CHAPTER THIRTEEN
WALA PANG limang minutong nasa banyo si Keith Clark ay napabangon si Sanya sa kama. Napatingin siya sa gawi ng banyo. Naririnig niya ang buhos ng tubig mula sa shower. She wondered if Keith Clark was in his naked glory under that.
At hindi mapigilang maglilikot ng imahinasyon niya. Pero kung pwede naman niya itong samahan sa shower para makita niya mismo... Huminga siya nang malalim.
Sinimulan niyang hubarin ang kanyang blouse, ang kanyang leggins at ang natitira pa niyang saplot. Hindi iyon ang iniisip niya nang sabihin niyang humanda ito. Pero pwede na rin naman.
Sanya’s face flushed and her breathing increased. Naglakad siya papuntang banyo. Nahahati iyon sa dalawa. Nakita niya si Keith Clark sa ilalim ng shower na nahaharangan ng salaming dingding. Napalunok siya.
Hindi na niya kailangan pang tawagin ito dahil parang naramdaman nito ang kanyang presensiya. Nilingon siya ni Keith Clark. Napasuklay ito sa basang buhok nito kasabay ng paghagod nito ng tingin sa kabuuan niya.
He looked at her with desire. Walang salitang hinapit siya nito sa baywang, his erect manhood pressed against her aching navel. Inilapat ni Sanya ang mga palad sa dibdib nito. Malamig sa loob ng banyo pero pakiramdam niya ay nilalagnat siya.
As if to tease her, Keith Clark lightly brushed his lips against hers. Napaawang ang mga labi ni Sanya. She wanted him to kiss her hard and deep. Napaatras siya nang kumilos ito hanggang sa naramdaman niya ang malamig na dingding sa kanyang likuran. And his manhood felt like stone against her now sensitive skin.
“M-may sasabihin ako sa`yo,” paanas na sabi niya rito.
“Ano `yon? Hmm?” Hinawi ni Keith Clark ang kanyang buhok papunta sa kanyang likod.
Sandaling na-distract si Sanya dahil sa pagkakiliti.
“I love you, too, Keith Clark.”
Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito.
“Advanced ako mag-reply.” Kinindatan niya ito at nalaglag ang panga nito. “No pressure.”
Bumuka ang bibig nito pero walang salitang lumabas mula doon.
“Pa’no ko nalaman?” tanong niya. “Hindi mo naman sasabihin na ang cupcake ko ang pinakamasarap sa mundo kung hindi, `di ba?”
“Cupcake...” Mukhang nakabawi na si Keith Clark. Sandali itong nag-iwas ng tingin para bumuga ng hangin. “Hirap akong kumuha ng tiyempo kasi ayokong isipin mo na binibigla kita `tapos... `eto?”
“Bakit mo naman ako bibiglain?”
“Kasi...” Nanlalim ang kunot sa noo nito pero agad din iyong napalitan ng ngiti. “Kasi bago pa lang tayo.”
“Ikaw, siguro, oo. Pero sa `kin, hindi. Ang tagal kitang pinagdasal na loko ka. Walang mabilis at biglaan sa `kin pagdating sa`yo. Ibinigay ko nga ang sarili ko sa`yo, `di ba?” Lumungkot ang mukha niya. “Maliban na lang kung hindi naman talaga ako ang gusto mo.”
Magsasalita na naman sana si Keith Clark nang ilapat niya ang hintuturo niya sa mga labi nito.
“Tama ka. Nagseselos nga ako kay Pretzel kahit na pictures n’yo lang ang nakikita ko. Kinausap ako ni Tita Kristina at gusto ko lang sabihin na na sa `kin ang boto niya kaya hind ka pwedeng magkagusto sa iba. Naniniwala siya na ako lang ang babaeng nararapat sa tabi mo kaya dapat lang na samahan kita rito.” Nagbaba siya ng tingin. “Kahit alam naman natin ang katotohanan na pumayag ka lang makipag-blind date sa `kin no’n dahil sa utang-na-loob mo kay Jared.”
“What made you say that?” kunot ang noong tanong ni Keith Clark.
“Alam kong lagi kang tinutulungan ni Jared sa mga proyekto mo. At alam ni Sonja kung gaano kita kagusto. Hindi naman tayo magkakakilala kung hindi lang pinagbigyan ni Jared si Sonja na kausapin kang makipag-date sa `kin, `di ba?”
“Hindi naman ako napipilitan no’ng pumayag akong makipag-date sa`yo. Hindi ko lang inaasahan na ako pa pala ang ginawan ng pabor ni Jared dahil sa nangyari. You can fall in love with a person so fast and choose to love her for the rest of your life. My dad didn’t believe in love at first. He stopped believing in love at all when his first marriage didn’t last. But my mom’s love changed him and made him believe again.”
Keith Clark cleared his throat. Hinaplos ni Sanya ang mukha nito nang makita niyang nangislap ang mga mata nito. Maging siya ay hindi na napigilang maging emosyonal nang mga sandaling iyon.
“Hindi ba obvious na nagandahan ako sa`yo no’ng unang beses kitang nakita?”
Pigil ang ngiting umiling si Sanya.
“You looked so sexy and intelligent in your skintone dress,” he added matter-of-factly. “And do you have an idea what crossed my mind that same night?”
Parang nahihipnotismo sa mga titig nitong umiling na naman siya.
He smiled. “Ito na `to.”
“H-ha?”
“Ito na `to. Tatlong salita lang `yon pero para kay Dad, iyon ang nagsimula ng panibagong lifetime niya kasama si Mom. `Eto na `to meant ‘she’s the one’. Ito na `to meant ‘you’re the one’. I knew that night you were the one for me, Sanya. And I was supposed to tell you ‘I love you’ first.”
Huminga nang malalim si Sanya at napakagat-labi. Sinakop na naman ng hindi maipaliwang na saya ang puso niya.
“Hindi na mahalaga `yon. Pwede mo `kong sabihan ng ‘I love you’ kahit kailan, and it would still sound like the first time,” madamdaming sabi niya.
“Huwag ka nang magseselos sa susunod, ha? Sa `kin ka lang maniwala. Maria Sanya Sta. Maria, I love you...” Kinuha nito ang isang kamay niya at hinalikan ang kanyang palad. “I love you to the point that I am going crazy. Kung hindi ka rin lang papayag na maging akin habang-buhay, mas mabuti pang tumandang binata na lang ako.”
“Binata ba? Akala ko, dalaga.”
“Come on,” ingos nito.
Hindi napigilang mapahikbi ni Sanya. Natatawa siya habang naluluha. Siguro nababaliw na rin siya. She can’t contain her feelings anymore. Itong lalaking pinangarap at pinagdasal lang niya, hindi niya inaasahang didinggin pala. Heto si Keith Clark ngayon, nangungumpisal ng damdamin para sa kanya!
“Ikaw ang patunay na hindi lahat ng lalaki, katulad ng lalaking niligawan lang ako dahil sa isang pustahan at iniwan ako dahil hindi niya nakuha ang gusto niya sa `kin. Mahal din kita, pinakagwapong senador sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas!”
“Kapag sa`yo galing, mas masarap pakinggan. Sigurado akong miserable ang gagong `yon dahil nagawa ka niyang saktan.” Pinahid nito ang mga luha niya at hinalikan siya nang mariin sa mga labi. “But that made me the luckiest man alive.”
And that also made her the luckiest woman alive. Iniyakap ni Sanya ang kanyang mga braso sa baywang nito at tinugon ang halik nito nang buong puso.
“Sa’n galing `yong ‘no pressure’, cupcake?” tanong ni Keith Clark sa pagitan ng paghalik.
“Hmm?” Napakurap siya. “Ah... sakaling hindi tayo pareho ng feelings. No pressure. Gano’n.”
Keith Clark chuckled. “Cupcake?”
“Yes, Icing?”
“I love you. No pressure.”
Napabungisngis naman si Sanya.
“Just pleasure,” he added.
She bit her lip. “I love that, Icing.”
Keith Clark cupped her butt and caressed it. Napasinghap si Sanya at napaawang ang kanyang mga labi sa pagdaloy ng nakakakiliting sensasyon sa buong katawan niya.
“Let’s start by bathing you first.”
Napatili at napahagikhik si Sanya nang basta na lang siyang hilahin ni Keith Clark sa ilalim ng shower.
GUTOM NA gutom silang dalawa ni Keith Clark nang bumaba sila. Their lovemaking didn’t stop inside the bathroom. Sanya was exhausted but was very pleased and satisfied at the same time.
Tama pala iyong nababasa niya. Masakit daw sa umpisa pero purong sarap naman ang magiging kasunod. Keith Clark said he loved how loud she was and how tight she felt. Lalo lang niyang napatunayang mahal nga siya nito.
“Nasaan na si Tita?” tanong ni Sanya nang matapos na silang paghainan ng pagkain.
“Nagpapahinga na po si Ma’am Kristina,” sagot ni Milou. “Senator, nagbilin si Ma’am na huwag na muna kayong umalis ni Miss Sanya dahil sumasama na ang panahon. Pipingutin daw ho niya kayo kapag nagpumilit kayo.”
Nagkatinginan sila ni Keith Clark. Hindi niya napigilang matawa nang makitang pigil na pigil ito sa pagsimangot.
“Baka raw ilang araw na naman ang abutin bago ka makaligo at makakain,” panggagatong pa ni Sanya.
“Hindi niya kailangang mag-alala. Everything is under control. Hindi ako mabo-bore rito kasi kasama naman kita.”
“Ang sweet n’yo naman talaga,” napahagikhik na komento ni Milou. “Maiwan ko na muna kayo.”
