Inub-ob ko muna ang ulo ko. Nakakapagod naman talaga ang mga ginagawa ko, eh.
"Aik, paano kapag nag-aral ka? 'Yung coffee shop?"
"Magpapalipat ako ng Saturday at Sunday. Mababawasan yung sahod, pero okay pa rin."
"Ang tindi mo talaga. 'Wag ka na lang sanang magkasakit."
Hindi ako nag-abalang iangat ang ulo ko. Nahihilo na rin ako nang dahil sa pagod at kulang sa tulog. Kailangan kong mag-trabaho dahil pasukan na next week. Hindi pa ako nakapag-enroll. Dati, hindi ko pinoproblema ang pera. Kung tutuusin nga, yung sahod ko sa mga trabaho ko ng isang buwan, isang linggong allowance ko lang. Ang sarap maging Gordon, at the same time, mahirap. Yung bang nakukuha mo lahat ng gusto mo, pero mahihirapan ka kasi wala kang friends at yung atensyon ng pamilya mo, nasa pera, nasa company, nasa trabaho, nasa iba. Marami ngang pera, nag-iisa ka naman. Wala rin.
"Miss, meron ba kayo rito nung Fifty Shades of Gray?"
Gusto ko mang iangat ang ulo ko, pinigilan ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod. Nabanggit kasi ni Sherry na 'wag na lang sana akong magkasakit. Ayan na, magkakasakit na ata ako.
"Ipaghahanap ko po kayo, Sir," sagot naman ni Sherry sa customer at umalis na sa tabi ko.
"Salamat," tugon naman naman nung lalaking customer. "Miss na tulog. Uy, gising."
Inangat ko ang ulo ko, hirap na hirap man.
"A-Anong kailangan mo? Fifty Shades?" Nanatili siyang nakatitig sa 'kin. May laway ba akong natuyo? Hindi naman ako natulog, ah. "Sir, hinanap na ni Sherry yung book."
Ngumiti lang naman siya sa 'kin. Problema niya? Masakit kaya ang ulo ko at nahihilo pa ako.
"Nagb-blush ka ba dahil gwapo ako?" biglang tanong niya. Natigilan naman ako.
"Ako? Blush?"
"Oo. Ang pula ng mukha mo."
Hinawakan ko ang mukha ko. Ako, namumula? Seryoso? Nag-blush ako dahil sa lalaking nasa harap ko?
Nang dumampi ang kamay ko sa mukha ko, para akong napaso. Ang init ng mukha ko. Ang init ko.
"Aikelle!" Lumapit sa akin si Sherry. Hinawakan niya ang kamay ko tapos sa noo ko. "Inaapoy ka ng lagnat!"
"Teka. Akala ko, nag-blush siya dahin sakin..." sabi nung customer. "Di bale na nga! Dalhin ko siya sa hospital."
Pinigilan ko sila. "Sherry, lagnat lang 'to." Ngumiti ako sa kanila. "Sa church. Ihatid niyo na lang ako sa church."
"Ako na," sabi nung lalaki. "Ikaw maiwan dito para mag-duty."
Nagdadalawang isip man si Sherry pero pumayag na siya. Ako man ay gusto kong tumanggi dahil hindi ko naman kilala ang lalaking 'to pero hindi na ako nakaangal nang buhatin niya ako na parang bagong kasal. Bridal style.
Napapikit na lang ako sa hilo at sa sakit ng ulo. Hindi na kaya ng katawan ko ang mga ginagawa ko.
Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ng pants ko at inilabas ito.
"'Yung a-address..." hirap na sabi ko. "Call Sherry."
Hindi ko alam kung paano niya kinuha ang phone ko sa kamay ko. Basta naramdaman ko na lang na may kumuha sa kamay ko.
"T-Thank...y-you."
