"HINDI ka po uuwi, Tito Daddy?" Nag-angat ng tingin si Catherine kay Calvin ng marinig niya ang tanong nitong iyon kay Travis. At nakita na naman niya na magtabi ang dalawa. "Depende," sagot naman nito kay Calvin. Nakita naman niya ang pag-nguso ng anak. "Hindi niyo naman po sagot tanong ko, Tito Daddy, eh," wika ni Calvin dito Humalakhak naman si Travis sa sinabi ni Calvin dito. Mukhang natutuwa sa pinapakitang ekspresyon ng anak. "Depende kung gusto mo na akong umuwi o gusto mo akong mag-stay pa at dito matulog," sagot ni Travis dito. "Ano ba ang gusto mo?" Napansin niya ang pagkibot-kibot ng labi ni Calvin na para bang nag-iisip ito ng isasagot sa tanong ni Travis. "Gusto mo na akong umuwi?" tanong muli nito ng hindi pa sumasagot si Calvin.. At sa halip na sumagot si Calvin sa

