Pansin kong malalaki ang mga bahay sa baryo sa parteng ito, lugar malapit sa paaralan. Syempre mas malalaki pa rin ang sa Manila, pero kung ico-compare mo ang mga bahay sa bahay nina Mama at mga ito, sobrang laki na ng mga ito. Ang mga bahay sa tabi rin namin ay maliliit lang. Magkaiba nga talaga ang buhay ng mga mayayaman sa mahihirap.
Bago ko narating ang school na sinasabi nila, nadaanan ko pa ang isang coffee shop. Mas malaki ito kumpara sa pinagta-trabauhan ni Kuya Tristan at mas sosyalin ito. Doon na lang ako nagpababa sa taxi at pumasok sa shop. Sinalubong ako ng isang babae.
"Good evening!" Inihatid niya ako sa isang table at doon pinaupo. Binigyan niya pa ako ng menu. Pero hindi iyon ang pakay ko dito.
"Excuse me, miss. Pwede ba akong magtanong?"
"Sige po. Ano po iyon?"
"Paano mag-apply rito?"
"Ah! Sunod po kayo sa 'kin." Tumayo ako at sumunod sa kanya. Nagtungo kami sa office at iniwan na niya ako roon.
"Good evening! I'm Akira...uhm, Aki. I'm Aki." Muntanga lang ako. Ayoko lang banggitin ang apelyido ko, although alam kong hindi naman nila mare-recognize.
Nakatalikod sa akin ang owner ng coffee shop. Para bang hindi siya interesado sa sasabihin ko.
"Dala mo ba ang requirements?"
"Kung pwede, to follow na lang? Wala kasi akong dala na kahit na ano. Requirements lang sa school na papasukan ko." Hindi siya sumagot. "Actually, balak ko lang sanang magpunta sa school dito para tingnan, pero nadaanan ko ito at gusto kong mag-work dito para malapit na rin sa school." Isa pang pakay ko rito ay ang mga impormasyon na makukuha ko mula sa customers, lalo na at mas malapit ito sa paaralan.
Biglang nabuhay ang misyon sa isipan ko at unti-unti na akong nagkakaroon ng lead.
"Kaya mo bang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral?" tanong niya nang hindi pa rin ako nililingon.
I laughed sarcastically. "Of course not!"
Humarap siya bigla sa akin. "E bakit ka pumapasok ng trabaho rito kung hindi pala?"
Medyo matigilan ako. Hindi siya tulad ng inaasahan ko. Bata pa siya. Mukhang kasing-edad lang siya ni Kuya Tristan.
"I can't. Hindi ko maipagsasabay. Hindi naman pwedeng during school hours ay nandito ako at nagta-trabaho," angal ko.
Medyo nailing siya. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin."
Nagkibit-balikat ako. "I need this job. Here's my number. Call me if you need a worker," mabilis na tugon ko at saka ko isinulat sa isang maliit na papel mula sa desk niya ang number ko. At saka ko inilapag iyon sa harapan niya na ikinabigla niya.
Tinalikuran ko na siya. Siguro nga kakaiba akong babae para sa kanya. Hindi kasi ako maalam sa pag-a-apply ng trabaho. You know, estudyante palang ako at wala akong alam sa pagpasok sa trabaho.
Lumabas na ako ng shop at naglakad na lamang patungo sa paaralan. Bago pa ako makalakad palayo, biglang may humawak sa braso ko upang pigilan ako. Lumingon ako at nakita ang owner ng shop.
"Pwede ka nang magsimula bukas. Bumalik ka bago sumikat ang araw para mapag-usapan natin ang tungkol sa schedule mo," wika niya na ikinabigla ko. Kukuhanin niya ako? Wow, I didn't expect it to be this easy.
"Bukas pa? Pwede namang ngayon," confident na sabi ko. "Can we talk about the details now?" suhestiyon ko pa.
Nailing na lang siya sa inasta ko. "Follow me," aniya at saka siya naglakad papasok sa shop niya at iginiya niya ako sa opisina niya upang doon kami mag-usap.
"Estudyante ako sa Lauren High kaya alam ko ang oras ng mga estudyante roon. Five in the afternoon ang dismissal ng lahat."
"Oh. Tapos four hours shift dito? Not bad," komento ko.
"Five hours. Malaki ang sahod dito, don't worry," confident na sagot ng owner.
"Alright. Five to ten ang magiging schedule ko. Okay na ba?" I concluded.
"Okay. It is settled then. See you tomorrow morning para sa first day mo," wika niya na tinanguan ko lang at ipinagpasalamat sa kanya. Saka na ako nagmadaling lumabas ng opisina.
Napabuntong-hininga ako. Kaya ko ba? Kakayanin ko!
Tiningnan ko ang oras at alas nueve na ng umaga. Antok na antok na ako.
Pero bago pa ako makatulog, dumaan na ako sa school upang i-enroll si Kuya Tristan. Ngunit dahil sa mga nasagap kong impormasyon na galing sa mga estudyante ng paaralang ito, in-enroll ko na rin ang sarili ko at si Arzee.
Kinabukasan, nagtungo na ako sa coffee shop na pagtatrabauhan ko. Iyon ay ang Little Coffee Prince na shop. Since hapon pa ang pasok ko, nakapag-pahinga pa ako nang mahaba upang makabawi sa pagod ko kahapon.
Ngunit pagdating ko roon, isang malamig na iced coffee ang sumalubong sa akin. Nagmamadali kasi ang waitress at nabunggo siya sa akin. Naligo ako ng malamig na kape at basang-basa damit ko!
"Wait, kailangan kong maligo..." naibulalas ko at nagmamadaling kumuha ng susuotin ko mula sa locker area saka nagtanong sa mga kasamahan na nandoon. "May bathroom ba akong gagamitin dito? I need to take a bath."
Nagulat ako nang makita roon ang owner, naka-uniporme rin katulad ng mga trabahador. Ngumiti siya sa akin. "Sa office ko. I'll wait for you." Ginulo niya ang buhok ko at tinalikuran na ako. Tss. Ibinalik ko ang tingin ko sa locker. Ang gulo ng pagkakalagay mga uniporme roon. Matapos kong makakuha, nagtungo kaagad ako sa opisina ng owner at doon nag-trabaho. Saka ko lang nalaman na ang pangalan niya ay Zian.
Hindi na ako nag-abalang kumatok pa at dumiretso na lang ako sa bathroom. After five minutes ng pagbanlaw, lumabas na rin ako at nadatnan ko siya na nakaupo sa isang couch.
"Thanks! I'll get going then."
Lumabas ako ng opisina niya. Sinalubong naman ako ng manager ng shop. Kabaliktaran ito ng ugali ng manager sa kabilang coffee shop na pinagtatrabauhan ni Kuya Tristan. Itong babaeng kaharap ko ngayon ay palangiti.
"Waitress or janitress?" Hindi na niya ako hinayaang makasagot. "I think kaya mo sila pareho. Here."
Tinitigan ko ang basahan at pail na ibinigay niya. I groaned. Mukha lang anghel, demonyo pala. Well, just like me. Anghel lang ako sa panlabas na anyo, pero demonyo rin talaga ang ugali ko.
I smiled at her. "Sure. It's my pleasure."
Sinimulan ko nang punasan ang glass walls. Isa't kalahating oras siguro ang nakalipas bago ko natapos lahat. Next naman ay ang floor. At dahil wala raw mop, yung basahan na lang daw na ibinigay niya ang gamitin ko. Maldita talaga! Mag-a-alas onse na ng gabi nang matapos ako. Akala ko pahinga ko na, pero nilapitan kaagad ako ng manager at pinag-serve naman niya ako.
"Dalian mo. Ayoko ng babagal-bagal dito."
Kumuha ako ng tray at inirapan ko siya. Ihampas ko sa pagmumukha niya 'to, eh. Nagsimula na ulit akong mag-trabaho. Sobrang daming tao, grabe! Kung marami sa kabilang coffee shop, triple ang dami rito. Karamihan sa mga customer ay mukhang mga estudyante sa Lauren High. Lalo na ang isang lalaking kanina pa utos nang utos.
"Pwede bang paki-charge itong phone ko sa loob? Dead batt na, eh. Kahit ten minutes lang." Kung pwede lang sumagot ng hindi pwede, eh. I rolled my eyes at kinuha ang phone at charger na inaabot niya sa 'kin. Isang utos pa, tatamaan na talaga sakin 'to.
Nagpunta ako sa locker room at inabot sa isang kasamahan ko ang phone at sinabing i-charge iyon ng mga ten minutes. Paalis na rin kasi ako at tapos na ang shift ko. Kinuha ko na rin ang maruming damit sa locker ko para maiuwi na ito.
Lumabas ulit ako para sana magpaalam na nang biglang tinawag na naman ako nung customer na utos nang utos. Lumapit naman ako.
"Yung phone ko, aalis na ako."
"Eh, kaka-bigay mo lang - "
"Nagbago na nga isip ko, eh."
Bumuntong hininga ako at pinakalma ang sarili ko. D*rn. I'm f*cking tired and I have no time for this bullsh*t. Tinalikuran ko na lang siya at bumalik sa locker room. Kinuha ko ang phone niya at binalikan siya sa table niya.
"Here."
Hindi ko na hinintay pang sumagot siya. Tinalikuran ko na kaagad siya at nagpaalam sa manager na aalis na ako.