Iminulat ko sandali ang mga mata ko at nakita kong nakatingin siya sa 'kin. Nag-aalala ang itsura niya at yung phone ko, nasa bibig niya. Hindi na nga naman niya kasi makukuha sa kamay niya kasi buhat niya ako. Nice.
Ipinikit ko na lang uli ang mga mata ko kasi nakaramdam ako ng hilo. Tangna, ang sakit pala nito. Hindi ko na namalayan ang pag-uwi namin. Nakatulog na ako.
Ilang araw na ang nakalipas mula nung nagkasakit ako at hinatid ako sa simbahan nung lalaki. Nagpapasalamat na lang ako sa kanya sa paghatid sakin at kay Sherry naman, sa pag-aalaga sa akin.
Dahil wala akong ibang matutuluyan, pansamantala akong nakikitira sa isang simbahan dito sa siyudad. Isa iyong bago lamang na relihiyon na mayroong magandang hangarin para sa mga tao. Nang malaman nilang wala akong tutuluyan, pinatuloy nila ako sa simbahan na marami namang kwarto para sa mga katulad ko. Although natutulog na lang ako roon at hindi na nakakasalamuha pa ang ibang kasama dahil sa dami ng trabaho ko.
Tuwing Sunday naman, parati akong nagsasamba bilang pasasalamat na rin sa pagpapatira nila sa akin sa simbahan. Kung hindi dahil sa kanila, baka pakalat-kalat lang ako sa lansangan.
Sunday ngayon at may lakad kami ni Sherry kaya pagkatapos kong makinig ng preach sa church, nakipagkita na ako sa kanya. Pupuntahan na namin yung trabaho na sinasabi niya. Mukha namang maganda yung offer kaya pumayag na ako. Isa pa, kailangan kong mag-aral. Pasukan na bukas, hindi pa ako naka-enroll.
Nakarinig ako ng katok sa pinto. Tumayo ako para buksan ito at bumungad sa akin si Sherry.
"Tara na, girl." Sumilip siya sa kwarto ko rito sa simbahan na tinitirhan ko at sandaling napakurap. "Seryoso? Ilang bagyo ang dumaan dito?"
Nilingon ko ang mga maruruming damit ko na nakakalat sa sahig at sofa. Pati na ang mga lalagyan ng mga instant noodles na nakakalat sa maliit na table. Napabuntong hininga ako.
"Wala na akong time para maglinis. Work at tulog lang ang nagagawa ko sa isang buong linggo," nanlulumo kong sabi.
Napailing naman siya. "Hindi ka naglalaba?"
"Uhh." Okay, hindi ako marunong. Paano ko ba sasabihin? "Bumibili na lang ako sa mall."
"Wow! Rich kid!" naibulalas niya. "Sabagay. Sarili mo lang naman pala ang pinagkaka-gastusan mo. Nasaan ba ang mga magulang mo, ha?"
"I... I don't have any?" alangan kong sabi.
"Ah. Sorry." Ngumiti siya nang malungkot. "Tara na?"
"Yeah..." awkward kong sabi dahil na-awkward ako bigla nang tanungin niya ang pamilya ko.
Lumabas na kami sa maliit at mababang gate. Dire-diretso pa si Sherry papunta sa may kanto pero pinigilan ko siya.
"Let's use my car. Sayang ang pamasahe."
Natigilan na naman siya. "May kotse ka? Dapat bahay muna ang binili mo bago ang kotse. Kaysa nakikitira ka rito sa creepy na simbahan na 'to. Iba ang kutob ko rito, ha," naiiling na bulong niya na ikinibit-balikat ko na lang. "Tsaka nanghihinayang ka sa pamasahe, sa gas hindi?"
Napangiti na lang ako sa reaksyon niya. "Hindi ko binili 'to. It's a gift from someone," paliwanag ko sa kanya kasi ang dami niyang sinabi. "And... may card naman ako para sa gas. Hindi ako gagastos."
