CHAPTER FOURTEEN
“MOM, WE got something to tell you,” nakangiting sabi ni Keith Clark at sinulyapan si Sanya. Hawak nito nang mahigpit ang kamay niya.
Palapit na ang dinner time at malakas pa rin ang buhos ng ulan at hangin sa labas. Tinutulungan ni Mrs. Escudero ang mga kasambahay sa paghahanda ng hapunan nila.
“Na ano? Na official na kayo? Congrats!” Masayang ibinuka ni Mrs. Escudero ang mga kamay nito.
Nagkatinginan sila ni Keith Clark. Natawa na lang si Sanya. Favorite spoiler na talaga niya ang mommy nito.
“Siyempre, pinagdaanan ko `yan. Alam na alam ko `yan. I always knew you’d end up together. Siguradong magiging masaya ang daddy mo nito, Kitkat!”
Niyakap naman nang mahigpit ni Keith Clark ang mommy nito.
“Thank you for being supportive, Mom. Salamat kasi lagi kang nandiyan. I love you.” Hinalikan pa nito ang buhok ni Mrs. Escudero.
Hindi mapigilan ni Sanya ang mapangiti habang pinagmamasdan ang mag-ina. Ang swerte-swerte talaga niya rito.
Pagkatapos yakapin si Keith Clark ay siya naman ang niyakap nito.
“Success, right, Sanya?” she said happily.
“Opo, Tita. Maraming salamat po sa pagsama sa `kin dito. Kung hindi n’yo ginawa `to, baka nakatunganga pa rin ako sa isang tabi at nag-aalala,” masayang sabi niya.
“Sanya, what I did is just a little push. Ingatan ninyo ang isa’t isa at bigyan n’yo `ko ng maraming apo, okay?” Hinawakan pa nito ang mukha niya at pinisil ang kanyang pisngi.
Natatawang napatingin siya kay Keith Clark.
“Mas advanced ka, Mom, pero `yan din ang gusto ko.” Inakbayan siya nito at hinalikan sa gilid ng kanyang noo.
TULUYAN nang sumikat ang araw sa pangalawang araw nina Sanya sa Leyte. Sabi sa balita, nakaalis na sa Philippine Area of Responsibility ang nalusaw na bagyo. Tiningnan nila ang kalagayan ng mga tao sa evacuation center. Merong mga nagkasakit pero hanggang trangkaso lang. Namigay na rin ng mga gamot at vitamins ang city health office.
Tuwang-tuwa pa ang mga tao doon nang dumating ang mga truck ng kilalang fastfood chain para mamigay ng mga pagkain, na galing sa personal na pera ni Mrs. Escudero. Nagpadala rin ito ng truck ng mga pagkain sa iba pang evacuation center.
Nakita ni Sanya na tuwang-tuwa ang mga bata. Hindi raw kasi sa araw-araw ay nakakatikim ang mga ito ng mga masasarap na pagkain.
“Sanya, bakit hindi ka pa kumakain?” tanong sa kanya ni Mrs. Escudero nang lapitan siya nito.
“Sabay na lang po kami ni Kitkat, Tita. Kinakausap pa kasi niya `yong mga tao ro’n.” Itinuro niya ang kinaroroonan nito. Meron itong kausap na dalawang senior citizen na sa tingin niya ay mag-asawa. Kasama rin nito ang isang doktor mula sa city health office.
“Matapos lang niya ang term niya sa susunod na taon, masosolo mo na rin siya,” sabi nito.
Napatitig siya sa ginang.
“Okay lang naman po kung gusto niya uling tumakbo sa susunod na eleksiyon,” sabi niya.
Bumakas ang pagkamangha sa mukha ni Mrs. Escudero.
“Ayos lang sa`yo `yon?”
“Opo. Pwede naman kaming gumawa ng arrangements, e. Saka mukhang nasa dugo na ni Kitkat ang pagtulong sa kapwa niya. Kung ano po ang gusto niya, `yon na rin ang gusto ko.”
“Oh, Sanya, pati ako, napasaya sa sinabi mo.” Hinawakan nito ang kamay niya nang mahigpit. “I always knew my son is ready to build his own family. Tamang babae na lang ang kulang. At dumating ka na nga sa buhay niya.” Hindi naitago ni Mrs. Escudero ang saya sa mukha nito.
Hindi napigilang tumaba ng puso niya. Pabirong hinaplos ni Sanya ang buhok niya.
“Neke, Tita, meleet ne begey. Keye nemen.”
Napahalakhak naman si Mrs. Escudero sa sinabi niya.
NAGPAALAM sandali si Sanya na magsi-CR muna. Saka na lang niya lalapitan si Keith Clark pagbalik niya para yayain itong kumain. Baka kasi makalimot na naman ito.
Kalalabas pa lang niya ng banyo nang makasalubong niya si Pretzel. Dahil ilang araw na silang magkasama ay hindi siya nito pinapansin, hindi na rin sana niya ito papansinin at iiwas na lang. Kaya naman nagulat siya nang sadya nitong harangan ang dinadaanan niya.
“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni KC sa`yo, Sanya,” nakataas ang kilay na sabi nito.
Napakunot-noo naman siya.
“Ano’ng klaseng tanong `yan? You knew we were dating even before we met. He must have told you it was love at first... meeting.”
Saglit lang ang pagkatigil sa mukha ni Pretzel dahil bumalik din ang malditang mukha nito.
“Love at first meeting? That’s ridiculous.”
“Indeed. But it happens,” she said matter-of-factly.
Gusto yata akong pikunin ng babaeng `to. Kung hindi lang saksakan ng bait ang mommy nito, sasaksakin ko na `to, e. Ng kindness.
“I’m sorry for being frank but... KC and you, `di kayo bagay.”
“`Di ko kailangan ng opinyon mo. Marami rin ako niyan.” Ngumiti siya nang matamis.
Tumalim ang tingin nito sa kanya.
“`You think you’re funny?” pakli nito.
“`You think you’re intimidating enough?” ganting pakli niya. “Huhulaan ko, bunga `yan ng failed attempts mo para ibaling ang atensiyon ni Kitkat sa`yo, `no? You stayed under one roof yet you can’t seduce him? Maganda kang babae, Pretzel.” Hinagod niya ng tingin ang babae. Papaano niya nagawang ma-insecure nang kaunti rito noong isang araw? “Pero walang masamang tanggapin na hindi lahat ng bagay, makukuha mo dahil lang tingin mo, bagay sa`yo.” Napahawak siya sa kanyang tiyan. “Naii-stress ang baby ko sa`yo.”
Pretzel’s jaw dropped.
Ano ka ngayon?
Gustong matawa ni Sanya sa hitsura nito.
“Maiwan na kita, ha,” nakangiting paalam niya.
“CUPCAKE!”
Napangiti si Sanya nang makita si Keith Clark na nagmamadaling lumapit sa kanya.
“I’ve been looking around for you. Sa’n ka galing?” alalang tanong nito.
“Nagbanyo lang. Ang bilis mo naman akong ma-miss,” natawang sabi niya.
“Halika na. Kumain na tayo.”
“Icing,” sumeryosong ani Sanya.
“What is it?”
“Alam mo namang gusto ka ni Pretzel, `di ba?”
“Yes, sinabi niya `yon.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Pero hindi mo kailangang mag-alala. I already made it clear to her na ikaw ang mahal ko. Mabait naman siya. Kinakapatid ko ang mommy niya kaya parang kapatid na ang tingin ko sa kanya. People can say anything they want. Pero ang meron tayo ang pinakamahalaga sa lahat.”
“Mabait? Sinabi kaya niyang hindi tayo bagay.” Hindi niya napigilang mapasimangot dahil doon.
Keith Clark laughed.
“She did? Huwag mo na lang pansinin ang sinabi niya.”
“Hindi ko naman masisisi ang sino man na magkagusto sa`yo. Pero gusto kong umatras na siya. Kaya sabi ko, huwag niyang i-stress-in ang baby ko.”
Lalo itong natawa. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang pagkinang ng mga mata ni Keith Clark.
“Icing,” sabi pa niya.
“Yes, cupcake?”
“Hindi pa `ko dinadatnan simula no’ng may nangyari sa `tin sa resort.”
Napanganga si Keith Clark.
“Hindi nga, cupcake?” paniniguro pa nito.
“Oo nga. Pero kailangan ko pang magpa-check up para makasigurado.”
“Okay. Magpapa-check up tayo.” Kinuha nito ang mga kamay niya at hinawakan nang mahigpit. “Kung sakaling positive, ito na ang pinakamagandang balitang natanggap ko ngayong taon na `to,” malawak ang ngiting sabi nito.
Parang gustong maiyak ni Sanya nang mga sandaling iyon. Sana nga positive. Gusto niyang bigyan ng anak si Keith Clark gaya ng pangako nila kay Mrs. Escudero.
“Wala akong maiaalok na singsing sa`yo ngayon pero pakakasal ka ba sa `kin?”
Napasinghap si Sanya at natutop ang kanyang bibig.
“Seryoso ka?” paanas na tanong niya.
“Siyempre naman!”
Natawang naluha siya.
“Oo, magpapakasal ako sa`yo!” buong pusong tugon niya.
Natawa siya nang biglang humiyaw at tumalon si Keith Clark. Napatingin tuloy ang mga tao sa kanila. Patalon siyang yumakap dito at iniikot naman siya nito. Napahigpit ang yakap niya kay Keith Clark.
