But being happy with the situation does not mean I am also happy to be alive. I am not. I was not. May mga pagkakataon pa rin na sumasagi sa isip ko kung gaano ako ka-malas at kung gaano ko na lang kagustong tumakas sa marahas na mundong ito.
So Arzee and I went to Lauren High kasama si Tristan. Marami akong mga nakasalamuhang tao sa loob na hindi ako sanay, pero dahil sa trabaho ay pikit-mata ko na lamang na ginawa. Lalo pa at hindi kami madalas magsama ni Arzee dahil magkaiba kami ng section. Malawak pa man din ang campus na ito kaya halos hindi kami magkita-kitang tatlo sa loob.
Isa sa mga napansin kong estudyante sa loob ay si Aikelle. Magkaklase kami pero hindi ko pa siya nakakausap. Pansin ko na hindi rin siya masyadong kinakausap at pinapansin ng mga kaklase namin. We were actually the same. Siya ang napansin ko talaga dahil sa naiibang personality niya sa lahat, so she became my target na mamanmanan ko for a few days. Bukod pa sa personalidad niya, she was also a regular sa church na nasa sentro ng siyudad. Mukhang miyembro siya roon. I did a quick background check on her at nalaman ko na she was actually living sa church.
Sa pagsunod ko sa kanya, nalaman ko na she has a problem at home with her parents kaya nagsimula siyang tumira sa simbahan.
Aikelle's POV
Napabuntong hininga ako. Binasa ko ulit ang message sa 'kin ni Mom sa f*******:. Nakakainis.
Kelle, kung ayaw mong tanggapin ang mga perang ipinapadala namin, hayaan mo na lang kaming suportahan ka sa pag-aaral. Miss na miss ka na namin, anak. Sana maisipan mo nang umuwi rito. Galit ka, alam ko pero alam kong babalik ka rin dito. Kung 'di mo pa kami mapatawad, okay lang. Tatanggapin ko iyon. Kasalanan ko kaya nawala ang daddy niyo. Alam kong nasaktan ka nang sobra since ikaw ang pinakamalapit sa kanya, pero kahit gano'n, gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka namin, anak. Si Leo, mahal na mahal ka rin, anak. Mabait siya at alam kong magkakasundo kayo. Just give him a chance.
Love, Mommy.
Napabuga ako ng hangin. Sorry, mom, pero hindi ako uuwi. I just can't. Hindi muna ngayon. Miss na miss ko na rin kayo nina Kuya, pero ayoko pa talagang bumalik diyan. Hindi pa ako handamg kalimutan si Daddy. Mas lalo lang akong masasaktan kung araw-araw kong makikita ang bagong kinakasama mo. Mom, alam kong hindi mo ginusto na lokohin si Daddy, pero hindi kasi mawawala yung fact na dahil doon, nawala ang Daddy namin. Siguro, hayaan niyo munang maghilom yung mga sugat sa puso ko. I love you po.
'Yan ang gusto kong isagot kay Mommy. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako nag-reply nang kahit na ano. Nanatili akong matigas kahit na alam ko sa sarili ko na gustong-gusto ko nang umuwi.
Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko kaya naman humiga na ako sa kama ko at pumikit. Chill lang, Aikelle. Chill.
Inis na umupo ako at tiningnan ang laptop. Naka-open pa rin ang message at nababasa ko ito mula sa kinauupuan ko. Nakakainis. Bakit kung kailan nasanay na akong mamuhay nang ganito, doon pa siya nagparamdam! Ugh.
Two months. Two months na akong namumuhay nang mag-isa. Walang communication sa kanila. Walang suporta mula sa kanila. As in wala talaga. Tapos bigla na lang siyang magme-message sa 'kin nang ganyan? Nakakainis kasi parang biglang nawala yung galit ko sa kanila. Damn.
Sinara ko ang laptop at tumingin sa wall clock. May thirty minutes pa ako para gumayak.
Kung umuwi kaya ako? Para hindi na ako mag-trabaho? Para hindi na ako maghirap? Tsk! Siguradong mas masarap pa ang kinakain ng mga katulong sa bahay kaysa sa 'kin! Ah! Whatever!
Kinalimutan ko na lang ang nabasa ko at gumayak na. May trabaho ako ngayong hapon. Four to nine. Hindi naman mabigat kaya kayang-kaya ko. Doon ako sa maliit na book shop sa isang mall sa siyudad na medyo may kalayuan dito sa sentro. Sa cashier ako kaya hindi gaanong nakakapagod. Kaya hindi rin gaanong mataas ang sweldo. Ang kinagandahan lang, every week kami sinu-swelduhan.
Sumakay ako sa kotse ko. Good thing natangay ko ito nung naglayas ako sa bahay. Ayokong mag-jeep, ang init tapos ang daming tao. Tsaka sayang din ang pamasahe. Bawat sentimo mahalaga sa 'kin.
Habang nagmamaneho, sinilip ko yung phone ko. May fifteen minutes pa pala ako. May oras pa ako para kumain. Mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho hanggang sa nakarating ako sa mall. Ipinark ko ang kotse at patakbong pumasok sa mall.
