VII.

1955 Words
CHAPTER SEVEN "LET'S go somewhere else," bulong sa kanya ni Keith Clark mayamaya pa. Napakislot si Sanya sa pagtama ng mainit na hininga nito sa kanyang balat. Napatingin siya rito. Halos tapos na ang dinner at ang mga bisita ni Keith Clark ay umiinom na ng wine. "S-saan?" nautal pang tanong niya. "Diyan lang sa labas, magpapahangin." Napalunok siya. Magpapahangin daw. Wala namang masama ro'n. "O-okay. Tara." "Guys, please excuse us. May pupuntahan lang kami ni Sanya." "Ingat kayo, ha," sabi ni Sonja. "Ay, kahit huwag na pala." "Ano'ng pinagsasasabi mo riyan?" pakli naman ni Sanya. Dumaan sila ni Keith Clark sa sliding door ng restaurant at sinalubong sila ng fish pond na maraming koi. "Ang gaganda nila," manghang anas niya. "Nakapagpinta ka na ng mga ganyan?" nakangiting tanong sa kanya ni Keith Clark. Tumingin siya sa mukha nito at nakangiting tumango. "Maraming beses na. Dito mo ba gustong pumunta tayo?" "Hindi. Hindi rito. Merong makakakita sa 'tin." Hinawakan ni Keith Clark ang kamay niya at hinila na siya palayo sa pond. Nanlalaki ang mga mata ni Sanya habang nakatingin sa likod nito. Hindi raw dito dahil may makakakita sa kanila. Kinabahan siya. Bakit? Ano ba ang gagawin nila? Napahawak siya sa dibdib niya. Teka, handa na ba 'ko? Sinalubong sila ng mga mayayabong na puno ng kalamansi habang naglalakad sa bermuda grass. May ilang mga nakakalat naman na lamp posts sa paligid ng restaurant kaya maliwanag pa rin kahit papaano. Gabi na pala. Hindi man lang namalayan ni Sanya ang takbo ng oras. "Dito tayo." Sa likod ng mga tanim na kalamansi ay may mga sementadong bench na nakapalibot sa malaking bilog na sementadong mesa. Hindi sila madaling makita maliban na lang kung sasadyain sila doon. "Bakit mo 'ko niyaya rito?" tanong niya nang makaupo na sila pareho. Sumandal sa mesa si Keith Clark at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "I just want to be alone." "E bakit mo 'ko isinama?" "I want to be alone with you." Bumundol na naman ang kaba sa dibdib ni Sanya. Kung ano ang tumatakbo sa isip niya para lang bigyang kahulugan ang mga ikinikilos ni Keith Clark nang mga sandaling iyon. Ano ba, Sanya? Huwag kang ganyan! "O-okay ka lang? Pagod ka ba?" "Hindi naman. I'm just... overwhelmed." Napatingala ito sa kalangitan. "Hindi ko alam na mahilig ka palang mapag-isa," sabi niya. Nalipat ang tingin ni Keith Clark sa kanya. Ngumiti ito. "Hindi halata, 'no?" "Masaya ka naman ngayon, 'di ba, Icing?" "Sobrang saya." Kinuha nito ang kamay niya. "Hindi naman sa araw-araw napapalibutan ako ng mga taong mahal ko sa ganitong okasyon." Kasama ba 'ko diyan sa mga taong mahal mo na nakapalibot sa'yo? Charing lang. Napatingin siya sa kamay nitong hawak niya. Huli na niyang napansin na maging siya ay nakahawak na rin sa kamay nito. Sino ang mag-aakala na darating ang araw na ang taong sa TV lang niya hinahangaan ay makakahawak-kamay niya nang ganito sa mga sandaling iyon? Thank you talaga, Lord. "Thank you." "Huh?" maang na anas niya. Hindi niya inaasahan ang susunod na sasabihin nito. "Thank you for being here today." She looked into his eyes and suddenly, she felt like melting. Hindi kumukurap si Keith Clark habang nakatingin sa kanya. Ang seryoso naman yata nito ngayon? Kasasabi lang niya kaninang marupok siya, e! "W-wala 'yon." "Thank you for making my parents happy." "Ang cool nga nila, e," natawang sabi niya. "At kitang-kita ko kung gaano ka kamahal ng mommy mo. Para bang handa siyang ibigay sa'yo ang lahat ng magpapasaya sa'yo." "Alam mo ba kung bakit?" "Hindi," napailing na tugon niya. "Ilang beses nakunan si Mommy bago niya ako ipinagbuntis." "Miracle baby ka pala." "'Yon din ang naging rason kung bakit hindi na ako nagkaroon ng kapatid. Pero meron naman akong kuya sa first marriage ni Dad. Masaya na rin ako do'n." Sa pagkakaalam ni Sanya, governor sa isang probinsiya sa Visayas ang kuya nito at gwapo rin. Pero wala nang gugwapo kay Keith Clark niya, siyempre. Naks! Keith Clark ko! "Blessed ka pa rin," napangiting sabi niya. "I know. 