Aikelle's POV
Buong buhay ko noon ay sanay ako na madali ang lahat. Ngunit may isang mahirap para sa akin noon, ang mabuo ang pamilya namin. Buo naman kami, pero madalang na lamang kaming magkita-kita sa bahay dahil abala sila... but I was really grateful na buhay ang aking ama noon.
Ngunit nagbago ang lahat isang araw. My mother cheated on my Dad. Nang dahil sa sama ng loob, inatake sa puso si Dad at nahulog sa hagdan. He died on the spot.
Dahil doon, talagang yung galit ko sa aming ina ay lumaki nang lumaki. Lalo na nang malaman kong patuloy pa rin niyang kinikita yung bago niya kahit pa wala pang isang buwan nang mawala si Dad.
Then I decided to move out. Ayokong makasama pa si Mom sa iisang bubong.
Kaya nandito kami ngayon ng friend ko sa kwarto ko. Bukod sa mga kaibigan ko na ka-banda ko, mayroon pa akong isang malapit na kaibigan talaga na talagang kasanggang-dikit ko.
Naglalagay na ako ng mga damit ko sa maleta at lilipat na ako ng bahay. Sa mas maliit na bahay. Kahit saan, 'wag lang sa mansyon ng mga magulang ko!
"Alam mo, Cams, hindi mo kasi kilala si Mommy. Nakukuha niya lahat ng gusto niya at ayokong matulad kay Kuya Maykel, ano!" paliwanag ko sa kanya. Napailing na lang siya.
She's Camille De Leon. Close friend ko siya kasi business partners ang parents namin. Well, mabait naman at totoo iyan sakin. Nakakainggit nga 'yan, eh. Kasi 'yung parents niya, hindi katulad ng parents ko na ginagamit ang mga anak sa kanilang business! Paano ba naman, nag-iisa nilang anak si Camille. Takot lang nilang mag-rebelde 'yan.
"Sabagay, Kelle. Kawawa ang Kuya mo at natali siya nang maaga. Kakaiba talaga ang parents mo!" Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Talagang kakaiba ang parents namin. Kasi they don't care about us. Para sa kanila, mga bagay lang kami na gagamitin nila para lang lalo silang yumaman. "Sayang at hindi sa 'kin ipinakasal ang Kuya mo. Masaya siguro kami ngayon. Hihi."
I rolled my eyes. May pagnanasa kasi 'yan sa Kuya ko. Grabe kaya ang iyak niyan nung malaman niyang ikakasal na si Kuya sa iba. Luka-lokang babae!
"Hindi ko ma-imagine na sister-in-law kita. Tapos tatawagin kitang Ate? Ate Camille? Eww!" Isinara ko na ang maleta ko at pabagsak na humiga sa kama.
"Bagay kaya! Tsaka mas matanda naman ako sa 'yo kaya oks lang 'yon! Ano, deal?" Binatukan ko lang siya at inirapan. I swear nababaliw na ang babaeng ito! "Aray! Wala kang modo sa asawa ng Kuya Mayk mo!"
"May asawa na siya, uy. Ano ka, kabet?" Dumapa ako sa kama at tinakpan ang dalawang tenga ko. "Umuwi ka na nga. Inaantok ako. Mamaya mo na ako balikan."
Hinampas niya ako ng unan sa ulo ko tapos ay hinila paalis ang kamay ko sa tenga ko." Bye, little sis! Puntahan ko lang ang Kuya Maykel mo!"
"Aah! Nababaliw ka na!"
Bumaba ako ng hagdan habang bitbit ng isa naming maid ang maleta ko. Sinalubong naman ako ni Kuya Maykel, kasama ang asawa niya. Hindi sila nakatira dito, pero pumunta pa rin sila, para lang makita ako bago lumipat ng bahay.
"Kuya!" Yumakap ako sa kanya nang sobrang higpit. "Bibisitahin niyo ako lagi, ah."
"Of course." Naghiwalay kami at nginitian niya ako. "Mag-iingat ka roon, ah. Gusto mo bang sendan kita ng guards?"
"No, Kuya. Kaya kong mag-isa." I smiled at him. "Si ate Candice na lang ang isipin mo." Tapos ay niyakap ko rin si ate Candice.
"Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka, ah?" Tumango lang ako kay ate Candice. Mabait naman ang napangasawa ni Kuya Mayk, lalo na sa akin. Kaya okay lang sa 'kin na ikasal sila, kasi feeling ko, bagay sila at balang araw, matututunan din nilang mahalin ang isa't isa. Tinanggap na lang din kasi nila ang kasal nila. Kasi alam naman nilang wala na silang magagawa. "Kapag may problema ka, puntahan mo ako sa bahay. Madaming alak dun!" Sabay kaming natawa.
Ang bahay na tutuluyan ko ay hindi malayo rito sa mansyon dahil ayoko pa rin namang mawalay sa mga kapatid ko. Gusto ko nga sanang isama sa akin si Kelvin ngunit alam kong mas safe siya rito sa mansyon.
Nagpaalam na ako sa kanila. Sinabi ko kasi na dahil umpisa na 'to ng pagiging independent, 'wag na nila akong ihatid.
"Thank you, ate! Ingat din kayo ni Kuya Mayk, ha. Tsaka ano pala, gusto ko na ng pamangkin."
"Aikelle!" Suway nilang dalawa na tinawanan ko lang. Then, sumakay na ako sa taxi na tinawag ng guard.
Bumaba na ako sa tapat ng bahay na nabili ko. Nagbayad na rin ako kay Manong, pero bago pa ako makapasok ng bahay, may pahabol pa si Manong!
"Narinig ko ang tungkol sa pag-alis mo sa mansyon ng mga Gordon. Kakaiba ka talaga, bata."
Naku, si Manong, nakiki-tsismis pala! Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Pagpasok ko sa bahay, sinalubong ako ng very bestfriend ko. Si Karla. She is my best friend, next to Camille.
"Best! Ang laki ng bahay mo!" manghang sabi niya. "Ayun, naayos at nalinis ko na ang buong bahay. Kanina pa kasi kita hinihintay eh. Akala ko nagbago na ang isip mo."
Napailing na lang ako. Hindi pa kasi nakakapunta si Karla sa mansyon. Hindi kasi siya tanggap ni Mommy bilang friend ko. Kasi daw mahirap lang siya. Nakakainis, 'di ba? Pati ba naman pakikipag-kaibigan ko.
"Uy, Karla! Dito ka matutulog tuwing weekdays para may kasama ako, ah? Ayos lang ba?"
"Oo na. Hahayaan ba naman kitang mag-isa rito."
Tinulungan niya akong ipasok ang maleta ko sa kwarto ko at inilagay sa cabinet ang mga damit.
"Paano ang Lolo mo?"
"Kasama niya ang Ate ko. Dalaw na lang ako roon paminsan minsan. Tsaka doon naman ako tuwing weekend, 'di ba?" tugon niya na ikinangiti ko. She really loves me!
Siya si Karla Mae Valdez. Bestfriend ko siya simula nung grade seven. Scholar kasi siya sa school namin. Pero dahil nagkasakit ang Lolo niya at na-hospital, naka-ilang absent siya at bumagsak siya sa ilang subjects dahilan para mawalan siya ng scholarship. Kaya naman lumipat na siya ng school. Private school pa din naman, pero mas mataas ang tuition. Mas sosyal ang mga estudyante, dinaig pa nga niya ako. Matalino kasi siya at nakakapasa siya sa mga scholarship test kaya madali siyang nakakapasok sa mamahaling school. Ang maganda pa, libre ang lahat sa na-applyan niyang scholarship. As in. Allowance, tuition, lahat. At doon ko balak pumasok sa darating na pasukan.
Umupo ako sa kama ko matapos namin mag-ayos. May kalakihan naman ang buong bahay. Dalawa ang kwarto. Sakto lang ang laki ng living room at kusina. May tatlong palapag na hagdan paakyat sa kwarto tapos yung banyo ay pinagigitnaan ng dalawang kwarto. Tapos yung garahe, malaki naman. Kasya ang isang kotse. Sakto ang kotse na dala ko na iniregalo pa sa akin noonX Then, may malaking garden din sa likuran ng bahay.
"Yung damit mo, naayos mo na?"
"Yep!" sagot niya habang nagti-text.
"Hoy, sino naman ang katext mo?"
