HUMUGOT ng malalim na buntong-hininga si Catherine nang huminto ang sinasakyan na kotse sa mansion ni Travis. Sa totoo lang ay wala sana siyang balak na umuwi ng mansion ni Travis ng sandaling iyon. Pagkagaling nga niya sa clinic pagkatapos ng check-up niya ay sa halip na umuwi ng mansion nito ay nagpahatid siya sa driver ni Tita Grace sa bahay nila. Doon kasi niya gustong magpalipas ng gabi. Masama kasi ang loob ni Catherine kay Travis dahil pinaasa siya nito na sasamahan siya nito sa check-up sa OB niya. Pero hindi ito dumating, sa totoo lang ay madami na itong kasalanan sa kanya. Patong-patong na. Pero pakiramdam niya, sa lahat ng kasalanan ni Travis ay iyon ang mas nasaktan siya. Siguro dahil umasa siya, umasa siya na sasamahan siya nito sa check-up niya pero hindi nito ginawa. Ini