Nagtataka yung mukha niya pero napatango na lang din. You'll understand my situation very soon, dear.
Sumakay kami sa kotse ko at nag-drive papunta sa address nung pag-a-applyan ko ng trabaho. Pumasok kami sa isang subdivision at nadaanan ang daan-daang mga bahay na matatawag na mansyon sa laki.
"Grabe. Big time ata yung pupuntahan natin," rinig kong bulong ni Sherry.
Habang palayo nang palayo ang tinatahak namin, palaki nang palaki ang mga nadadaanan naming bahay. Siguro sa dulo nakatira yung mga mayayaman talaga. I know this place pero hindi kami rito nakatira. Napuntahan ko lang 'to dati dahil inimbitahan ang mga Gordon upang magpunta sa isang party dito. Mga tao sa business world at totoo ngang mayayaman ang mga tao dito.
Hininto ko ang kotse sa tapat ng isang mansyon doon. Ito na yung nasa address. Sobrang laki nung bahay nila kaya naman halos pasukan na ng langaw ang bibig ni Sherry. Buti na lang at walang langaw rito sa kotse ko.
"Sherry," I called. "Tara na?"
Natauhan naman siya at tumango sa akin. Bumaba kami ng kotse at nagtungo sa harapan ng gate ng mansyon. May dalawang guards dito at nagbabantay.
"Excuse me," bati ko sa dalawa. Napatingin naman silang dalawa sa akin. "Dito ba yung mga Ford?"
Nagkatinginan yung dalawa. "Sino po sila?"
"I'm Aikelle. I'm looking for Jay Ford. Dito ba siya nakatira or maling address ang nakuha namin?" malumanay kong tanong sa kanila.
Sasagot na sana yung isang guard nang may isang maid na palabas at may hawak na trash bag. Napatingin siya sa aming dalawa ni Sherry at bahagyang napangiti. She's a chubby old woman at palangiti talaga siya.
"Kayo na ba yung mag-a-apply?" tanong niya sa amin nang nakangiti. She's old na para maging maid pero mukhang hindi naman siya nahihirapan sa trabaho niya.
"Yes. I heard kasi na may ino-offer si Mr. Jay Ford na trabaho para sa mga teens tulad ko na hirap sa buhay." I forced a smile.
"Oo. Halika, pasok na kayo."
Binuksan nung isang guard ang gate. "Manong, pakihatid naman sila kay Sir Jay. Magtatapon pa ako ng basura, eh."
Pumasok na kami at hinatid nga kami ng isang guard sa loob ng mansyon. Nakakaligaw naman ang bahay na ito. Bakit ba gusto nila ng ganitong ka-komplikadong bahay? I sighed.
Nakarating kami sa living room. Kita ko ang isang lalaking nakaupo sa sofa habang nakataas ang dalawang paa sa maliit na glass table.
"Sir Jay, may bisita po kayo."
Lumingon sa amin ang lalaki. Hindi ko nakita ang mukha niya kasi nasa kabilang side kami. Ayon sa postura ng kanyang katawan, mukhang mas matanda lang siya sa amin ng isa o dalawang taon.
"Mukhang gwapo," rinig kong bulong ni Sherry. Siniko ko siya. "Aray. Totoo naman kasi eh."
Nag-bow kami sa lalaki at binati siya.
"Maupo kayo," sambit ni Jay.
Iginiya ako ng isang maid paupo doon sa kabilang sofa, 'di kalayuan sa kinauupuan ni Jay Ford. Nakatagilid siya sa akin at seryosong nanonood sa tv. Sumulyap ako kay Sherry pero kasama na niya ang isa pang maid at umalis na sila rito.
"Yaya, paki-abot nga nung contract."
May isang maid na lumapit sa akin. Inabot niya ang isang papel sa akin. Binasa ko naman ito kaagad.
Once you signed this, you're in.
Napa-what na lang ako.
Sa babang parte nung papel na hawak ko, may nakasulat na.