'Tapos..." Marahan nitong pinisil ang baba niya na ikinislot na naman niya. "Nakilala pa kita, cupcake. Additional blessing 'yon, 'di ba?" Tinawag siya nitong additional blessing! Kung alam lang niyang siya ang kabuuan ng mga pangarap ko. Pabiro niya itong siniko. "Marupok ako, binalaan na kita." Natawa na lang silang dalawa. "Cupcake..." Ipinalibot ni Keith Clark ang braso nito sa balikat niya at kinabig siya palapit sa dibdib nito. Nagkarera na naman ang mga imaginary na kabayo sa dibdib ni Sanya. "My cupcake..." Bumaba ang braso nito sa balikat niya. Akala niya ay pakakawalan din siya agad ni Keith Clark pero inilipat lang pala nito iyon sa baywang niya. Pinakiramdaman niya ang t***k ng puso nito. Ang bilis. "Icing?" "Pwede bang ganito muna tayo, cupcake? Kahit ilang minuto lang," mahinang sabi nito. Pinisil niya ang kamay nitong hawak pa rin ang kamay niya. "Ayos lang. Kahit gaano pa katagal." "HUWAG kang manggulo dito, Karlos." Napahiwalay silang dalawa sa isa't isa nang marinig nila ang boses ni Jared. Nagkatinginan pa sila ni Keith Clark. Ilang sandali pa ay walang salitang tumayo sila at pinuntahan ang pinanggagalingan ng mga boses. "Humanda sa 'kin ang lalaking 'yon," narinig ni Sanya na sabi ni Keith Clark. Nalaman niya kanina na kapatid ng namayapang asawa ni Jared ang Karlos na iyon. Malakas uminom ang lalaki at masama ang tingin kay Jared kanina. Hindi niya alam kung ano ang meron sa nakaraan ng mapapangasawa ng kapatid niya pero huwag lang talagang madadamay si Sonja sa gulong iyon. "Poor girl. Ano ang ginawa niya para makuha ka? Huh? Ginipit din ba niya ang pamilya mo para mapilitan kang pakisamahan siya? Of course, sa yaman niyang 'yan, wala namang imposible sa kanya. Bakit hindi ka pa tumakbo palayo at iniligtas ang sarili mo habang maaga pa? O baka huli na ang lahat? Binantaan ka ba niyang papatayin niya kapag iniwan mo siya?" "Stop lying, Karlos!" ang malakas na sita ni Keith Clark nang makalapit na sila rito. Nasa likuran sila ni Karlos. "Kalalaki mong tao, ang galing mong gumawa ng kwento. Sabi ko na nga ba't pumunta ka lang dito para manggulo. You were not invited in the first place! Pasalamat ka't nirerespeto ko ang mga magulang mo. Bakit ka nila pinalabas sa rehab? Hindi ka pa magaling." "Oh, the high and mighty Senator Escudero," nang-uuyam na ani Karlos nang lingunin si Keith. "Bakit ka nakikialam? Hindi naman ikaw ang kinukumusta ko. Bitter ka pa rin ba sa 'kin dahil inagaw ko ang girlfriend mo noon? Man, it's not my fault na mas magaling ako sa kama kaysa sa—" Lumipad ang kamao ni Keith Clark sa pagmumukha ni Karlos at bumagsak ito sa pond. Nabasa pa sila ng tubig dahil sa malakas na pagbulusok nito sa tubig. Malakas na napasinghap si Sanya. Hindi niya alintana na natalsikan siya ng tubig mula sa pond. Mas naawa siya sa mga isda kaysa sa sinapit ng sira-ulong si Karlos. Mabilis namang niyakap ni Jared ang kapatid niya na gulat din sa nangyari. Tumayo si Karlos mula sa pond na habol ang paghinga. Halatang shocked din ito. Kulang pa yata ang ginawa rito ni Keith Clark. "Magpapasalamat dapat talaga ako sa pang-aagaw mo sa ex ko. Wala, e. Hindi nakisama ang kamao ko," sabi ni Keith Clark, halatang wala ni katiting na pagsisisi. "Keith, hindi mo dapat ginawa 'yon," sabi ni Jared pero hindi taliwas naman ang tono. Kung hindi iyon ginawa ni Keith Clark, baka ito rin ang sumapak kay Karlos. "Minsan, may sariling isip 'tong kamao ko." "Nasaktan ka ba?" Kinuha ni Sanya ang kamay ni Keith at marahang minasahe ang nasaktan nitong kamao. "It's okay, cupcake. Wala 'to," he said softly. Nakahinga siya nang