"Si Cedrick. Hehe. Crush ko."
"Kaya pala medyo kilig ka riyan." Tinawanan lang niya ako at bumalik na sa pagti-text. Isiniksik ko naman ang ulo ko at nakibasa. "Kasama ko girlfriend ko eh. Okay lang ba?" basa ko sa text tapos ay tiningnan ko siya. "Girlfriend? Aww!"
"Baliw. Crush lang naman eh. Crush." Tapos ay itinabi na niya ang phone niya. "Next week na ang pasukan sa school namin. Bukas pa lang ako mag-e-enroll."
"s**t, ako rin pala, Karla. May scholarship pa ba? Baka pwede pa akong mag-apply? Wala pa akong work eh."
"May isa pang slot, Kelle. Ni-reserve ko para sakin, matagal na. Biglaan ka kasi eh."
"Ayos lang, Karla. Sa 'yo na lang yun. Teka." Kinuha ko naman ang phone ko at dinial si ate Candice. Mabilis naman niya itong sinagot.
(Aikelle!)
"Ate, may problema!"
(Oh, ano?)
"Pera. Pautang."
(Ang isang Aikelle Gordon, nang-uutang ng pera? Unbelievable! Cand, pera daw? Sige kamo. Walang problema. Osige raw, sabi ng Kuya mo.)
"Pakisabi I love you! Sa 'yo rin, ate! Thank you! Pautangin niyo lang ako habang wala akong work!"
(Sus! Independent daw, wala pa palang work! Hahaha. Sure, Aikelle. Kuya mo na bahala sa school mo. Sa school daw ba ng friend mo? Hilton University? Tapos bigyan ka niyang allowance habang wala ka pang work.)
"Thank you, thank you!"
(No prob. Sabi ko naman sa 'yo, pag may problema! I'm here lang with your Kuya Mayk.)
"Sige, ate. Yung request ko, ah?"
(Anong request? Meron pa?)
"Oo, pamangkin. Hahaha! I love you, ate and kuya! Ciao!" Saka ko pinatay na ang tawag.
Sigurado akong sinumpa na ako ng dalawang iyon sa mga isip nila. Sarap asarin! Ang cute kasi nila together.
"Buti ka pa, isang tawag mo lang, okay na. Grabe kasi, Kelle, ba't kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo."
Nginitian ko na lang siya. Alam niya ang sagot doon pero sabi niya, mas gusto niya daw na ganun ang sitwasyon niya, wag lang makitang naghihirap ang mga mahal niya sa buhay. The best talaga si Karla pagdating sa pamilya. Pero magkaiba kami eh. Mas gusto ko yung naghihirap kami at walang pera basta ba magkakasama kami at masaya kaysa sa madaming pera, watak-watak naman.
After a week..
Naimulat ko ang mga mata ko at kaagad na napaupo sa kama. Anong oras na? Pagtingin ko sa phone ko, seven-forty five AM na! Eight AM ang pasok namin! Damn.
Nabasa ko ang ilang messages ni Karla na buksan ko raw ang pinto. Kanina pa raw niya ako ginigising. Tumakbo ako papunta sa pinto at binuksan ito.
"Grabe! Akala ko hindi ka na gigising! Maligo ka na kaya? Male-late na talaga tayo!"
"Sorry, Karla! Sorry! Bawal kang ma-late, 'di ba! Ang mabuti pa, pumasok ka na. Sunod na lang ako."
"Sigurado ka ba?"
"Oo, sige na. Ingat ka, ah!"
"Sige, ikaw rin. Salamat."
Dumiretso na ako sa banyo at naligo na. Minadali ko ang lahat para mabilis matapos. First day of school, late ako? My ghad, Aikelle! Ikaw na talaga!
Hindi pa ako nagsuot ng uniform. Medyo pasaway here. Tapos ay nagmamadali akong lumabas ng bahay at nag-lock, saka ako tumakbo palabas ng subdivision at naghanap ng taxi. Pero walang lumalapit sa akin! Damn.
Naghintay pa ako ng ilang minuto. Mag-bus na lang kaya ako? Akmang lilipat na ako sa kabilang side nang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Mamahaling sasakyan. Parang yung mga sasakyan lang sa mansyon.
Bumaba yung bintana sa passenger seat at bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Maputi, makinis, guwapo. Naka-shades ito at diretsong nakatingin sa 'kin. O baka hindi sakin?
"Miss." Bumalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ako. Phew. Muntik nang tumulo laway ko roon, ah! Ang gwapo pa naman ng boses. "Alam mo ba yung Hilton University?"
"Ako?" Sabay turo ko sa sarili ko at lumingon sa likod ko, pero wala namang tao. "Ako nga."
"So... alam mo?"
"Hilton University. Hmm, yeah."
"Good. Sakay."
"A-Ano?"
"Sakay. Late na ako, for Pete's sake!"
"Ano ako, alila mo?"
I rolled my eyes at him at lumayo na sa kotse nila. Tinatapunan lang naman niya ako ng masamang tingin. But who cares? Siya kayang utusan ko nang ganoon, papayag siya?
"Damn! Bakit ba hindi mo alam yung school ko? Kaya nga ako nagpa-drive kasi hindi ko din alam. Ugh! Magtanong ka pa riyan!" rinig kong sigaw niya. Duh. Ang lakas kaya. May pagka-masama ang ugali ng lalaking 'to. Porke papabol, ganyan na!
Hindi ko na sila pinansin. Late na rin kasi ako. Hindi lang late, late na late!
Nag-abang pa ako ng taxi pero, tangna, ayaw talaga akong lapitan! Ano bang problema nila?! Tiningnan ko ang oras sa phone ko at mag-a-alas nuebe na. Pakingteyp. Ano pang aabutan ko? Naku naman oh!
May tumigil na namang kotse sa harapan ko.
"Ipapahatid kita sa kung saan ka man pupunta. Basta ituro mo sa 'kin yung school."
"Hilton University?" Ah! Ang tanga ko! Doon ang punta ko! Dapat kanina ka pa pumayag. Tanga mo, Aikelle. "Sige, tara."
Pumasok ako sa likod, sa tabi niya. Pero pinaalis ako! Grabe, ang sama talaga ng ugali. Kaya naman dito ako sa tabi ng driver. Itinuro ko ang daan papunta sa Hilton's. Kaya naman nakarating kami kaagad.
"Pasok na ako. Ikaw, magpahatid ka na sa kung saan ka man pupunta." Saka niya ako inirapan at bumaba na ng car. Tiningnan ko si Manong, ngumiti lang naman siya sa 'kin.
"Manong, dito rin ang punta ko. Thank you sa ride!" Tsaka na rin ako bumaba ng car.
Tumakbo na talaga ako. Malaki ang school at sobrang lawak. Hindi naman ito ang unang beses na nagpunta ako rito kaya hindi na rin ako maliligaw. Nalagpasan ko na rin yung lalaking masungit. Hindi kami nagpansinan. Ano pa nga ba?
Nagpunta ako sa office. Tatlong katok bago ako pinagbuksan. Pumasok kaagad ako kasi nagmamadali ako. Mukhang wala na akong mapapasukan na subject, eh.
Inenspeksyon muna nung principal ang itsura ko at nagulat nang mapagtanto kung sino ako.
"Miss Gordon!"
"Ako nga po." Saka ako nag-bow. "Pwede ko po bang makuha yung schedule ko?"
"Maupo ka." Naupo ako sa couch at tiningnan lang siya habang may hinahanap siya sa drawer. "Pare-pareho lang ang schedule ng mga high school dito."
Inabot niya sa 'kin ang schedule ko. "Opo, salamat po." Kaya ko rin kinuha itong schedule, para malaman ang room ko. "Alis na po ako."
Patakbo akong nagtungo sa building namin. Halos madapa pa nga ako sa kakamadali eh. 12-A ang section ko. Sabi ni Karla, lahat ng section A ay nasa pinakataas. Kaya ibig sabihin, sa pinakataas pa ako. Habang tumatakbo sa hallway, chineck ko ang phone ko. Four minutes na lang at ten na ng unaga! Tiningnan ko uli ang schedule ko. Ten to ten-thirty AM, break time. Halos magwala ako rito sa hallway nang mabasa na break time na pagtapak ng ten. Pagkatapos kong magtatakbo rito para lang makaabot sa klase?
Wala akong nagawa kung hindi bumaba na lang ulit para kumain. Kasabay ng pagbaba ko sa stairs ay ang pag-ring ng bell at paglabasan ng maraming estudyante.
Lintek na buhay 'to. Ang malas ko! Dapat pala hindi na ako pumasok ngayon. Ano pa kayang kamalasan ang mangyayari sa 'kin ngayong araw?
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Nagmadali akong kunin ito sinagot ang tawag.
(Aikelle, hindi ka pumasok? Pasaway ka talaga!)
"Nasaan ka? Kakarating ko lang sa school. Wala akong mahanap na taxi. Grabe!"
(Ano? Kararating ba kamo?)
"Oo nga. Bingi lang?"
(Nasa library ako. Kita na lang tayo sa classroom, Kelle. Classmates tayo.)
"Really? Osige! Hindi ka kakain?"
(Hindi na. Duty ko ngayon sa library. Tsaka mamayang uwian. Para sa katatagan ng scholarship ko 'to.)
Hindi na ako nag-usisa pa. Ang sipag talaga ng bestfriend ko!
"Pagdala kitang foods dyan, you want?"
(Bawal, Kelle, eh. Ayos lang ako. Salamat.)
"Water?"
('Wag ka nang mag-abala. Sandali lang naman ako rito. May ginawa kasi yung may duty talaga.)
"Osige na nga. See you later. Bye!" Saka ko na pinatay ang tawag upang hindi na makaabala pa sa kanya.
Pumasok ako sa cafeteria. Ngayon ko naramdaman ang gutom. Hindi pala kami nag-almusal sa kamamadali. Kawawa naman ang bestfriend ko, hindi pa kumain!
Kumuha ako ng tray at saka ako kumuha ng ng dalawang chocolate lasagna at nag-order ng isang chocolate drink. Pagtingin ko sa mga tables, walang bakante.
So, ano ka ngayon, Aikelle?
In-scan ko ang mga nakaupo sa bawat table. Baka may kakilala ako. Alam niyo na, share! Baka pwede akong maki-share. Pero nabigo ako. Wala akong kakilala rito. Ano ka, Aikelle, si Karla lang kakilala mo rito.
Naglakad lakad ako sa cafe at naghanap ng mga table na kokonti lang ang nakaupo at may na-spot ako! Isang pamilyar na tao! Nasa pinakadulo siya kaya 'di ko siya kaagad napansin. Kumakain siya na parang walang tao sa paligid.
"Hoy! Pa-share!" sigaw ko sa kanya saka umupo sa tapat niyang upuan. Sinamaan niya lang ako ng tingin pero hindi naman umimik at nagpatuloy na lang sa pagkain. "Thank you!"
Hindi ko pansin yung mga estudyanteng nakatingin sa amin. Bakit ba sila tumitingin? Hindi naman ako maingay, ah? Naistorbo ko ba sila?
"Bago ka lang din ba rito?" tanong ko sa kanya habang ngumunguya. Ang sarap talaga ng order ko! Tiningnan ko siya pero patuloy lang siya sa pagkain ng carbonara niya. "Masarap ba 'yan?"
Inangat niya ang ulo niya. Masama na naman ang tingin niya. Okay, I'll shut my mouth na. Wala bang maka-kwentuhan dito?
Ilang sandali pa, uminom na siya ng juice niya. Nakatingin lang ako sa pagbaba at pagtaas ng adams apple niya.
"You stare too much," inis na sabi niya. "Leave my table."
"Ba't ako? Tapos ka nang kumain, ikaw ang umalis." Nagpatuloy ako sa pagkain ng lasagna ko. Sobrang sama naman ng tingin niya sa 'kin pero hindi ko siya pinapansin. Kaya naman padabog siyang tumayo at nilisan ang table. Better.
Rinig ko ang konting bulungan ng mga estudyante. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
"Gordon pala siya, kaya pala!"
I rolled my eyes. Issue na naman ang pagiging Gordon ko. Bakit ba kasi sobrang yaman ng pamilya ko?
Pero habang nakatingin ako sa pigura ng lalaking nakatalikod at naglalakad paalis, bigla kong naalala na parang nakita ko na siya before. Hindi ko maalala, pero parang sa bar?