Sabay pa silang nagpasalamat dito. Nang umalis na ang mayordoma ay lalong iniisod ni Keith Clark ang upuan nito palapit sa kanya. Hindi pa ito nakontento at idinantay pa nito ang braso sa balikat niya.
“Icing, masikip ba?” nakapaningkit na tanong niya rito.
“Oo, Cupcake, ang sikip mo, sobra.”
Napaigtad si Keith Clark nang kurutin niya ito sa tagiliran.
“Cupcake, naman.”
“MAGIGING okay lang ba ang mga tao ro’n sa evacuation center?” tanong ni Sanya nang makitang ibinaba na ni Keith Clark ang cellphone nito.
Tinawagan nito si Secretary Bonifacio nang matapos silang kumain.
“`Yon ang siniguro sa `kin ni Secretary Bonifacio kahit na nawalan na raw ng kuryente sa ibang parte ng Leyte. Pero iyong mga nakatira sa delikadong lugar, napalikas nang lahat. Nahirapan kami sa iba sa kanila noong isang araw kasi ang titigas ng ulo nila. Tatawag naman daw para i-update ako. `Yon ay kung hindi maapektuhan pati signal ng mga network.”
Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ang mukha nito. Kaya naman pala nakalimutan na nitong maligo at kumain. Nai-imagine na niya kung paanong nag-effort si Keith Clark na mapalikas ang mga tao para sa kaligtasan ng mga ito.
“Ginawa mo na ang best mo. Siguradong magiging okay lang ang lahat.”
“I hope so.” Kinuha ni Keith Clark ang mga kamay niya at hinalikan ang likuran ng kanyang mga palad. “Pasensiya ka na. Napaka-unromantic ng bonding nating dalawa.”
Hindi niya napigilang matawa.
“Wala akong pakialam. Sasamahan pa rin kita kahit may sumasabog na bulkan. Na huwag naman sanang mangyari.”
Ikinawit ni Keith Clark ang mga braso niya sa baywang nito at inangkin ang mga labi niya.
“Sana hind ka mapagod sa `kin, Cupcake,” sabi pa nito.
Nakangiting umiling siya.
“Ito nga ang rason kung bakit nahulog ang loob ko sa`yo. Hindi ito ang magiging rason para mapagod ako, Senator Escudero.”
“I love you.”
“I love you, too. With pleasure.”
And they kissed again.
“KC! KC, are you there?”
Naputol ang paghahalikan nila nang marinig ang matinis na boses na iyon. Sa isang iglap ay nakatayo na ang isang pamilyar na babae sa entrance ng dining room—si Pretzel.
Para itong natuklaw ng ahas dahil sa nakita. Napatingin ito sa kanya at hinagod ang kabuuan niya.
“Pretzel,” kaswal na tawag ni Keith Clark dito, hindi alintana na magkayakap pa rin sila. “Kasama mo ba ang parents mo?”
“H-hindi,” tugon nito na kay Sanya pa rin nakatingin. “Stranded sila sa evacuation center. Nagpumilit lang akong umuwi dahil baka wala kang kasama rito.” Matabang ang tono nito. “Turns out, naistorbo ko yata kayo.”
“Pretzel, I’d like you to meet my girlfriend, Sanya Sta. Maria.” Nalipat ang braso ni Keith Clark sa balikat niya. “Sanya, this is Pretzel, anak siya ni Mayor Bello. She’d been helping us these past few days.”
“H-hi, Pretzel. I’m glad to meet you,” kimi ang ngiting bati ni Sanya.
“`Di ba, sabi mo noong isang araw, nagda-date pa lang kayo?” sa halip ay tanong ni Pretzel.
Pigil na pigil ni Sanya ang pagngiwi. Parang wala man lang ito narinig.
Kapag may camera lang ba ito mabait?
“Oo nga. Pero do’n din naman kami papunta ni Sanya kaya bakit patatagalin ko pa?” He smiled at Sanya lovingly. Na tinugon din niya ng isang matamis na ngiti.
“Sanya Sta. Maria?” sambit pa ni Pretzel. “Her name sounds familiar.”
“She’s Mom’s new favorite painter. You saw her posts, remember? Iyong painting nila ni Dad sa Nami Island? It was Sanya’s masterpiece,” proud pang sabi nito.
Yes, girlfriend niya talaga ako! Sanya thought triumphantly.
“Oh. Siya pala `yon.” Iyon lang ang tanging nasabi ni Pretzel. Lumungkot ang mga mata nito pero sandali lang iyon. Agad din itong ngumiti pero hindi rin umabot sa mga mata nito. “Magaling ka. It’s nice to meet you, by the way.”
“Thanks,” tipid na tugon naman ni Sanya.
“If you’ll excuse us, Pretzel, magpapahinga na kami ni Sanya. I’ll see you later.”
“Okay. See you later.”