Nang makalabas ako sa shop, napansin ko namang may ilang lalaking umaaligid sa isang magandang sasakyan na naka-park sa labas ng café, mukhang sports car iyon. Mga estudyante ng Lauren High. Paano ko nalaman? May suot silang mga I.D ng Lauren at mukhang nag-enroll sila.
"Tangina, pare! Ang tagal ko nang pangarap 'tong kotseng 'to. Sino kaya ang may-ari nito?" ani ng isa dahilan upang mapangisi ang kasamang estudyante.
"Madali lang 'yan, p're. Makipag-pustahan ka. Kapag nanalo ka, ito ang ibabayad sa 'yo," tugon ng pangalawang lalaki.
Napatigil ako sa paglalakad at pinanood sila roong mag-usap. What's nice about the car? E kailangan lang naman natin ng masasakyan sa lugar na pupuntahan natin. Any car would do!
"May mas dadali pa riyan, dude. May dala ka ba na kahit na anong pantusok diyan?" bulong ng lalaki dahilan upang mapakunot ang noo ko.
"Wala, dude. Baka mahuli tayo."
Aba, balak ba nilang nakawin ang sasakyan na iyon at dinig ko pa? Bakit hindi nila iyon sinabi nang wala na ako? Kargo konsensya ko pa tuloy kapag hindi ko sila pinigilan. Nagmadali akong lumapit sa kanila.
"Talagang mahuhuli kayo!" singhal ko sa kanila. Napatitig muna sila sa akin bago sila nagtatakbo palayo. Hinagis ko naman sa isa sa kanila ang bitbit kong plastic bag. Natamaan ito sa ulo. "Mga gago kayo!" sigaw ko pa.
Nakabalik ako sa bahay na may ngiti sa labi. May surprise kasi ako kay Kuya Tristan, at syempre, kay Mama na rin ito. Alam niyo namang paboritong anak nun ay si Kuya.
Sinalubong kaagad ako ni Terrence na nakasimangot. Kasama niya ang barkada niya na binati naman ako.
"Ate, binigyan mo raw ng isang daan si Travis. Bakit ako, wala?" Anong akala sa 'kin ng batang 'to, Santa Claus? I rolled my eyes at him. "Favoritism."
"Sus! Ikaw kaya ang favorite ko." Medyo nangiti siya. "Pati si Travis at Kuya Tristan!" dagdag ko pa.
Sumimangot siya. "Ewan ko sa 'yo."
"Joke lang!" I smiled. "Nakikita mo ba yung phone ko?"
"Oo. Uso yun ngayon, eh. iPhone 14 plus!" masayang sambit nito. "Ibibigay mo ba sa 'kin?"
Umiling ako. "Bibilhan kitang bago kapag nakaluwag ako. Kaya padaanin niyo na ako at may surprise ako kina mama." I am referring sa pagtapos ng misyon na ito.
"Thank you, ate!"
Pumasok na ako sa loob. Sinalubong naman kaagad ako ni Mama na alalang-alala.
"Naku, bata ka, saan ka ba galing?"
"May trabaho na ako, Mama!" masayang pagbabalita ko at pinaupo siya sa sofa. Hindi ko pa masyadong ramdam ang antok nang dahil sa excitement. "Where's Kuya Tristan? And Arzee?"
"I'm here, Aki." Nakiupo na rin si Kuya Tristan sa sofa. "May nangyari ba? Si Arzee ay lumabas lang saglit."
Ngumiti ako sa kanila at itinaas ang folder na kanina ko pa hawak. Kumunot ang mga noo nila kaya binuksan ko iyon.
"Tadah!"
Namilog ang mga mata ni Kuya Tristan. "Lauren High?"
"Yes, enrolled na tayo. Makakapasok na tayo roon next week!"
Nakita kong parang maiiyak si Kuya Tristan. Niyakap siya ni Mama at pinalapit ako. Nag-group hug kaming tatlo.