maluwag. "Ano'ng nangyayari rito?" Napalingon naman sila sa pagdating ng mga magulang ni Karlos at ng kapatid ni Jared na si Jai. "Are you okay?" tanong ni Jai sa mga ito. Tumango lang si Jared. "Karlos!" si Mr. Silverio sa galit na galit na mukha. Idinuro nito ang anak. "You are so disappointing! Umuwi na tayo!" HINGI nang hingi ng paumanhin ang mga magulang ni Karlos lalong-lalo na kina Keith Clark at Jared dahil sa panggugulo nito. Umalis na rin ang mga ito at hindi na kagaya ng kanina ang atmosphere. She felt bad for Keith Clark. Sinira ni Karlos ang gabi nito. "Uuwi na raw kami ni Jared, Ate," paalam sa kanya ni Sonja. "Okay ka lang ba?" alalang tanong niya. Tumango naman ito at sinikap na ngumiti. "Okay lang ako. Pag-uusapan namin ni Jared ang mga nangyari kanina." Halatang nababagabag na rin si Sonja pagkatapos ng mga narinig nito. "Mag-iingat kayo, ha?" "Oo naman. Kayo rin." Nagyakapan silang magkapatid. Nagpaalam na rin ito kay Sannie at nagpaalam na sa ibang bisita ang dalawa kasama ang anak ni Jared na si Jamie. "Ihahatid ko na rin kayo. Masyado nang marami ang nangyari ngayong gabi. Alam kong pagod ka na," sabi ni Keith Clark sa kanya. "Ikaw, okay ka lang?" Hinawakan ni Sanya ang mga kamay nito. Ngumiti ito. "Ang sarap ng feeling na nasapak ko siya." Nagsalubong ang mga kilay ni Sanya. "Ano'ng sabi mo?" "HINDI mo man lang ba itatanong 'yong tungkol sa ex ko na inagaw ni Karlos?" basag ni Keith Clark sa katahimikan. Pagkatapos nilang magpaalam sa mga magulang nito ay umalis na rin sila. Nasa backseat si Sannie at nakapikit na. "Dapat ba interesado ako sa ex mo na inagaw ng Karlos na 'yon?" sa halip ay tanong din niya. Natawa naman ito. "Wala lang. Baka lang curious ka kahit kaunti." "Ano'ng nakita ng ex mo sa Karlos na 'yon?" "Hindi ko talaga naging ex 'yong babae. Nakalimutan ko na nga ang pangalan niya, e." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Sanya. "Talaga ba?" Natawa si Keith Clark nang sulyapan siya. "Parang hindi naman talaga siya interesado sa 'kin no'ng time na 'yon kundi sa pangalan ko lang. We met a couple of times. Nagulat na lang ako, sila na ng Karlos na 'yon ang magka-date. Sinabi raw ni Karlos na bakla ako. At mas gusto raw niya ng mga bad boy type." Umangat ang isang sulok ng mga labi nito. "Attractive ba talaga ang mga bad boy na lalaki? Dapat ba gano'n din ang image ko para magustuhan ako ng mga babae?" "Hindi ko alam," napakibit-balikat na tugon niya. "Looks could be deceiving, right? May mga bad boy naman kasi na literal na bad talaga." Kaya nga ikaw ang nagustuhan ko, 'di ba? Kinikilig na ako makita pa lang kitang humihinga. "So, ano, nagtagal ba sila?" "Hindi rin," he laughed. "She broke up with him because he was a bad boy. Hindi makontrol ni Karlos ang pag-inom niya at laging gumagawa ng gulo kapag nalalasing. Kaya nga hindi siya maasahan ng mga magulang niya sa pagsalba sa kompanya nila noon. Kinailangan pang pakasalan ni Kimberly si James para hindi mawala sa kanila ang kabuhayan nila. "When Kimberly died, mas lalo siyang lumala. Ilang beses na siyang ipinasok sa rehab pero lagi siyang bumabalik sa dati kapag nakakalabas. Yeah, he was nothing but an asshole. Naaawa nga ako sa mga magulang niya, e." "A-ang... ang saklap naman pala ng nangyari sa first marriage ni Jared." "Meron akong tiwala sa'yo, cupcake. Gusto ko sanang ikwento sa'yo ang alam ko pero wala ako sa posisyon sa ngayon. Nirerespeto ko ang choice ni James." "Ayos lang, Icing." Pinisil niya ang braso nito. "Hihintayin ko na lang na si Sonja ang magsabi sa 'kin. Mas mabuti na rin 'yong wala akong alam kasi buhay naman nila 'yon." Nginitian siya nito na ginantihan din naman niya ng isang mapang-unawang ngiti. May tiwala raw sa kanya si Keith Clark. Ang sarap namang pakinggan n'on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD