CHAPTER EIGHT
"MAUNA na 'ko, ha? Antok na antok na talaga ako. Happy birhtday uli, Senator. Good night," sabi ni Sannie matapos ibigay rito ni Sanya ang susi ng bahay.
"Good night, Sannie," tugon naman ni Keith Clark.
Kumaway pa ang kapatid niya bago tumalikod.
"Inaantok ka na rin ba?" tanong naman nito sa kanya.
"Hindi pa naman. Bakit?"
"Dito muna tayo," pangiti-ngiting sagot naman nito.
"Gano'n?" Luminga si Sanya sa paligid. "Halika, pasok ka muna sa loob. Maaga pa naman, e. Kape tayo."
"Hindi ko tatanggihan 'yan."
Kulang na lang ay sumuntok sa hangin si Sanya.
"Halika na."
Pigil-pigil ni Sanya ang pagngiti nang tumalikod na siya.
"Welcome to our humble home," sabi niya nang makapasok na sila.
"It looks nice."
Nang sulyapan niya si Keith Clark ay nakangiti ito. Isinara naman niya ang pinto.
"Salamat," tugon niya.
"Sinong kasama n'yo rito?"
"Kaming tatlo lang. Nasa Amerika si Nanay, nagtatrabaho bilang caregiver. Si Tatay naman, college pa lang ako nang mamatay siya. Naaksidente kasi 'yong truck na minamaneho niya. Nawalan ng preno."
"I'm sorry to hear that."
"Ayos lang." Inilagay niya ang bag niya sa sofa. "'Yan nga pala ang workshop ko." Itinuro niya ang pinto sa tabi ng hagdan. "Kung meron akong ginagawa, diyan na ako natutulog."
"Pwede ko bang makita?"
"Hindi sa ngayon," natawang sagot niya. "Sa ibang araw na lang. Hindi pa ako naglilinis diyan. Tara sa kitchen."
"Sure."
MATAPOS magpakulo ng tubig sa electric kettle ay binuksan ni Sanya ang ref at naghanap ng kung anong bagay na malamig. Nakita niya ang sportsdrink kaya iyon ang kinuha niya. Tinabihan niya si Keith Clark at kinuha ang kamay nito.
"Pwede na siguro 'to." Inilapat niya ang sportsdrink sa kamao nito. Napakislot si Keith Clark at nakuha pa siyang ngitian.
"Sabi ko naman sa'yo, okay lang ako, cupcake."
"Okay ka ngayon pero paano kung mamaga mamaya o bukas? Magmamaneho ka pa, 'di ba?"
"Sige na nga. Baka lalo mo 'kong pagalitan."
Napatitig siya rito. Napatitig din ito sa kanya. At nagtitigan silang dalawa. Ilang sandali pa ay napasinghap si Keith Clark nang bigla niyang ilapat ang bote sa noo nito.
"Ewan ko sa'yo," pakli niya.
Itinabi niya ang bote at tumayo. Tatalikuran na sana niya si Keith Clark nang basta na lang siya nitong hulihin mula sa likuran at niyakap sa baywang. Napaigtad siya nang maramdaman ang paglapat ng pisngi nito sa likod niya.
"H-hoy, kukuha pa ako ng mga tasa."
"Dito ka lang muna. Kahit five minutes lang."
Mariing naglapat ang mga labi ni Sanya habang nakatingala sa kisame. Sinabi nang marupok siya, e.
BUTI na lang, water-proof ang masscara ni Sanya. Nasira na sana iyon sa pagluha niya. Mabuti na lang at marami siyang dalang tissue bilang pamunas ng luha.
Hindi lang siya makapaniwala nang mga sandaling iyon na kasal na ang kapatid niya at kompleto na silang pamilya. Umuwi talaga si Nanay Suzette bago ang araw ng kasal nina Sonja at Jared. At dahil magkakaapo na ito, hindi na raw ito babalik ng Amerika at mag-aalaga na lang ng mga magiging apo nito.
Pumapalakpak ang mga saksi nang ideklara ang mga ito na mag-asawa na pero siya, nagpapahid pa rin ng luha. Ang gandang pagmasdan ng dalawa. Nakaramdam siya ng inggit pero kaunti lang.
Isang sunset wedding sa Tagpuan beach resort at lahat sila ay naka-beach attire. Blooming na blooming si Sonja at gano'n din si Jared. Wala na ang dating peklat nito matapos magpa-surgery. Kahit nagkaroon ng kaunting problema ilang linggo bago ang big day ng dalawa, kampante si Sanya na matutuloy pa rin naman ang kasal. Nagkakilala ang nagmahalan ang dalawa sa loob ng maikling panahon pero hindi rin naman naging biro ang pinagsamahan ng mga ito.
"Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Keith Clark nang akbayan siya nito.
Naka-all white ito nang hapong iyon. Bahagyang nakabukas ang puting polo nito kaya kita ang puti nitong sando. Bakit pa kasi ito nag-sando? Naharangan tuloy ang magandang view.
"O-okay lang. Ito pala 'yong feeling na maunahan ka pa ng kapatid mo na magpakasal, 'no?"
Keith Clark laughed. His thumb caressed her bare shoulder. Napalunok si Sanya at napatingin sa kamay nitong nakaakbay sa kanya. Ano ba itong ginagawa ni Keith Clark sa kanya? Nakikiliti tuloy siya.
"Huwag ka nang umiyak. Ang ganda-ganda mo, e." He gently tucked her loose hair behind her ear. Napakislot na naman siya at napatitig sa mukha nito.
Akala ko, sasabihin niyang huwag na akong umiyak dahil kami na rin naman ang susunod na ikakasal.
"Nababawasan ba ang ganda ko kapag umiiyak ako?"
"Hindi," he answered with a smile. "Nagmumukha kang fragile."
"Heto na nga, tatahan na." Pinahid niya ng hawak na tissue ang ilalim na mga mata, ingat na ingat na hindi masagi ang masscara niya. Huminga siya nang malalim. "Okay na 'ko."
"Hindi, parang hindi ka pa okay." Kinabig siya payakap ni Keith Clark at isinubsob sa dibdib nito, inhaling his scent in the process. Awtomatikong napahawak si Sanya sa likod nito.
Natawa naman siya. Gusto lang yata nitong tsansingan siya, e.
"KEITH, I owe you big time."
Natawa si Sanya nang makita ang pagsinghap ni Keith Clark matapos itong yakapin ni Jared. Halatang napahigpit ang yakap ng kaibigan nito.
Sa restaurant ginanap ang reception. Hindi pa sila makapagsimulang kumain dahil nasa CR pa sina Sannie at Nanay Suzette, pati na sina Jemaika at Mrs. Yap.
"I know that, James, I know."
"Hindi ko 'to magagawa nang ako lang."
"Maliit na bagay." Napaubo pa si Keith Clark nang malakas itong tapikin ni Jared sa likod.
"You're the best friend I ever had."
Bahagyang nangunot ang noo nito.
"Matagal na tayong magkakilala pero ngayon mo lang ako tinawag na 'best friend'."
Tumawa lang si Jared at muling tinapik ang likod nito.
"Kumusta na kayo ni Keith Clark, Ate?" pabulong na tanong ni Sonja sa kanya.
"Hmm?" Mariing naglapat ang mga labi ni Sanya para pigilan ang pagbungisngis. "Okay naman kami ni Icing, healthy naman kami pareho."
"Ang showbiz ng sagot, grabe." Kulang na lang ay iikot ni Sonja ang mga mata.
Tuluyan nang natawang isinandal niya ang pisngi sa balikat ng kapatid.
"Hindi ko pa rin alam ang sagot kapag tinatanong mo 'ko nang ganyan."
"Trabahuin mo na kasi, Ate. Kapag 'yan nakawala, ikaw rin ang magsisisi."
"Alam ko."
