LUMABAS si Travis ng banyo na tanging tuwalya lang ang tumatakip sa kahubadan. Ang isang tuwalya naman ay ginagamit niya para punasan ang basang buhok. Dumiretso nga din siya ng walk in closet para magbihis. At akmang kukunin niya ang puting long sleeves na madalas niyang isuot ng mapatigil siya nang may naalala niya. Naalala niya ang damit na binili para sa kanya ni Catherine noon. Kaya sa halip na puting long sleeves ang isuot at polo button shirt ang isinuot niya, iyong kulay blue. Kahit na liman taon na ang nakakalipas simula noong ibigay ni Catherine iyon sa kanya ay mukhang bago pa din iyon dahil iningatan talaga niya. Iningatan iyon ni Travis dahil iyon ang unang bigay sa kanya ni Catherine noon. And that was his only memory of her. Hindi din naman siya masyado nagtagal sa pagb

