"Kumalma ka, hija. 'Wag kang magsalita ng ganyan sa ama mo, lalo na kapag galit ka. Kapag humupa ang galit mo, hindi mo gugustuhing mapahamak siya. Ama mo pa rin siya, kahit ano pa ang nagawa niya sa 'yo. Ano nga ulit ang pangalan mo?"
Paglabas ko ng bahay upang magpaalam na kay Mama na papasok na ako sa aking trabaho sa Little Coffee Prince, pero iyon ang bumungad sa akin. Parating may kakwentuhan si Mama sa aming bakuran tuwing umaga, hindi na bago iyon. Pero mukhang isang teenager ang kausap niya ngayon na binibigyan niya ng advice.
"Dev. I'm Dev Crawford."
"O, Dev. Tandaan mo ang mga sinasabi ko."
Medyo nangiti ako. Mother figure talaga si Mama sa lahat, kahit pa mga batang kapit-bahay. Nakakatuwa lang din iyon para sa mga katulad ko na ang tanging alaala na lamang sa mga magulang ay mga larawan. Miss na miss ko na sila.
"Kahit gusto ko ho na pansamantala na makituloy sa inyo dahil naglayas po ako ngayon, e siksikan na po kayo rito. May dalawa raw po kayo na ampon na galing sa church?" rinig kong wika ni Devon.
"Walang problema sa akin, hija. Alam mo namang itinuturing kong blessings ang mga anak." Ngumiti si Mama kay Devon. "Pupwede ka pa naman dito, may espasyo pa sa sala at kusina. Okay lang ba kung ituring kitang parang isa kong anak? Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng isang anak na babae. Pero hindi na pwede dahil matanda na ako... at ngayon nabiyayaan ako, tatlo kaagad. Kahit na pansamantala lang," masayang sambit ni Mama. She's lovely talaga. Who wouldn't love someone na ganyan kabuti, hindi ba?
"Oo naman po," masiglang sabi ni Dev. "Promise, hindi po ako magiging pabigat. Tutulong ako sa gawaing bahay."
Nangiti si Mama. "Walang problema, anak. Tulong-tulong tayo rito sa bahay dahil isang pamilya tayo." Napangiti ako nang makitang nagyakap ang dalawa. Masikip man dito sa bahay, pero mukhang mas sasaya dahil mukhang okay naman itong si Devon. "Simula ngayon, tawagin mo akong Mama."
"M-Mama?"
"Ayaw mo ba? Sabagay, may mama ka na. Inay na lang—" Naputol ang sasabihin ni Mama nang magsalita si Devon.
"H-Hindi po," pagputol ni Devon sa kanya. "Wala po akong M-Mama."
Nagulat si Mama. "Oo nga pala. Nabalitaan ko ang tungkol sa pagkamatay ng asawa ni Mr. Crawford." Tumayo siya sa pagkakaupo niya. "Sige na, hija. Magpalit ka na. May bestida ako riyan sa kwarto. Pagtiyagaan mo na muna."
"Salamat po."
Pumasok na si Devon dito sa loob ng bahay at nakita ako. Nginitian ko siya na tinugunan niya ng nahihiyang ngiti at nakayukong nagtungo sa kwarto.
Sinundan ko na lang siya upang tulungan siyang kumuha ng pamalit niya. Masikip lang ang kwarto at mukhang naisip niya rin iyon, base sa reaksyon ng mukha niya.
Binuksan ko ang cabinet na nandoon at kumuha ng isang bestida at saka inabot iyon sa kanya.
"Salamat..." nahihiya niyang sambit.
"I'm Akira. You are Devon Crawford, right? Welcome home, sis," nakangiti kong sabi sa kanya at inilahad ang kamay ko.
Tiningnan niya pa ang kamay ko nang mabuti bago niya tinanggap at kinamayan ako. "Thank you, Akira."
Lumabas na ako ng kwarto upang makapagbihis na siya.
"M-Mama!" rinig kong tawag niya. "Makikiligo po ako."
"Oo naman, 'nak. Hintayin mo ako at pambibili kita ng susuotin mo, ha."
Pumasok na si Devon sa makipot naming banyo. Narinig ko na binuksan na niya ang faucet at hinawakan ang tabo. Nang masalinan na ng tubig ang hindi kalakihang drum ay nagsimula na siyang maligo. Napasigaw pa siya sa sobrang lamig. Whoa. Siguro ay nabigla siya na walang heater.
Nang matapos siya, binalot niya sa katawan niya ang towel at lumabas na. Nadatnan niya pa ako sa labas dahil hinihintay kong bumalik si Mama na bumili ng susuotin ni Devon.
Nang makarating siya, nagmano ako sa kanya at nagpaalam na. Bakas sa mukha niya na masaya siya na may bago muli siyang anak.
"Dev," pagtawag ni Mama mula sa labas ng pinto ng kwarto. Binuksan ni Devon ang pinto at inabot ang kulay asul na plastic bag.
"Salamat po."
Ni-lock niya ulit ang pinto at nagbihis na.
Pag-uwi ko mula sa trabaho, pagod na pagod muli ako. Unang beses kong mag-morning shift at mas marami pala talagang customers... pero walang tsismis. Wala kasi ang mga estudyante ng Lauren pa dahil wala pang pasok.
Naghahanda na ng pagkain si Mama nang magmano ako sa kanya. Pinaupo niya ako kaagad sa lamesa at kinuwentuhan niya ako habang naghahapag ng pagkain.
Maya-maya ay dumating na rin si Devon na pinaupo niya rin sa katapat kong upuan. Siya naman ang kinausap ni Mama kaya nakinig na lang ako.
"May tatlo akong anak na lalaki. Panganay ko si Tristan. Nagta-trabaho siya sa may coffee shop diyan sa kabilang kanto. Nag-iipon siya ng pang-enroll niya sa nalalapit nang pasukan. Napaka-sipag ng batang iyon. Ang pangalawa naman ay fifteen years old pa lamang. Nabarkada siya kaya naman wala na siya rito. Ang bunso ko naman ay seven years old pa lang. Nakikipaglaro na siya sa kapit-bahay namin ng ganitong oras."
"Mukhang masaya ang pamilya ninyo." Devon smiled pero pansin ko na may halong pait ang ngiting iyon. Hindi ko man alam ang istorya niya pero alam kong malungkot iyon base lamang sa kanyang mukha.
"Oo naman. Lalo na kapag umuuwi ang Tatay ninyo at may dalang maraming pagkain," nakangiting wika ni Mama at saka na umupo sa tabi kong upuan. "Eto rin ang anak kong si Akira, pati na ang kapatid niyang si Arzee na bumili lang sa labas. Papasok sila pareho sa Lauren High," proud pa na sabi ni Mama.
Speaking of pagkain. "May dalang snacks sina Tatay at Arzee, ''Ma. Hindi ko lang po alam kung naipasok niya dito sa loob."
Nagtungo ako sa sala at nakita ang dalawang plastik. Kinuha ko iyon at dinala sa kusina.
"Naku, kumain na muna kayo ng kanin bago iyan. Mauna na kayo dahil mamaya pa darating ang iba," ani pa ni Mama at kinuha ang dala ko. "Salamat, anak." Binuksan ni Mama ang plastic. "Chichirya, chocolates at donuts? Magugustuhan nung tatlo ang mga ito."
Ilang sandali pa ay dumating na si Terrence. Kasama niya ang barkada niya na natahimik nang makita kami.
"Terrence, halika rito at ipapakilala kita kay Dev."
"Sino, 'Ma? Pinsan namin?"
Hinila ni Terrence ang isang upuan sa tabi ni Devon at umupo.
"Kapatid mo na siya, simula ngayon."
Tumingin si Terrence kay Devon. "Talaga? May tatlo na akong Ate?"
"Nako, Terrence, oo. Ang mabuti pa patuluyin mo ang mga kaibigan mo at kumain na rin kayo rito."
Simula talaga nang mapadpad ako rito, naging masaya ako na totoo. Nagkaroon ako ng mga makukulit na kapatid, cool na ina, at masipag na ama. Nagkaroon ako ng pamilya.