"Ang ganda nitong lugar, napaka-romantic, tahimik... kaya kung ako sa'yo, Ate, pagsamantalahan mo na—"
"Ano?" Nanlalaki ang mga matang napatitig si Sanya sa kapatid.
"Samantalahin ang pagkakataon pala." Pagkatapos ay bumungisngis ito.
"Kurutin kita riyan, e."
"Ano'ng pinag-uusapan ninyong dalawa?" tanong ni Nanay Suzette. Nakabalik na pala ito.
"Nay, si Ate..." napahagikhik na sagot ni Sonja.
"O? BA'T hindi maipintang bagoong 'yang mukha mo?" pansin ni Sanya kay Sannie na bagong dating.
Nasa hugis-kabuteng kubo sila nang gabing iyon para mag-barbecue party. Busy sa ihawan sina Nanay Suzette at Mrs. Yap, kasama si Jamie. Nagtatawanan pa ang mga ito na para bang matagal nang magkakilala. Sayang, wala ang mommy ni Keith Clark. Nasa South Korea raw ang parents nito kaya hindi nakadalo sa kasal nina Jared.
"Tama nga si Kuya Jared," sabi ng kapatid niya.
"Bakit?"
"Mahirap gustuhin ang isang katulad ni Jai. Masyado siyang lapitin ng mga babae at masyado rin siyang mapagbigay sa kanila." Umasim ang mukha ni Sannie. "Nakita ko siyang may kausap na babaeng guest." Itinapat nito ang mga nakabukas na palad sa bandang dibdib nito. "Malaki 'yong future. Wala akong panama. Bwisit na puberty 'to talaga."
Tinawanan naman niya ito.
"Ikain mo na lang 'yan, Bunsoy." Iniisod niya palapit sa kapatid ang bagong lutong isaw. "Maraming isda sa dagat at sa palengke. Okay lang 'yan."
"Buti pa si Ate Sonja." Napalingon si Sannie sa katabing kubo kung saan nandoon sina Sonja at Jared, maging si Jemaika. "Pero tama ka, marami ngang isda sa dagat. At sa palengke." Kumuha ng isang stick ng isaw si Sannie at kumain. "Nawa'y maka-move on ako sa tulong ng mga isaw."
Natatawang kinuha ni Sanya ang red wine at uminom. Napangiti siya nang makita si Keith Clark na palapit sa kubo. Tinawagan pa nito ang mga magulang nito para kumustahin sa bakasyon. Ang thoughtful talaga nito.
"Cupcake, gusto mong maglakad-lakad?" tanong nito nang makaakyat na sa kubo.
"Sa tabing-dagat?" nakangiting tanong niya.
"Sige na, lumayo kayo sa paningin ko, parang awa n'yo na," sabi naman ni Sannie.
"Tse," kunwari ay pakli niya at tumayo. "Tara, Icing."
"May pupuntahan kayo?" tanong ni Nanay Suzette nang mapansin silang dalawa.
"Hihiramin ko lang po si Sanya," nakangiting sagot ni Keith Clark.
"Maglalakad-lakad lang po kami, 'Nay," sabi naman ni Sanya. Kumuha siya ng bottled water sa malaking cooler.
"Sige, enjoy kayo!"
"ANO'NG problema ni Sannie?" tanong ni Keith Clark nang makalayo na sila.
"Hayun, bigo kay Jai," natawang sagot naman ni Sanya.
"Oh." He laughed and took her hand. "Magandang bata naman si Sannie. She'll get over it."
"Sana nga."
Pasimple siyang napakagat-labi nang mapatingin sa magkahawak nilang kamay. Kunwari ay ibinaling niya ang tingin sa dagat para hindi nito makita ang pinipigil niyang kilig.
Nagulat siya nang bigla silang mahinto sa paglalakad. Lumipat si Keith Clark sa harap niya nang hindi binibitiwan ang kanyang kamay. 'Tapos ay ngumiti ito.
"Bakit?" hindi mapigilang mailang na tanong niya.
Imbes na sumagot ay iniangat ni Keith Clark ang mga kamay nila at pinaikot siya nang dahan-dahan. Nang muli siyang humarap dito ay idinaan na lang niya sa pagtawa ang pagkailang na nararamdaman.
Keith Clark sighed. Then he looked at her intently. Sanya swore she could melt with his gaze. Napalunok siya kasabay ng paglukso ng kanyang puso.
"I like you, Sanya Sta. Maria."
At tumigil ang mundo.
Bumuka ang bibig ni Sanya pero walang salitang lumabas. Ngumiti si Keith Clark. Pagkatapos ay tinawid nito ang pagitan nila. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at dinampian ng maikli at mariing halik ang mga labi niya.
It was short but sweet. Hindi agad siya nakahuma pero nakaramdam si Sanya ng panghihinayang na mabilis natapos ang halik. Gusto niyang magprotesta pero masyadong siyang lutang para gawin iyon.
"I hope you don't mind," sabi pa nito. "Wala ka man lang bang sasabihin?"
NAKATITIG si Sanya sa repleksiyon niya sa salamin pero wala doon ang isip niya. Isinara na niya ang gripo matapos niyang magmumog. Katatapos lang niyang magsepilyo.
"Ang shunga mo, Sanya," sabi niya sa repleksiyon at tinampal ang kanyang noo.
Epic fail talaga iyong nangyari kanina! Noong tinanong siya ni Keith Clark kanina kung wala man lang siyang sasabihin, biglang may lumapit sa kanilang dalawang guest na mga senior citizen. Nakilala ng mga ginang si Keith Clark at nakipag-picture dito. Nakipag-usap pa nga ang mga ito sandali.
At si Sanya, dahil hindi niya alam ang gagawin, para siyang teenager na nagtatatakbo palayo rito at nagkulong sa tinutuluyan niyang kwarto! Saka lang niya na-realize na mukha siyang tanga matapos ang kalahating oras na nandoon lang siya.
Hindi niya dapat tinakbuhan si Keith Clark. Dapat sinabi rin niyang, "I like you, too, and I don't mind."
"Dapat gano'n, e!" Muli niyang natampal ang noo. "Iba ka, Sanya. Ikaw na 'tong binigyan ng ganitong pagkakataon, pinalampas mo pa."
Napaingos siya. Baka na-turn off na si Keith Clark sa kanya! Baka bawiin nito ang pagkagusto nito sa kanya. Ayaw niyang maunsyami ang love life niya. Wala na siyang ibang lalaking gustong makasama sa habang-buhay kundi ito lang. Ang tagal-tagal kaya niya itong minahal!
"Ayusin mo 'to, Sanya, ayusin mo!"
Huminga siya nang malalim. Matanda na siya. Halos nasa dulo na ng kalendaryo ang edad niya kaya wala na siyang time para mag-inarte.
Si Keith Clark Escudero 'yon, hello! sermon ng utak niya.
Inayos niya ang sarili. Babalikan niya si Keith Clark at hindi matatapos ang gabing ito nang hindi niya nasasabi rito na gusto rin niya ito kahit matagal na siyang obvious.
Lumabas ng kwarto niya si Sanya. Laking gulat niya nang makita si Keith Clark na lumabas sa kabilang silid. Magkatabi lang ang kwarto nilang dalawa. At nakita niyang nagpalit na ito ng damit.
Halatang nagulat din ito pagkakita sa kanya pero gaya niya ay wala itong nasabi.
"Kit," napalunok na sambit niya sa pangalan nito.
Nanatiling seryoso ang mukha nito.
"S-sorry kung tumakbo ako." Dahan-dahan niyang tinawid ang maliit nilang distansiya. "Nagbago na ba ang isip mo?"
Sandali lang kumunot ang noo ni Keith Clark dahil napalitan iyon ng isang ngiti.
"Gusto kita kanina at gusto kita ngayon. Sigurado akong gusto pa rin kita bukas at sa mga darating na araw."