Ito na siguro ang pinaka-memorable na misyon ko, na masaya lang at walang sakit ng ulo. Although unti-unti na akong nagkakaroon ng leads sa misyon namin.
Arzee's POV
Iminulat ko ang mga mata ko. Nagising ako sa lamig na naramdaman ko. Inilibot ko ang paningin ko at nasa loob pa pala ako ng taxi. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng pants ko at tiningnan ang oras. It's six in the morning.
"Manong, nasaan na tayo?"
"Malayo na sa Manila ito, hija. Sigurado kasi akong wala kang matutuluyan kaya idinala kita sa probinsya namin. Nandito ang pamilya ko at pwede ka nilang patuluyin," tugon ni Manong dahilan upang mapakunot ang noo ko.
Tumingin ako sa paligid at inalala kung ano ang mga pangyayari bago ako napunta rito. Ah, I escaped. Sinubukan kong tumakas mula sa probinsya at bumalik sa Manila upang magpunta sa HQ na pinuntahan namin before, pero hindi ako pinapasok. Gusto ko na kasing bumalik sa buhay ko at wala naman akong makitang dahilan upang manatili pa sa misyon namin sa probinsya kasama ang isang pamilya.
Napakurap ako nang dalawang beses. "Probinsya? What do you—" Umupo ako nang maayos at nagkusot ng mga mata. Wala akong naaalalang nagpapahatid ako sa probinsya. "Hindi po roon—" Natigilan ako nang biglang may sumagi sa isip ko at saka ako napatingin sa driver. Napansin ko sa bandang leeg niya na mayroon siyang isang tato na parang nakita ko na noon.
Namilog ang mga mata ko.
"Huwag kang mag-alala, hija, at hindi ako nagpapabayad. Konting pagtulong lang sa mga gawaing bahay ay okay na sa akin."
Hindi na ako nakatanggi at nakapagsalita. If hindi ako nagkakamali, ang tatong iyon ay simbolo ng isang organisasyon sa loob ng aming siyudad sa ninja world.
"Malapit na tayo. Ayaw mo muna bang mag-almusal sa dadaanan natin?" tanong muli ni Manong. He was faking it, I know. Hindi siya taga-probinsya at wala siyang pamilya roon na patutuluyin ako. Siguradong ibabalik niya lang ako sa misyon namin, sa bahay ng pamilya na tinakasan ko.
"Quit the act. I'll go back," pagsuko ko. There's no point in trying to escape him, too.
Biglang huminto ang taxi matapos ang ilang minuto. Binuksan niya ang window sa tabi niya at saka sinabing, "Pare, ilipat ko na muna itong pasahero ko. May emergency lang," sabi ni Manong na ninja. Narinig ko naman na pumayag yung taxi driver na kinausap niya. "You should go back now, Miss Arzee," sambit niya pa.
Tiningnan ko lamang siya sa huling pagkakataon bago bumaba ng taxi niya. Nagtataka pa ako kung bakit niya ako pinababa pa e pupwede naman niya akong ihatid sa mismong bahay roon, pero pagbaba ko, nakita ko si Tatay Isko na siyang ama ng tahanan ng pamilyang tinutuluyan namin ni Akira dito sa probinsya.
"Oh, Arzee, ikaw pala 'yan anak!" naibulalas ni Tatay nang makita ako.
Alangan akong ngumiti sa kanya. Nakonsensya tuloy ako bigla nang dahil sa pag-a-attempt na umalis nang walang pasabi. "I had to meet someone in Manila po," tugon ko.
Tumango lang si Tatay at hindi na nagtanong pa. Pinasakay na niya ako sa kanyang taxi at saka nakipag-kwentuhan habang nasa biyahe kami.
"Gutom ka ba, Tatay?" tanong ko sa kanya dahil mukhang pagod na rin siya sa trabaho. "Pahinto na lang ho sa tabi. Bibili ako ng makakain natin."
Huminto ang taxi sa isang maliit na convenient store. Una kong napansin ay ang ATM doon na pupwedeng pagkuhanan ng pera. May allowance naman kami para sa misyon na ito. Kaya naman pinuntahan ko kaagad iyon.
Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng pants ko. Kaagad kong kinuha ang atm card ko at isinalpak na sa machine. Chineck ko ang laman nito. Marami-rami pa naman akong naipon. Kinuha ko lahat ng laman nito at wala akong tinira ni piso.
Matapos kong makuha ang ilang libong piso ay pumasok ako sa convenient store at pinambili ng makakain si Tatay. Bumili ako ng isang box ng donut para sa 'kin at rice naman na may steak para sa kanya. Pinambili ko na rin ng pasalubong ang pamilya niyang dadatnan namin.
Bumalik ako sa taxi at inabot sa kanya ang rice niya at ang isang plastic na punong-puno ng junk foods, chocolates, drinks, at tatlong boxes ng donuts.
"Advance thank you for your kindness, Tatay," nakangiti kong saad.
"Salamat. Nag-abala ka pa, hija."
"Kulang pa po iyan sa kabutihan ninyo."
"Hindi ako humihingi ng bayad, hija. Okay na sa akin 'yang salamat mo. Pero salamat sa mga ito, anak..." nahihiya pa niyang sambit.
Napangiti na lang ako. May ganito pa palang klase ng tao. Napakabuti kahit pa kapos sa buhay. I aspire to be someone like him.
Chineck ko ulit ang phone ko. Ang daming missed calls. Hindi ako nag-abalang tingnan ang mga iyon nang makita ang mga pangalan nina Kuya Tristan at Akira.
Ilang minuto ang lumipas bago huminto ang sasakyan sa isang maliit na bahay. I smiled at Tatay.
"Salamat, 'Tay."
Pumasok kami sa munting bahay nila. May maliit silang sala roon, sofa, tv. Maliit lang din ang kusina nila at isang kwarto. Sa dami namin dito, halos hindi na kami makagalaw sa sobrang siksikan sa pagtulog.
"Isko Jose, napadaan ka ata? Pinayagan ka ba ng boss—" Natigilan si Mama nang makita si Tatay at nang makita ako. "Arzee anak? Saan ka galing, hija?" nagtatakang tanong niya.
"Kumalma ka," ani Tatay Isko. "Nanggaling sa Maynila itong si Arzee. Mabuti na lamang ay nakita ko siya kaya hinatid ko na siya pauwi," paliwanag ni Tatay para sa akin.
"Nag-alala kami sa 'yo, Arzee. Kumain ka na ba?" tanong ni Mama kaya napangiti ako. Para talaga niya kaming tunay na anak ni Akira. Masaya naman kami dahil pareho naming nami-miss na ang pag-aalaga ng isang ina.
"Oo, kumain na kami. Binilhan din kayo ni Arzee ng makakain." Inilabas ni Tatay ang mga binili kong pagkain para sa buong pamilya at saka na kami pumasok sa loob. Sinalubong pa kami nina Travis at Terrence na nag-agawan sa donuts. Lumabas din mula sa kwarto si Kuya Tristan na nakikuha sa dala kong donuts.
Sunod na lumabas sa kwarto si Akira na nangunot ang noo nang makita ako. Sinenyasan niya ako na mag-usap kami kaya pumasok ako sa kwarto kasama siya.
Umupo si Akira sa kama at saka niya ako tiningnan. "You tried to escape, didn't you?" diretso niyang tanong sa akin dahilan upang matigilan ako.
Sa huli, umamin din ako. "Yes, but it is impossible. May mga matang nakamasid sa atin," tugon ko sa kanya.
Sumang-ayon siya. "Don't worry. I found some leads dito sa misyon na ito. I'll discuss it to you once I confirmed something."
"Really?" hindi makapaniwala kong tanong. "Saan tayo magsisimula?" excited ko pang sabi.
Ngumiti sa akin si Aki. "Sa Lauren High. In-enroll din kita."
What? Does that mean na magtatagal pa kami rito?