Chapter 9: Ashed Wings

1644 Words
"Abo ang kapalit ng bawat kasinungalingan." Third Person's POV ISANG babaeng nakabalabal na itim ang dali-daling pumasok sa isang tindahan na may mga empleyadong nakacostume na anghel. "Good Morning po, welcome to our shop!" bati sa kanya ng isa sa mga empleyado dito. Tumunghay ang babae at binigyan niya ng ngiti ang empleyadong bumati. Sa di kalayuan ay isang babae ang kasalukuyang nag-aayos ng patas ng mga laruang anghel. Nakita siya nito at agad siyang pinuntahan ng babaeng nakabalabal. "Aryl." tawag niya sa babae at hinawakan ang kamay nito. Tinanggal ng babae ang balabal sapat para makita ang mukha nito. "Hindi na ako magtatagal pa. Naibigay mo ba sa kanya ang libro?" tanong dito ni Aryl. "Oo. Naibigay ko sa kanya alinsunod sa nakalagay sa tadhana." ngumiti ito gayundin ang kausap niya. "Salamat..." Ibinalik na muli ng babae ang kaniyang balabal at saka ito tumunghay. "...Kismet." Lumabas si Aryl sa lugar na 'yon at sa paglabas niya ay nakita niya ang isang puting anghel na matagal na siyang gustong makita. Ang puting anghel na siguro'y nakaramdam ng kanyang presensya. Lumapag ito sa kanyang harapan. Nangingilid ang luha ng anghel at saka niyakap si Aryl. "Yule." wika niya at napayakap na rin siya sa anghel. Si Yule ay ang nakakabatang kapatid ni Aryl. Mula nang mapatawan si Aryl na maging isang fallen angel ay hindi na muli pa silang nagkita nito. "Sabihin mo sa akin, ano ba ang nangyari." tanong ni Yule sa kanyang kapatid. Napansin ni Aryl ang pagbalot ng kadiliman sa buong kalangitan. Ganoon din si Yule. Hinawakan ni Aryl ang kamay ng kanyang kapatid, "Panahon na para malaman mo ang buong katotohanan." Nakahawak lamang si Aryl sa kamay ng kapatid at pumikit ito. Ilang sandali pa ay lumabas ang kulay abo nitong pakpak. "Ang 'yong pakpak." puna ni Yule dito. "Abo ang kapalit ng bawat kasinungalingan." sabi ni Aryl dito. Hindi pa man muling nakakapagsalita si Yule ay ikinulong na siya ni Aryl sa kanyang pakpak. Tanging kadiliman lamang ang bumalot kay Yule. Makalipas ang ilang minuto ay unti-unting nagliwanag. Iminulat ni Yule ang kanyang mga mata at nagulat ito sa kanyang nakita. "Nandito na tayo." "I-ito ang lihim na paraiso?" Nagsimula maglakad si Aryl, sinundan naman ito ni Yule. Titingin tingin pa rin ito sa paligid. Punong puno ng bulaklak at paru-paro ang paligid. May mga ibo ding naglalaro sa himpapawid. Sobrang payapa. Naglakad pa sila hanggang sa makarating sa isang malaking puting gusali na may nakasulat na 'Animarum Memoriae' Pumasok si Aryl sa loob ng gusali, agad namang sumunod si Yule sa kanya. Nakarating sila sa loob ng isang silid na punong puno ng mga maliliit at makukulay na bote. Sa loob ng silid ay mayroon pang isang silid na naglalaman ng isang malaking kulay puti na bote. Kinuha ito ni Aryl at ibinato kay Yule. Nakasulat sa bote ang pangalan nito, 'Aryl' "B-bakit nakasulat ang pangalan mo dito?" tanong ni Yule sa kanya. Huminga ng malalim si Aryl at nagsalita, "Bawat boteng nasa silid na ito ay iba't ibang ala-ala ang nakapaloob." nagsimula siyang maglakad sa loob ng silid. "At sa loob ng boteng hawak mo ay ang natitirang ala-ala ko." Binigyan niya si Yule ng isang matipid na ngiti. "Alam kong inutusan ka ni Dusk na hanapin ang huling saling lahi at alam ko rin na ang kapalit no'n ay ang kapatawaran sa nagawa kong kasalanan pero Yule, ang kasalanang nagawa ko ay walang kapatawaran at alam kong alam mo 'yon." Humigpit ang pagkakahawak ni Yule sa bote. "Sige na, buksan mo ang boteng 'yan." Sinunod ni Yule si Aryl at binuksan nito ang boteng kanyang hawak. Isang makapal na usok ang bumalot kay Yule. Tila ba nasa ibang panahon si Yule. Nakita niya ang kanyang kapatid kasama si Claude sa mundo ng mga mortal. May hawak na sanggol si Claude. Sa tabi ni Claude ay si Riyah. "Heaven?" tanong ni Yule ngunit mukhang hindi siya naririnig ng mga ito. "Ala-ala ko na lamang ang mga ito. Ang tanging magagawa mo na lamang ay panoorin ang nakaraan ko." sabi ni Aryl dito. "So totoo nga pero bakit? Bakit mo siya pinagtakpan?" tanong ni Yule dito. "Masaya sina Claude at Riyah at masaya ako para sa kanila. Lahat ginawa ko para hindi matuklasan ng hukom ang kanilang relasyon. Umabot ang relasyon nila ng ilang taon hanggang sa nagkaanak silang muli ngunit hindi pa pala sapat ang mga ginawa ko. Sabi nga nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag." sabi ni Aryl dito. Nakita nila sa di kalayuan si Niles, angel of love, ang anak ng punong hukom. "Nalaman ni Niles ang lahat. Matalik ko siyang kaibigan. Alam niya na may lihim akong pagtingin kay Claude at alam kong nasasaktan siya para sa akin." Ilang sandali pa ay nakita nina Yule at Aryl ang sanctuario ng langit. Nagkagulo ang lahat nang mapansin nila ang malaking gitak sa harang na namamagitan sa kanila at ng mga itim na anghel. "Nagkaroon ng gitak ang harang. Ipinatawag ako ng punong hukom upang tanungin kung sino ang nagkasalang anghel." napayuko si Aryl nang makita niya ang sarili niyang ala-ala. "Nagsinungaling ako. Sinabi kong walang nagkasalang anghel. Matapos no'n ay naging abo ang aking mga pakpak." Patuloy lang ang panonood nina Yule sa ala-ala ni Aryl. "Tatlong araw, bago ako ipatapon sa kabilang daigidig ay nakiusap ako kay Niles na huwag sasabihin kahit kanino ang kanyang nalalaman pero hindi.. Hindi ko akalaing ang matalik kong kaibigan ay may lihim na pagtingin sa akon. Hindo niya matanggap ang lahat ng nangyari. Sinabihan niya ako na papatayin niya si Claude at ipaghihiganti ako. At sa huling pagkakataon ay sinabihan ko sina Claude at Riyah na umalis at magtago." Nangingilid na ang luha sa mata ni Yule. Hindi niya lubos akalain na ito ang buong katotohanan sa sinapit ng kanyang kapatid. "Tinulungan ko sila pero huli na ang lahat. Naabutan kami ni Niles at pinana niya si Claude tagos sa puso nito. Naging itim ang mga pakpak ni Niles, muling nagkaroon ng gitak ang harang at nalaman ito ng hukom." Nakita ni Yule sa ala-ala ng kanyang kapatid ang pagpataw ng hukom kay Niles na mapunta sa kabilang daigdig. "Pinilit kong gamutin si Claude pero hindi na kaya ng aking kapangyarihan. Bukod sa pagiging abo na ng aking mga pakpak ay unti unti na rin akong nilalamon ng kadiliman kaya bago pa man tuluyang mawalan ng buhay si Claude ay binura na nito ang ala-ala ni Riyah." Muli ay nakita ni Yule ang lahat. Hinawakan ni Claude ang noo ni Riyah bago ito tuluyang kuhanin ng liwanag at maglaho. "Isang araw bago ako tuluyang ipatapon sa mundo ng kadiliman ay humingi ako ng tulong kay Kismet na bantayan at bigyan ng bagong ala-ala ang pamilya nina Riyah. Tinulungan naman niya ako. Akala ko mapapayapa na ang lahat ngunit hindi pa pala." Ngayon ay nasa mundo na sila ng kadiliman. "Sabay kaming ipinatapon ni Niles sa mundo ng mga itim na anghel. Sobrang galit ang naramdaman ni Niles sa kanyang ama dahil sa nagawa nitong patawan siya ng kaparusahan." Makalipas ang ilang minuto ay nakita ni Yule si Rye at Niles na magkausap. "Naging malapit si Niles sa mga nilalang na naninirahan dito, lalong lalo na sa anghel ng kamatayan na si Rye." "Si Rye ay anak ni Cain, isang blacksmith. Bago pa mamatay ang kanyang ama ay binigyan niya ito ng isang munting regalo. Isang patalim na idinisenyo upang makapatay sa huling saling lahi ng mga taga pagprotekta ng langit." "At alam mo naman siguro ang mangyayari kapag namatay ang huling saling lahi?" tanong ni Aryl dito. "Masisira ang harang na nagbubuklod sa mga puti at itim na anghel at mababalot ng kadiliman ang buong kalangitan." sagot ni Yule. "Tama. Gustong makaganti ni Niles sa kanyang ama habang si Rye naman ay gustong maghari sa buong kalangitan kaya nagkasundo silang hanapin ang huling saling lahi at patayin ito." "Ngunit di nila akalaing hindi magiging madali ang lahat. Natagpuan nila si Sky at tinangkang patayin ngunit dahil ito ay kalahating anghel at kalahating tao ay walang epekto ang patalim na gawa ni Cain." "Nagsaliksik sila sa mga librong iniwan ni Cain at doon nila nalaman ang kasagutan na matagal na nilang hinahanap. Nalaman nilang magagamit pa rin nila ang patalim upang mapatay ang huling saling lahi ngunit 'yon ay sa tulong ng isa pang nilalang." "Ibig mo bang sabihin." "Tama ka, eepekto lamang ang patalim ni Cain kung ang gagamit nito ay kauri ng huling saling lahi. Walang iba kundi ang kanyang kapatid, si Heaven." Unti-unting nawala ang usok sa paligid. Muling hinawakan ni Aryl ang kamay ng kanyang kapatid, "Matagal mo ng nahanap ang hinahanap mo pero hanggang ngayon ay nagdadalawang isip ka pa rin. Alam kong binalak mo akong ipaghiganti kina Heaven pero nakita mo kung gaano sila kabait." Hindi maitanggi ni Yule ang sinabi ng kanyang kapatid. "Para sa hukom, iyon ang ikakabuti ng marami pero Yule kapag dinala mo si Sky sa kalangitan, ikukulong nila siya at itatrato bilang bihag. Alam kong alam mo na mabuting tao sila. Kaya sa halip na isuplong ay tulungan mo sila." pakiusap ni Aryl dito. Naalala ni Yule ang matagal ng sinasabi ng tadhana, mamamatay ang huling saling lahi at kapag nangyari ito, ang lahat ng puti ay magiging itim. 'Yon na nga siguro ang ibig sabihin ni Crest. Tumango si Yule sa kanyang kapatid, "Hindi ako mangangako pero gagawin ko ang lahat para mapanitili silang ligtas." Muling nagyakap ang magkapatid. Ito lang naman ang gusto ni Yule, ang malaman ang buong katotohanan. Kumalas si Aryl sa pagkakayakap at kinuha ang isang bote sa di kalayuan. Nagtaka si Yule nang ibigay niya ito dito. Binasa ni Yule ang nakasulat sa bote, 'Risse Yvette Antoneth' "Panahon na para ibalik ang kanyang ala-ala." Muling tumango si Yule. "Puntahan mo siya." Dala ang bote ay lumipad palabas ng lihim na paraiso si Yule.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD