Aikelle's POV
Jay Ford... how could I forget about him? Isa siya sa bullies na parating nakakabanggaan ng mga kaibigan ko sa dati kong buhay. Pero dahil bago na ang buhay ko ngayon, everything had changed. Pinutol ko na ang koneksyon ko sa lahat, at kinalimutan ko na ang lahat.
Naalala ko tuloy ang buhay ko noon nang dahil sa biglang pagsulpot ni Jay Ford sa buhay ko na naman. Guguluhin na naman niya ang payapa kong buhay.
Nagsusuklay ako ng buhok ko nang biglang bumukas ang pinto. Sumulyap ako roon at medyo nainis nang makita si mum na pumasok dito sa kwarto ko.
"My God, Aikelle! Your room is such a mess!"
"It's my design," sarkastiko kong sagot habang sinusubukang ipitan ang buhok ko. Tumayo ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ang imperfect messy bun na ginawa ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko si Mom na sinipa-sipa ang mga gamit at damit na nakakalat sa sahig.
"Ipapadala ko rito si Manang Pasing para maglinis. Please naman, Aikelle. Kadalaga mong tao, yung kwarto mo parang binomba ng ilang beses!"
Patuloy akong hindi umimik. Hinayaan ko siyang magsalita nang magsalita doon hanggang sa magsawa siya. Bahala siya sa buhay niya. Nagtungo ako sa walk-in-closet ko at pumili ng susuotin kong damit. First day ko palang naman sa bago kong school kaya hindi na muna ako magsusuot ng uniform. Tsaka, dadaanan ko pa 'yung band ko sa bar. Hindi naman pwedeng mag-perform ako na naka-uniform ako. Tiyak na babansagan ako ng mga yun ng isang mabuting estudyante. Mga ulol, eh.
"Magbibihis na ako. Hindi ka pa ba tapos?" Naiinis na sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa 'kin. Towel lang ang tanging telang nakayakap sa katawan ko. Ibig sabihin, hindi pa ako bihis. Plus the fact na malapit nang mag-alas otso. To think na seven ang pasok ko.
Bumuntong-hininga siya. "Bilisan mo ang pagkilos mo. Kanina ka pa hinihintay ni Jairus sa baba."
Lumabas na siya ng kwarto ko at naiwan naman ako ditong hindi makapaniwala. Si Jairus? Wtf. Kailan pa nakabalik ang gagong yun?
Binilisan ko ang pagbihis. Binitbit ko na rin ang shoes ko at naglakad pababa ng hagdan nang nakatapak habang isinasabit ang bag ko sa magkabilang balikat ko. Nakangiti naman akong pinagmasdan ni Jairus.
"Kailan ka pa nakabalik?" I asked habang nauupo sa isang sofa at isinusuot ang shoes ko.
"Sixteen hours and twenty minutes ago. Na-miss mo naman ba ako?" nang-aasar na tanong niya. Matapos kong itali ang sintas ng sapatos ko ay hinarap ko siya kaagad.
"Hindi ba obvious na hindi?"
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ang sakit mo pa ring magsalita," natatawang wika niya. "Hatid na kita sa school mo?"
Tatanggi sana ako kasi may iba pa akong lakad kaso biglang dumating si Mo at umepal.
"Sumabay ka na kay Jairus, Aikelle. Wala ang mga driver natin ngayon." Tss. I can drive! Tumingin siya kay Jairus. "Jairus, hijo, ingatan mo si Aikelle. Nag-iisa lang na babae 'yan."
Walang nagawa si Jairus kung hindi nangiti na lang. Sandali siyang sumulyap sa 'kin bago siya sumagot.
"Oo naman po, Tita. Wala po kayong dapat na ipag-alala."
"Mabuti kung ganoon, hijo."
Bago pa humaba ang magiging usapan nila, lumapit na ako kay Jairus. "Aalis na kami, Mon." Then, hinila ko na siya palabas ng mansyon. Sabay kaming sumakay sa car niya at pinaharurot na ito paalis.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Pasulyap-sulyap sa akin si Jairus na para bang nag-aalala na siyang ikinainis ko.
"I'm fine. No need to worry."
Tuluyan siyang napatingin sa 'kin.
"Is it about her?"
"About who?" iritable kong tanong sa kanya. "She's dead. Matagal ko nang pinatay ang mga alaala niya sa akin."
"But she is your sister."
"D*rn it, Jairus! Wala akong kapatid na babae!"
"Aikelle-"
"Stop the car! Bababa na ako!"
"Pero-"
"I said stop this f*cking car!"
Wala siyang nagawa kung hindi ihinto ang sasakyan at itinabi ito. Binuksan ko ang pinto nito at lumabas at saka ko pabagsak na isinara. Padabog akong naglakad palayo sa kotse niya. D*mn it. Bakit kailangan niya pang ungkatin ang nakaraan?
Kinuha ko ang phone ko mula sa bag ko at tinawagan si Annie. Isang ring palang ay sinagot na niya ito.
(Sa wakas, nagising na rin ang mahal na prinsesa! God, Aikelle! Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo!)
"Annie Arellano, wala ako sa mood pakinggan ang mga reklamo mo sa buhay."
(Oh. Relax! Papunta ka na ba rito? Naka-limang kanta na kami, wala ka pa rin.)
"Puntahan niyo ako rito. Ngayon na. Ite-text ko sa 'yo kung saang lugar ito. Bye."
(Teka-) I ended the call at tinext ko kaagad si Annie. Naglakad-lakad ako habang hinihintay na dumating sila. Sinisipa-sipa ko na lang yung batong madadaanan ko. Nawawala rin ako sa sarili ko. Paulit-ulit na isinisigaw ng utak ko ay: D*mn it. D*mn it. D*mn it.
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Hindi ako iiyak. This is not so me.
"I'm Aikelle Gordon, brave and... awesome," pagkumbinsi ko sa sarili ko.
"Hindi mo kailangang lokohin ang sarili mo," Inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang lalaki na nakasandal sa pader. May hawak siyang yosi at kasalukuyan siyang bumubuga ng usok. I rolled my eyes. Nangiti siya sa akin. "I'm Jay Ford. Schoolmate mo 'ko."
Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang siya. Pamilyar nga ang mukha niya. Siguro nga ay nakikita ko siya sa school pero binabalewala ko lang.
"Lagi rin akong nasa Fu Ji Bar. Nakikita ko kayong tumugtog. Sa katunayan, iniidolo ko kayo." Iniidolo, huh? Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. "Si Reese, Annie, at Melody ang tatlo mo pang kasama. Then, ikaw."
"So?"
"Ikaw yung drummer. Never pa kitang narinig na kumanta."
Try mong mag-drums habang kumakanta," sarkastiko kong tugon sa kanya.
"Pwede. Hindi madali, pero kayang-kaya ng mga propesyunal."
Kumunot ang noo ko. "Hindi ako marunong kumanta. Okay na?" inis na sambit ko. Akmang sasagot pa siya pero sinamaan ko na siya ng tingin. "Shut up."
Tumawa siya. "Napaka-misteryoso mo. Pilit mong niloloko ang sarili mo. Iba ang tingin sa 'yo ng lahat sa totoong ikaw. What a great pretender."
"Shut up, will you?"
He smiled. "Sorry, miss brave and awesome."
"Nang-aasar ka ba?"
"Medyo."
"F*ck you!"
Kasabay nun ang pagtawag sa 'kin ni Annie. Napalingon ako sa kotse na papunta sa tapat namin. Kumaway-kaway si Reese sa akin habang nginitian lang naman ako ni Melody.
Lumapit na ako at marahas na binuksan ang pinto. Pabagsak ko rin iyong isinara nang makapasok ako at sinimangutan silang lahat.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Annie.
Hindi ako sumagot. Iniwasan ko ang mga tingin nila at dumungaw na lang sa bintana.
"Ano'ng ginagawa mo sa lugar na 'to? Ang layo nito sa bahay niyo a? Tsaka bakit may kasama kang lalaki?" sunud-sunod na tanong ni Annie sa akin.
Tinignan ko nga siya nang masama. "Pwede ba, tumahimik ka muna?"
Itinikom niya ang bibig niya sandali. "Mga ilang minutes ba? 'Di bale, pagtutulungan ka namin mamaya ni Reese. 'Di ba, Reese?"
"Oo," mahinang sagot ni Reese na busy sa pagmamaneho. Nailing na lang ako. Tumingin ako kay Melody na katabi ko rito sa passenger seat. Nginitian niya lang ako. Paano kaya nasali sa banda namin ito? Super tahimik siya! Paano niya nakakayanang samahan ang dalawang ito?
"Alas dyis na. School na tayo, Reese. Kanina pa kating-kating pumasok itong si Melody, eh," sarkastikong wika ni Annie. Ang daldal talaga ng babaeng 'to. Hindi nauubusan ng sasabihin eh.
Sumandal na lang ako at kinalikot ang phone ko. May isang text sa akin si Kuya Maykel at tatlo naman sa bunso naming kapatid na si Kelvin. Seriously, kung weird ang name ko, mas weird ang mga pangalan nila.
Una kong binasa yung kay Kuya Maykel: May maliit na favor si Kelvin sa atin. Ikaw na ang gumawa. I'm busy.
I scoffed. Wow. Just wow. Ang kapal ng mukha niya, grabe. Hindi ko na lang nireplyan at binuksan na ang mga messages sa akin ni Kelvin. Mas lalo naman akong nainis sa nabasa ko.
Unang message: Ate, Kuya. Maliit na pabor mula sa cute na cute niyong kapatid. Pwede niyo ba akong puntahan dito?
Second: Hindi raw pwede sina Mom at Daddy. Isa na lang sa inyo. Punta na kayo rito, ASAP.
Third: Ate, nandito ako sa Prefect. Kapag wala daw pumunta dito na guardian ko, mapapalayas na ako sa school na 'to. Bibigyan kita ng 30 minutes.
Aba, isa pang makapal ang mukha! Ba't ba naisipan kong magbukas ng mga messages ng mga g*gong 'to?
Tinawagan ko si Kelvin. Mabilis na sinagot naman niya ito. Dahil kung hindi, talagang tatamaan siya sa 'kin!
(Buti naman at tumawag ka. Nasaan ka na? Lagot ka kay old maid!)
"Anong ako?! Ano bang ginawa mo?"
(Anong ako? Baka ikaw. Ikaw ang hanap, eh.) Napaka-sarkastiko!
"Tarantado! Hintayin mo 'ko riyan, uupakan kita."
(Sus. Love na love mo kaya ako. Anyway, pakibilisan ang pagpunta rito. Ang init-init dito sa detention. Ayaw ako palabasin hangga't walang guardian. Putek na rules!)
"Buti nga sa 'yo! I'm on my way na. Wait for me, kiddo. Isusumbong kita kay Dad." Ibinaba ko na ang tawag. Nakatingin naman sa akin ang tatlo.
"Utol mo? Anong nangyari?"
"Prefect."
Napalingon si Reese at napangisi. "Manang-mana sa 'yo 'yang kapatid mo, ano?"
"F*ck you!" singhal ko. Tinawanan lang naman niya ako. "Ihatid mo na lang ako sa Trisian High."
"Sama kami!" ani Annie. "Game ka ba, Melody?"
Nahihiya namang tumango si Melody. Ang hinhin niya. Yung totoo, kaibigan talaga siya nina Reese at Annie?
Ilang minuto ang nakalipas at huminto na ang sasakyan. Natanaw ko na rin ang school ng kapatid ko. Ang Trisian High. Sikat ang paaralang ito na para sa mga basag-ulong mga estudyante. And yes, si Kelvin ay kabilang sa mga basag-ulo na sinasabi ko.
Napansin ko na nagrerebelde siya dahil walang time parati ang mga magulang namin sa amin, lalo na sa kanya.