- You'll be enrolled to Lauren High.
- Fifteen thousand allowance a week
Fifteen thousand? A week? Seriously?
"What job?" I asked. Bigla namang may inabot na picture sa akin yung maid. Picture ng magkakaibigan. All boys.
"You just have to keep an eye on them. Kaya you need to be enrolled in our school para diyan sa pinapagawa ko sa 'yo. Tsaka you'll have a normal life there, don't worry. Hindi kita ko-kontrolin. Just do your job at magkakasundo tayo," sabi niya sa malumanay na boses.
Napakunot ang aking noo habang pinagmamasdan ko si Jay Ford. He was actually familiar at napagtanto ko na nakikita ko siya paminsan-minsan sa Church sa tuwing sumasamba ako ng Linggo. He was a member of the church na tinitirhan ko. It was called Evangelie Church.
Nakita ko ang pagngisi niya. Half ng mukha niya ay nakikita ko kaya kitang-kita ko yun.
"Ikaw na ba ang bahala sa enrollment ko? Pasukan na bukas," tanong ko sa kanya. Although public school lang ang Lauren High, pahirapan pa rin ang pag-enroll.
As for the Fords, I think may inaalagaan silang reputasyon kaya sa public school nila ipinasok ang anak nila.
"Of course. Lahat ng kailangan mo, ibibigay ko sa 'yo. Basta gawin mo ang trabaho mo."
Bumuntong hininga ako. I need this job kahit na mukhang delikado. Tiningnan ko ang litratong hawak ko. Who are these guys? I think pumupunta rin sila sa church dahil parang pamilyar sila.
"Okay." I signed the contract at inabot iyon sa kanya. Pero yung isang maid malapit sa akin ang nag-abot at inilagay iyon sa isang folder.
"You're in. Magkikita tayo sa school once a week para sa mga ipapagawa ko sa 'yo. Be sure na gagawin mo ang mga iyon kung ayaw mong mapatalsik sa school na iyon," may pagbabanta na sinabi niya.
Nilunok ko na lang lahat ng iniisip ko dahil malaking tulong ito para sa akin. Fifteen thousand weekly? Pupwede na akong huminto sa pagtatrabaho sa ibang trabaho ko kapag natuloy ito.
"Yeah. Basta tuparin mo rin yung mga nakasulat doon na dapat mong ibigay sa akin," tanging sinabi ko na tinanguan lang niya.
Tumayo na ako at ready na siyang layasan. I don't like the idea of stalking the group na sinasabi niya pero I badly need this. Ito yung kailangan ko.
"At kung hindi, ikaw naman ang patatalsikin ko," I muttered. Natawa siya sa narinig at napatingin sa akin. Nagtama ang paningin namin.
What the!
"Gordon..." naibulalas niya.
Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Siya?! Bakit hindi ko man lang napansin?
"Jay Ford, huh?" I smirked. Umirap siya sa 'kin.
"I can't believe this. Aikelle Gordon needs a job?" hindi makapaniwala niyang sabi.
I cursed him to death, really! I actually know the guy and I couldn't believe na pumirma ako sa isang kontrata where I will be working under this bastard.
"Damn you, Villanueva!" naibulong ko at tuluyan nang lumayas doon habang hawak ang kopya ko ng agreement namin sa trabahong ipinapagawa niya.
Wait... he will be studying sa Lauren High? And he is a part of the Evangelie Church? Everything doesn't sit right in here. What's going on?
Bago pa ako lumabas ng mansyon ng mga Ford, narinig ko pang nagsalita siya na tila ba nanunuya. Hindi ako lumingon at huminto pero nabahala ako nang dahil doon.
"I see that you are currently staying in that church? Akala ko ay namalik-mata lang ako nang nakita kita, but it was really you, Aikelle Gordon. Interesting," mapang-asar na sinabi niya na hindi ko na lamang pinatulan.