NAKAKUNOT ang noo ni Travis nang lumabas siya sa loob ng kotse pagkahinto ng driver niya sa tapat ng building kung saan matatagpuan ang opisina niya. Pagkatapos niyon ay naglakad na siya papasok sa loob ng building. Halos lahat ng nakakasalubong ni Travis na empleyado ay binabati siya, pero kahit isa ay wala siyang binati. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang makasakay siya sa elevator. Hindi naman nagtagal ay tumigil ang sinasakyang elevator sa palapag kung saan matatagpuan ang opisina niya. Humakbang na siya palabas at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. "Good afternoon, Sir," bati sa kanya ni Chris nang makita siya nito. Sa halip na sagutin ang pagbati nito ay tuloy-tuloy din siya sa pagpasok ng opisina niya. Hapon na siya nakarating sa opisina niya dahil may pinuntahan pa siy