“Son, what’s happening?” si Mrs. Escudero na nagmamadaling lumapit sa kanila.
Nahampas naman ni Sanya ang dibdib ni Keith Clark nang ibaba siya nito.
“We’re getting married, Mom!”
“Omigosh!” Napasinghap si Mrs. Escudero. “I knew it! Congratulations, children!”
Nagulat na lang sila nang maghiyawan at magpalakpakan ang mga tao sa evacuation center. Niyakap siya ni Keith Clark at hinalikan ang mga labi niya.
“Thank you, thank you!” sabi naman nito at kumaway-kaway sa mga tao.
Niyakap naman sila ni Mrs. Escudero.
SORRY, ladies. The most handsome senator in the history of the Republic of the Philippines is now married.
ICYMI, Senator Keith Clark Escudero tied the knot with his talented painter wife, Sanya Sta. Maria-Escudero in a private ceremony at the famous Tagpuan beach resort on Valentine’s Day.
Keith Clark’s mother, Kristina Escudero, renowned actress and wife to former Senator Frederico Escudero happily shared to her followers this wonderful milestone. The intimate ceremony was attended by the family of the bride and groom, including Keith Clark’s half-brother, San Jacinto Governor Yannick Escudero and his own family, and the couple’s closed friends and relatives.
Kristina also shared that the wife is already pregnant with the couple’s first baby. The news was quite surprising especially to the fangirls out there. But we all wish him happiness, right? Let’s wish them all the best!
“CUPCAKE, ilang beses mo nang nabasa `yan. Mamaya baka ma-memorize mo na.”
Natawa na lang si Sanya nang malingunan si Keith Clark. Nakalabas na pala ito ng banyo. Nag-a-update siya ng kanyang social media account at sumasagot sa mga inquiry tungkol sa painting niya nang madaanan niya ang article na iyon. Nabasa na niya iyon kahapon pero binasa uli niya dahil merong nag-share.
Nakatira na sila sa bahay ng parents nito. Agad napagkasunduan nilang mag-asawa iyon. Masyadong malaki ang bahay ng mga Escudero. Malulungkot ang mga magulang nito kapag bumukod pa sila. Isa pa, desidido si Mrs. Escudero na maging hands-on lola sa unang apo nito.
Napagplanuhan nga nilang mag-asawa baguhin nang kaunti ang kwarto nila para gawing We Bare Bears-themed. Sisimulan iyon ni Sanya sa pagpipinta sa mga dingding.
“Natutuwa lang akong mabasa. Sa dinami-dami ng babaeng may gusto sa`yo, ako ang pinakasalan mo. Kung hindi ba naman malakas ang gayumang ginamit ko.” Sanya jokingly flipped her hair. “De joke. Ganda at dasal lang talaga ang sandata ko.”
Nilapitan siya ng asawa at kinorner sa kinauupuan niyang swivel chair. Napahagikhik siya nang maamoy ang shampoo at sabong gamit nito.
Napasunod din ang tingin niya sa tiyan nito. Hablutin kaya niya ang nakatapis na tuwalya sa baywang nito? Trip-trip lang.
“Yes, Icing?”
“Sa dami ng lalaking pwede mong hilingin, ako talaga ang ipinagdasal mo. I’m glad God heard you,” masuyong sabi nito.
“Meleet ne begey,” sabi niya at pabirong hinaplos ang buhok.
Natawa naman ang asawa niya.
“You turn me on when you do that,” he said.
“I meant to turn you on when I do this.” Nagtaas-baba siya ng kilay. “Magbibihis ka pa ba o... pwede nang ganyan?” Hinagod niya ang kabuuan nito. Kaunti na lang talaga, hahablutin na niya ang tuwalya nito. “Sige, pwede na ring ganyan.” Siya na ang nag-decide.
Natatawang hinila siya ni Keith Clark patayo at pinaikot. Then he hugged her tight.
“I only said it `cause I mean it,” he sang. “I only mean it `cause it’s true...”
Sanya wrapped her arms around his waist. Idinantay niya ang isang pisngi sa dibdib nito at ipinikit ang kanyang mga mata, at ninamnam ang init na nanggagaling sa katawan nito, ang t***k ng puso nito, at ang boses nitong humaharana sa kanya.
“So don’t you doubt what I’ve been dreaming... `Cause it fills me up and holds me close whenever I’m without you...”
Tiningala niya si Keith Clark at sinalubong siya ng mainit na mga labi nito. This man, now her loving husband, will always be her reminder that prayers could be answered and dreams could come true. At ilang buwan na lang, iwe-welcome na nila ang kanilang panganay.
***WAKAS***