko siya nakita before. Tama ako, sa bar! Nagpakilala siya bilang si Jay Ford.
"Karla, may kakilala ka bang Jay Ford?"
"Jay Ford? Oo. Isang mabait tsaka isang nakakatakot."
"'Yung nakakatakot... ano ang meron sa kanya?"
"Gwapo yun, mayaman at.. nakakatakot talaga. Lalo na yung tingin niya. Ang alam ko, scholar siya rati rito pero ngayon, may nagpapaaral na sa kanya." Tumingin siya sa akin. "Interesado ka ata?"
Umiling ako, "Natatakot ka sa kanya?"
"Oo. Narinig ko na kasi iyon na namahiya at nanigaw ng tao. Lalo na babae na tinitilian siya. Nakakatakot talaga! Tapos, ang sungit sungit pa. 'Di raw 'yon nangiti, eh. 'Yun lang ang alam ko. Kilala mo ba siya?"
Umiling ulit ako. "Matulog na tayo, Karla. Nakakapagod ang araw na ito."
Nagpunta na siya sa kwarto niya at naiwan akong mag-isa rito. Pabagsak akong humiga at pumikit. Hindi pa ako inaantok.
Nagising ako at tiningnan ang phone ko kaagad. May text si Karla na nauna na siya sa school kasi naatasan daw siyang mag-ayos para sa flag ceremony araw-araw.
Seven AM palang naman kaya hindi ko kailangang magmadali. Naligo kaagad ako at nagbihis. Tapos nilagyan ko ng maliit na bandage ang pisngi ko. Naka-uniform na ako ngayon. Long sleeves 'to kaya nakatago ang mga galos ko sa braso na gawa ng pagkabangga ko kahapon sa isang puno nang dahil sa pagkawala ko sa sarili habang naglalakad-lakad.
Bumaba ako sa kusina at nakita ang nakahandang almusal. Ang sipag talaga ni Karla, ano?
Matapos kong kumain, nagtatakbo na ako palabas. Syempre, nag-lock na rin ako. Nag-abang ako ng taxi pero nang may lalapit na sa akin, may tumigil na kotse sa harapan ko. Kulay puti itong limousine. Bumukas ang bintana sa likuran at bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Maputi, makinis, guwapo. At mukhang mabango! Deja vu?
"Sakay."
Pumamewang ako. "May pambayad ako ng taxi, ano." Inirapan ko siya at lumayo sa sasakyan niya.
"Alas otso na. Dalian mo na. Sakay."
"Bakit ba?"
"Ituturo mo ang daan papunta sa Hilton."
"Tinuro ko na kahapon, ah!"
"Iba ang driver ko ngayon."
I rolled my eyes. Kung hindi lang ako nagmamadali, sasapakin ko na 'tong Jay Ford na 'to. Tsk! Balik pagka-suplado na naman siya. E he was trying to flirt with me sa bar noon?
Binuksan ko ang pinto at umupo sa tabi niya.
"Ano, palilipatin mo 'ko?" inis na tanong ko. Inirapan lang naman niya ako. Tinuro ko na ang daan kay Manong hanggang sa nakarating na kami. Bago ako bumaba. "'Wag ka nang magpapalit ng driver bukas!" At pabagsak kong isinara ang pinto. Akala niya siya lang ang marunong mag-suplada?
"Aray! Damn!"
Napalingon ako kaagad sa kanya. "Anong nangyari?"
Inis na bumaba siya at hinipan-hipan ang kamay niyang naipit. Tapos ay sinamaan niya ako ng tingin.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya. "Sorry na. Ikaw kasi eh." Hinipan ko ang daliri niyang naipit. Nakatingin lang naman siya sa 'kin nang masama. "Masakit pa ba?"
Inirapan niya ako at tumingin sa ibang direksyon. Kaya naman patuloy ako sa pag-blow. Nag-toothbrush naman ako.
"Gagana kaya sa 'yo 'to?" bulong ko sa sarili ko. Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa daliri niya.
"A-Anong ginagawa mo?" Binabawi niya ang kamay niya pero pinigilan ko siya at sinamaan ng tingin.
Ibinalik ko ang tingin ko sa daliri niya at unti-unting inilapat ang lips ko sa daliri niya. "There. I already kissed it. Masakit pa ba?"
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa 'kin na nanlalaki ang mga mata niya. Doon ko lang na-realize ang ginawa ko. Binitawan ko kaagad ang kamay niya at tinalikuran siya.
"Papasok na ako. Salamat sa paghatid."
Nang makalayo na ako sa kanya, napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog nito. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Okay ka lang?" Isang lalaki ang humawak sa braso ko. Hindi ako kaagad nakasagot kaya tinulungan niya akong maglakad, kahit wala namang masakit sa 'kin. "Hmm, anong nangyari?"
"W-Wala. Wala 'to." Nakaakyat kami ng stairs. Hanggang sa nakarating kami sa tapat ng room ko. "Salamat."
"Wala yun. Anyway, I'm Cedrick."
"Aikelle. Sige, pasok na ako."
"Sige. Una na ako."
Nang makaalis na siya, pumasok na ako sa room namin. Nakakunot ang noo nung teacher nang makita ako.
"You're twenty-five minutes late, miss Gordon!"
"S-Sorry, ma'am."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay lumapit siya sa 'kin.
"Namumula ka. May sakit ka ba?" Hinawakan niya ako sa braso at inalalayang maglakad, "Tara sa clinic." What?! Umakyat ako rito para lang dalhin ako sa clinic?
"No, ma'am, I'm okay."
"Okay ba 'yang itsura mo? Halika."
Wala akong nagawa kung hindi magpakaladkad sa teacher namin papunta sa clinic. Pagdating doon, pinaupo niya ako sa isang bed doon at kinausap ang nurse.
"Nurse Sab, itong estudyante ko, namumula o. Nilalagnat ata."
"Sige po, ako na ang bahala."
Kinausap ako nung Nurse Sab. Mabait ito at palangiti. Tinanong niya ako ng kung anu-ano.
"Allergies?"
"Uhh, yeah. Ice cream. Pero I didn't eat some."
Tumango-tango siya. "Hindi ka naman na mainit kaya wala kang lagnat. Anong nangyari?" Yung ngiti niya napalitan ng isang mapang-asar.
"Wala, ah. Sabi ko naman kay ma'am, I'm okay eh. At wala akong sakit. Pero dahil excuse naman ako, lulubusin ko na." Humiga na ako sa kama at pumikit. "I'll sleep, Nurse Sab. Wala ba kayong kumot?"
"Nakakatuwa ka talaga, Aikelle." Tapos ay pumasok siya sa kwarto. Pagbalik niya, naramdaman kong kinumutan niya ako.
"Thanks," sabi ko habang nakapikit at hinila ko na ang kumot pataas. Ang lamig dito sa clinic eh. Hindi kasi kalakihan pero may malaking aircon. Oh, di ba? Bongga! Sarap matulog.
"Sleep well. Maya-maya, darating na yung suki ko rito."
"Introduce me to him or her later. I need to sleep. Good night!"
Hindi naman na nagsalita si Nurse Sab at nag-ayos na lang nung mga gamit niya. Ako naman, nakapikit lang at hindi makatulog. Hindi sanay ang katawan ko sa maliit na bed.
Narinig kong bumukas ang pinto ng clinic.
"Thomas, away na naman! Hindi ka ba nagsasawa?"
"...."
"Gusto mo talagang nilalayuan ka ng mga tao, ano!"
"...."
"Nurse Sab! Pagamot ang batang ito! Hindi na makalakad sa sobrang bugbog!"
"Yes, Mrs. Cruz. Ako nang bahala."
"Salamat. Thomas, ha! Pumasok ka pagkatapos ng lunch."
Umalis na ata yung teacher at naiwan sa loob si Thomas. Nakapikit lang ako at hindi lumilingon.
"Nandito na pala ang suki ko. Diyan ka na sa bed dyan. Gagamutin ko 'yang sugat mo."
"Tss!"
"Tulog na siya. Ipapakilala sana kita sa kanya. Maganda siya, Clarkson. Baka magustuhan mo."
"...."
Ano 'tong Clarkson Thomas na 'to, pipe? O ahas? Tss lang any alam sabihin eh. Grabe!
Humiga siya sa tabing bed ko kung saan ako nakatalikod. Narinig ko lang ang tunog na may humiga sa bed. Narinig ko rin ang mga yabag ni Nurse Sab papalapit doon.
"Lagi ka na lang napapaaway. Hindi na talaga matutuwa sa 'yo si Tito Cris. Kapag pinag-hinigpitan ka nun, bahala ka."
Magkakilala sila personally?
"Isa pa, anong nangyari sa... n-nanay mo?"
Napamulat ako ng mga mata. Nanay?
"Shut up, Sabrina! It's none of your business!"
Nang marinig ko ang boses na iyon, bigla akong napaupo at napalingon sa dalawang nag-uusap.