Nagtingin ako ng makakainan. Food court, puno. Jollibee, puno. Chowking, puno rin. KFC, mahaba ang pila. Ganun din ang iba pang fast foods. Ayoko naman mag-restaurant kasi magagastos lang ako nang malaki.
Napabuntong hininga ako at pumasok na sa Goldilocks. Um-order ako ng isang palabok. Worth seventy-nine pesos. Ang mahal naman nito. Saka ako bumili ng isang mamon. Nagbayad na ako sa counter at dumiretso sa isang table. Five minutes na lang ang natitira sa 'kin. At dahil medyo may pagka-mabagal akong kumain, four-eight pm akong natapos. Damn. Eight minutes late na ako!
Ininom ko yung drinks ko at inilagay na lang sa bag yung mamon saka ako nagtatakbo palabas. Nakarating ako sa last floor ng mall ng saktong four-fifteen pm. Crap. This day will be the worst day of my life. Ugh.
Nagmadali akong naglakad papasok sa book shop. Hinihintay kong sigawan ako nung may-ari, pero wala akong narinig. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at nakita ko yung may-ari ng shop na kausap si Mom. Busy sila at hindi pa ako napapansin.
"Girl, late ka na. Pasalamat ka at may big time na customer dito. Kung hindi malilintikan ka kay Boss." Napalingon ako sa nagsalita. Si Sherry. Nagta-trabaho din siya rito at siya ang papalitan ko ngayon sa pagbabantay. Lumabas siya ng cashier at tinapik ang braso ko. "Mauna na ako. Bye, Aik."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit nandito si Mom? Bakit dito niya pa naisipang mamili ng libro? Bakit hindi na lang sa National Bookstore? Kainis.
Hindi na lang ako papasok. Akmang hahabulin ko na si Sherry nang makabanggaan ko si Kuya Maykel. Napaupo ako sa sahig.
"Sorry," aniya at tinulungan akong tumayo. Napatitig naman siya sa akin. "K-Kelle?"
Umiwas ako ng tingin. Bakit nandito sila?
"K-Kuya.."
Ilang segundong pagtitig sa 'kin ang ginawa niya at pagkatapos ay niyakap niya ako nang sobrang higpit.
"Ang laki ng ipinayat mo, Kelle," mangiyak-ngiyak na sabi niya. Nakagat ko ang lower lip ko para hindi humagulgol. "Miss na miss ka na namin. Lalo na si Kelvin."
Kumalas kami sa pagkakayakap. "Kamusta na si Kelvin? Nasaan siya?"
Ngumiti naman si Kuya Maykel. "He's fine. Sobrang miss ka na niya, Kelle. Hinihintay ka niyang bumalik sa bahay."
Napatungo ako at lalong naiyak. Miss na miss ko na rin naman sila eh. Ang hirap kayang mahiwalay sa kanila. Pero kailangan ko 'to. Kailangan ko.
"'Yung b-boyfriend ni mom, okay ba siya? Okay ba siya sa inyo?"
Kinurot ni Kuya Maykel ang ilong ko. "He's... fine." Ngumiti siya nang mapait. "Pero wala nang time sa amin si Mom. Pati kay Kelvin, nawala na ang atensyon niya."
Naangat ko ang ulo ko. "What? Si Kelvin, okay ba siya?"
Niyakap ako ulit ni Kuya Maykel. "Kapag bumalik ka sa bahay, sasaya siya. Promise."
Yumakap ako nang mahigpit kay Kuya. Iyak pa rin ako nang iyak. Kawawa naman ang bunso namin.
"Bibisita ako, Kuya, promise. Pag wala si Mo at si... Leo."
Tumango siya. "Kain tayo sa labas? Sabihan ko si Mom na mauna na siyang umuwi."
"No, may work pa ako, Kuya. Sa susunod na lang."
"Work?" Ngumiti siya. "Nasa bokabularyo mo na pala yun?"
Bahagya akong natawa.
"Yep. Marami ako nun sa bokabularyo ko. Sa book shop, coffee shop, tsaka sa bar."
"Bar?"
"It's a nice place naman, Kuya. Waitress ako."
Tumango siya. "May chance ka palang yumaman, Kelle." Tapos ay ginulo niya ang buhok ko. "Mag-iingat ka, ha."
Tumango-tango ako sa kanya at nginitian siya. Naluluha na naman ako kasi alam kong magkakahiwalay na naman kami sa oras na umalis ako.
"Sila ang mag-ingat sa 'kin!" Nagtawanan lang kami hanggang sa maalala kong duty ko pala ngayon at patay talaga ako kapag um-absent ako. Nadala ako ng emosyon ko kanina! Tss. "Kuya, anong oras na?"
Nagtaka naman siya at tumingin sa relo niya. "Magsi-six, Kelle. Why? May work ka ba?"
Nakagat ko ang lower lip ko at tumango. "Actually, almost two hours na akong late. Patay talaga ako!"
Nagpanic naman si Kuya Maykel. "Sorry, Kelle. Hindi ko alam na may trabaho ka. Matatanggal ka na ba?"
"Pwede, Kuya. Pero it's not your fault. Kanina pa ako nakarating doon, nag-walk out lang ako kasi nandoon si Mom."
Tumango naman siya at nginitian ako. "Ako ang bahala."
Pagbalik ko sa book shop ay nakita ko ang owner at saka ko iyon binati. Pumikit ako at hinihintay na sigawan ni Mr. Roxas pero wala akong narinig. Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak sa kamay ni Kuya Maykel.
"Good evening, Mr. Song?"
Iminulat ko ang mga mata ko kasi malambing ang boses ni Mr. Roxas. Una kong nakita ang ngiti nito sa labi.
"Gordon. I'm Maykel Gordon."
Natigilan si Mr. Roxas. Makapangyarihan kasi talaga ang mga Gordon. Palibhasa, mayaman.
"Oh!" sabi nito na parang hindi inaasahan na makakaharap niya ang isa pang Gordon. "Wala na rito ang Mom mo, Mr. Gordon." Tapos ay nabaling sa akin ang tingin niya. "Miss Thomas? Bakit kasama mo siya?" Gulat na tanong niya. I rolled my eyes mentally. Dahil isa akong Gordon. Wahahaha! Fear me!
"Thomas?" bulong sakin ni Kuya. "You're a Thomas?"
"Uhh, para hindi ako paghinalaan?" bulong ko pabalik. Tumango naman siya at hinarap ulit si Mr. Roxas.
"She's with me kasi kulang yung binayaran ko kanina. Hinabol niya ako hanggang sa ground floor para lang kunin ang kulang. Malaki-laki rin kasi iyon." paliwanag ni Kuya Mayk. "At nandito ako para ibigay ang kulang. Pasensya na, Mr. Roxas."
Unti unti namang napangiti si Mr. Roxas. "Hindi ako nagkamali sa pagtanggap sa 'yo, Miss Thomas." nakangiti sabi niya. "Kaya pala late ka ng dalawang oras. 'Wag kang mag-alala, palalagpasin ko iyon, dahil naman iyon sa trabaho."
Tumango tango ako. "Salamat po."
Nagpunta ako sa cashier. Nagulat ako nung nakita ko roon si Sherry. Nakangiti siya sa akin at tumango.
Nagbayad na kunwari si Kuya Maykel at pagkatapos ay sinenyasan niya ako na aalis na siya.
Hinarap ko naman si Sherry. "Bakit nandito ka pa? Umalis ka na, 'di ba?"
"Hindi, may nakita kasi akong work for you. Maganda ang sweldo kaya ikaw ang naisip ko. Kaya naman bumalik ako kanina rito, pero wala ka na. Kaya naisip kong ako na muna ang mag-duty para sa 'yo."
"Salamat talaga, Sherry."
"Wala yun, ano ka ba!"
"'Wag kang mag-alala, kapag sumweldo ako, ililibre kita."
"Oo ba! Bonggang libre, ha?"
"Oo."
Ang bait talaga niya. Wala akong masasabi sa kanya.
"Wala ka bang lakad ngayon? Sige na, umalis ka na. Ako nang bahala rito," sabi ko sa kanya. Nakakahiya na rin kasi sa kanya.
"Hindi, ayos lang. May trabaho kasi akong isa-suggest sa 'yo. Puntahan natin mamaya?"
"Pasensya na, Sherry, pero may trabaho ako mamaya," malungkot na sabi ko. "Sunday lang ako free... kaso may church ako ng umaga."
"Anong trabaho mo pag gabi? Sa club ba?"
Sinamaan ko nga ng tingin. Anong akala niya sa 'kin? Nice, Sherry. Nice.
"Waitress ako sa isang bar."
"Seriously, waitress?"
"Yep. Ten to four in the morning ako, eh."
"Oh. Puyat ka pala lagi. Edi bukas na lang tayo ng umaga. Pagkagising mo!"
Umiling ako. "Waitress din ako sa coffee shop, six to ten in the morning."
"What?! Ilang oras ang tulog mo? Dalawa?"
"Actually, hindi na ako natutulog," tugon ko sa kanya dahilan upang mapasimangot siya sa 'kin.
"Tao ka pa ba?"
"Oo naman."
Napailing siya at napabuntong hininga. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga narinig.
"E 'di pagkatapos ng work mo sa coffee shop. Okay na?" Umiling ulit ako kaya namilog ang kanyang mga mata. "May work ka na naman?" naibulalas niya.
"Hindi. Oras iyon ng tulog ko. Pero dahil may ibibigay ka pang work sa 'kin, baka mawalan na ako ng tulog."
"Hindi ako makakapayag niyan, Aik. Kailangan mong magpahinga."
"Every Sunday ang off ko."
"Isang araw lang."
"Bawing-bawi na ako sa sixteen hours na tulog."
Nginitian ko siya at umupo sa stool. Wala na namang nagagawi sa shop na ito. Ang boring tuloy.